Part 2

2.4K 50 1
                                    

Nasa may 3rd floor kami ng mga Dad ko. Dito ang room nina Mom and Dad my room is in the 2nd floor, may malaking gym sina Mom and Dad dito mahilig silang mag exercise together. I want to become like them when i get married. Napaka sweet nila, never ko pang nakitang nag away sina Mommy and Daddy.

Habang nag ttreadmill kami ni Mommy narinig kong may tumawag sa phone. Nakita kong unknown number ito. Tinigil ko ang machine and hinihingal akong sumagot.

" ahhh haaa hello?" sagot ko.

" Sorry busy ka yata with someone!" sagot sa kabilang linya.

" ahhh haaaaaa.. sino ka nga!" hinihingal ko paring sagot.

" Ako lang yung tinakot mo na isusumbong sa manager ko!" sagot nito.. halatang wala itong gana makipag usap.

Napa derecho ako ng tayo at biglang kumabog ang dibdib ko. Tumawag sya!

" Hi out mo na?" inayos ko na ang paghinga ko.

" Obvious ba? sabi mo tawagan kita pag out ko?" pilosopong sagot nito.

Dinedma ko lang ang kasungitan nito baka pagod lang ito. " Pwede ba tayong magkita ngayon? " na eexcite kong aya dito.

" Now?" ulit nito.

" Oo kakain lang tayo! pwede ba?" tanong ko.

" Busog ako! sige na tatawid na ako!" narinig kong may mga busina ng sasakyan meaning nsa labas nga ito.

" Hindi pa ako kumakain ! nahihilo nako!" mabilis kong sagot dito.

Nagisip to marahil dahil hindi ito sumasagot " Ok sige san tayo magkikita? sandali lang ha? magaaral pako pag kauwi ng bahay!"

Shoot! pumayag din! Sinabi ko sa kanya kung san nya ako hihintayin sa isang mall sa ortigas since malapit sya dun

Tumingin ako sa Mommy ko " Mom i will go out!" hindi ko na hinintay na sumagot ito dalidali ako sumakay ng lift may elevator sa bahay namin ipinalagay ito ng Dad ko ng mag buntis si Mommy sa akin. Mahirap daw kasi dito ang pagbubuntis sa akin may heart problem ang Mommy ko.

Dali dali akong nag palit at lumabas kinuha ko ang mustang ng Dad ko mas masarap gamitin ito dahil mabilis.. lagi akong may fine sa twing ginagamit ko to. Over speeding and not wearing seatbelt. This time expected ko na naman ang mahuli!

Pinaandar ko na ito at mabilis na bumukas ang automatic gate namin.

Nakarating ako sa harap ng Mall na pinagusapan namin. Nakita kong nka uniform pa ito at nakatayo.. panay ang tingin sa mga taong nag dadaan ang gwapo talaga nya at para syang si Hu YiTian ang main actor sa A Love so beautiful. Maging ang pagiging tahimik nito na para bang may sariling mundo ganun na ganun ito.

Bumusina ako ng mapatingin ito sa akin. Kumaway ako dito. Lumapit ito sa akin.

" Sakay na!" napilitan itong sumakay.

" Kala ko ba kakain tayo?" tanong nito. Habang nagkakabit ng seat belt. Natawa ako kasi never ako gumamit nito.

" Oo nga!" sagot ko.

" May kainan naman dun sa mall na yun ah." nakatingin ito sa akin habang nagsasalita.

" Ah talaga may pagkain dun?" tanong ko di pa kasi ako nakaka pasok sa mall na yun madalas kami ni Mommy sa Shang or Eastwood.

" Hindi mo alam?" nakita kong nagtataka ito.

Tumango lang ako.

" Ano nga palang name mo?" tanong ko dito.

" Sumasama ka sa lalaking di mo kilala?" tanong nito.

Bigla kong break muntik na itong masubsob.

And The Winner is Love ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon