Foreword

108K 2.1K 568
                                                  

I write typical and predictable stories. If your taste is unique, you can't find it here. I'm not a professional writer and still learning, I am not here to please you. I just simply wanna share for FREE. So please, if you're a perfectionist who wants to read a very clean novel with perfect grammar and plot, leave my works.
•••

Foreword

I exhaled massively and glanced at the car on my left side, I pulled the gearstick forcibly with all my irritation while clenching my teeth as I stomped on the accelerator pedal. I looked at the speedometer, I gasped when I reached the fastest limit of this car I'm using. Mas mabilis pa rin ang sasakyang humahanay sa akin kaya nag-isip ako ng puwedeng gawin upang maiwanan siya.

I maneuvered to the left to bump the car beside me, pakiramdam ko ay naalog ang utak ko sa impact noon. Gustuhin ko mang pumikit ng mariin ay hindi ko nagawa dahil baka ikamatay ko pa, nagtagis ang bagang ko. Inapakan ko ang break pad at mabilis siyang iniwasan, kitang-kita ko na ang nalalapit na finish line kaya mas lalo kong binilisan. Kung saan ko siya nakikitang lumiliko ay agad kong hinaharangan upang hindi makaabot hanggang sa naabot ko ang finish line ng open race field.

Maangas kong pinahinto ang sasakyan at umikot iyon para magbigay ng usok sa paligid, I smirked at myself and exhaled contently. Pinikit ko pansamantala ang mga mata at binati ang sarili sa pagkapanalo. Naglapitan ang mga kaibigan ko sasakyan habang pababa naman ako, huminto na rin ang pumangalawa sa aking racer sa kabilang dako ng finish line na sinundan pa ng ibang nahuli sa amin.

I blinked my eyes innocently as I took my helmet off my head, bumagsak ang diretso at mahaba kong buhok hanggang sa baywang. Inipit ko ang helmet sa isang braso at naglakad. Dinamba agad ako ng akbay ng isang kaibigan, mabilis akong napayuko ng ulo sa hiya.

"Raes! Fuck! That was a great show!" sambit ni Zoren habang nakaakbay at iniipit ako sa kanyang braso.

Nakita ko ang iritadong si Girbaud habang sumasalubong sa amin, sa sobrang dami ng pumapalibot sa amin ay hindi ko na mapansin ang lahat ng nagtatanong sa pangalan ko at tuwang-tuwa. May ilang galit din dahil natalo sila sa pustahan at hindi ko malaman kung minumura na ba ako ngayon. Baka mamaya lang ay binabato na ako ng itlog dito. Nagyuko lang ako ng ulo para itago ang mukha, I feel terribly shy that I don't want to face everyone here.

"What the hell was that, Loraes?!" anas ni Girbaud sabay hila sa akin mula kay Zoren upang tingnan ang aking mukha, he checked on my forehead and caressed the top of my head like he's consulting something. "I told you to race fairly! You don't need to win by getting yourself harmed!"

Napayuko ako lalo ng ulo at huminga ng malalim. I don't know if I should be happy with my win or be timid because I'm just a new girl here, in this track and now I don't think they'll be nice to me.

"Loraes! Woah! Woah! You just fucking robbed the race field tonight by mopping the King of this race track!" humahalakhak na sabi ni Jairus, ginulo niya ang buhok ko at ngumising mala-aso.

"Damn it! I lost my three hundred dollars! Oh God!" the girl in red hair said exaggeratedly and glared at me.

"I bet 500 dollars! Nauwi rin sa wala, kung hindi lang guwapo 'yon, naku!"

"Iyan! Puro guwapo kasi kayo! Mahina naman abilidad!" pang-aasar ng ilang lalaki.

Inakbayan ako ni Girbaud upang protektahan sa mga nagtatangkang sumalubong sa akin at kumuha ng litrato, halong mga babae at lalaki ang audience pero mas lamang ang dami ng kalalakihan dito na hindi ko kinasanayan. This is my first ever race, I've only been playing racing on my cellphone and PlayStation so I didn't really expect a win tonight. I know how to drive cars but not sports car, heto rin ang unang gamit ko ng magarang sasakyan na ganoon pala kabilis.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon