Part 6

1.9K 49 0
                                    

ELISA

Isang buwan na simula ng may mangyari sa amin ni Leonard napatunayan kong mahal ko ito.. dahil walang pagdadalawang isip na ibinigay ko ang sarili ko dito. Nakahiga ako sa kama ng tumunog ang cp ko. Nangiti ako ng makita kong si Leonard ang tumatawag.

" Hello delivery!" sagot nito.

Malakas ang tawa ko " Pwede bang ikaw ang orderin ko?" tanong ko dito.

" Yes Maam! you want me spicy or normal? " sagot nitong tumatawa.

" I want you hot!" namumula kong sagot.

" Silly girl!, tumayo kana at sunday ngayon magsimba tayo!" aya nito madalas kaming mag simba ni Leonard tuwing Linggo minsan kasama namin ang Papa nito kapag nagsisimba kami sa malapit lang sa kanila.. paano mo hindi mamahalin ang isang tulad nito. Maraming nabago sa pagkatao ko isa na dito ang palasimba dati kailangan ko pang mag sakit sakitan para lang di makasama kina Daddysa pagsisimba.

" Sige san tayo magkikita? " tanong ko.

" Sa may mini stop nalang di kasi makakasma si Papa. masakit ang paa nito." sagot ni Leonard.

" Ok sige maliligo na ako" nang bigla akong mahilo pag tayo ko.

Pinilit kong lumakad ngunit nag dilim bigla ang paningin ko.

Nagising akong nasa isang private room ng hospital.. Kinabahan akong bigla. Narinig kong nag tatalo sina Mommy at Daddy nagtama ang mata namin ng Dad ko.

Lumapit ito sa akin " Anong pinaggagawa mo Elisabeth sa buhay mo! " nanlilisik ang mga mata nito. Natakot ako first time ko makita si Dad ng ganito .

" Sino ang ama nyan!" si Mommy naman ang nag tanong.

Di ako makapag salita, nabigla ako sa tanong ni Mommy. Buntis ako!..

" Lahat Elisa ibinigay namin sa iyo ng Mommy mo ito lang ang igaganti mo!" lumalakad ito pabalik balik sa harapan ko halatang tuliro din ang Dad ko sa natukalasan nito.

" Im sorry Daddy " umiiyak kong sagot dito.

"Pupunta ka ng L.A. ipapalaglag mo ang batang iyan! anong alam mo sa pag bubuntis ni hindi kapa nkakatapos ng pag aaral!" galit galit na nasabi ng Daddy ko.. inalo ni Mommy si Daddy narinig kong pinakakalma nya ito.

" Ikukuha ka namin ng flight the soonest the better hindi kana papasok ng school hindi ka rin tatanggap ng mga tawag simula ngayon!" si Mommy

Biglang pumasok sa isip ko si Leonard Wala itong kaalam alam sa nangyari sa akin ngayon. Im sure nag aalala na ito.

Pinalabas din ako ng Ospital ng araw na iyon. Nagiisip ako kung paano ako makakatakas kina Daddy siguradong bantay sarado ito saakin. Nag pakuha pa ito ng isang tao na mag babantay sa akin.

Alam kong madali akong mapapaalis ng Dad ko papuntang L.A. Nadun lahat ng relatives namin. Tutol ako sa gagawin ng mga magulang ko para sa baby ko. Hinimas ko ang tiyan ko. Dont worry baby gagawa si Mommy ng paraan para makapunta tayo sa Daddy mo.

Gumising ako ng alas tres ng madaling araw alam kong tulog na ang lahat sa amin .. maging ang taong nagbabantay sa akin nakita kong wala na ito sa labas ng room ko. Pinili ko ang hagdanan upang di ako maka likha ng ingay.

Nang malapit na ako sa may gate. Nakita kong may lalaking naka bantay dito. Patay na hindi ako makaka daan sa may gate. May kataasan ang bakod namin at puno ito ng cctv camera. Bahala na.. kumuha ako ng hagdan na ginagamit ng katiwala namin sa twing nag puputol ito ng sanga ng puno sa malawak naming bakuran. Kahit masakit ang kamay ko pilit ko itong hinili papunta sa pader ng bakod namin.

Kailangan kong tumalon dahil wala ng hagdan sa kabilang bakod. Baby kapit ka ha? tatalon si Mommy!Bumilang ako ng tatlo bago ako tumalon. Napilayan ang paa ko. Paikaika parin akong lumakad.. mahalagang makalayo ako sa bahay namin.

May nakita akong taxi at mabilis kong pinara ito.

Si Leonard ang nag bukas ng pinto pupungas pungas pa ito. Mabilis akong yumakap at umiyak dito.

" Whats wrong?" tanong nito.

" Bayaran mo muna yung taxi wala akong pera" sagot ko dito.

Sumunod naman ito.. pumasok sa room nya kumuha ng pera at binayaran ang taxi.

Binigyan ako ng tubig nito at pinaupo sa may sofa.

" Buntis ako!" humihikbi kong sinabi kay Leonard.

" What??" nagulat ito.

" Pinapapunta ako nina Daddy ng L.A.! para ipalaglag ito! ayoko!" malakas na ang iyak ko.

" Hayan na nga ba ang pinag aalala ko Leonard! Sana pinag isipan nyo munang mabuti ang mga ginagawa nyo. " ang Papa nito palabas ng kwarto na nka wheel chair.

" Pa!" si Leonard

" Nandyan na yan magalit man ako wala na akong magagawa. Elisa buo naba ang loob mo na tanggapin ang uri ng pamumuhay ng anak ko?" tumingin ang Papa nito sa akin.

" Opo" mabilis akong sumagot.

" Ikaw Leonard kaya mo bang panagutan ang ginawa mo?" tanong nito kay Leonard.

" Opo pa! mag sisikap ako para kay elisa at sa magiging baby namin. " sagot ni Leonard biglang nawala ang kaba ko sa dibdib. Nag karoon ako ng masasandalan.

" Kailangan nating makipag usap sa mga magulang ni Elisa bukas. Sa huwes muna kayo magpakasal .Mag papatuloy ka sa pag aaral Leonard. kailangan mong makatapos. Para rin sa kinabukas nyong tatlo. " tumingin ito sa akin. " Elisa kailangang mag sakripisyo ka muna. Nakakahiya mang sabihin hindi kakayanin ni Leonard na dalawa kayong magaaral working student sya. Alam mo ang ibig kong sabihin. " masakit man sa pandinig ko tumango nalang ako.

" Matulog na kayo bukas pupunta tayo sa bahay nyo Elisa upang makausap ang magulang mo. " papasok na ito sa kwarto nito ng mag salita si Leonard

" Pa san ako matutulog?" taning nito.

" Ngayon mo pa napiling humiwalay ng tulugan kung kailan may laman na ang tyan ni Elisa!" pareho kaming napahiya ni Leonard.

Mag katabi kaming natulog ni Leonard. Nakayakap ako dito. Pareho kaming hindi makatulog.

" Elisa, sigurado ka ba na hindi mo pag sisisihan ang pag sama mo sa akin? Hinde ka sanay sa ganitong buhay sa ngayon hindi ko maibibigay lahat ng mga panagangailangan mo pero mag sisikap akong makatapos para mag karoon ng maayos na trabaho para sa inyo ng baby natin." paliwanag ni Leonard habang hinihimas nito ang tyan ko.

" Mahal kita yun ang pinanghahawakan ko para sa anak natin. " sagot ko dito. Humarap ito sa akin at hinalikan ako. Gumapang ang kamay nito sa loob ng suot kong damit.. Alam kong hudyat na iyon ng isang mainit eksena sa pagitan namin ng lalaking minamahal ko.












And The Winner is Love ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon