KIDLAT : 9

452 39 7

K: 9

--
Nakangiting pinagmamasdan ni Kidlat si Trina, nakatulog na ito paharap sa kanya sa kotse niya gan'on rin si Johan na mahimbing ang tulog sa likod, muling napangiti si Kidlat sa sarili.
The girl is really amazing, She shine like glitters, and bubbly like wines sa isip ng binata hinawi niya ang buhok nitong nakatabing sa mukha nito natuon ang tingin sa mapulang labi ng dalaga maging sa mahahabang pilikmata nito, She really look like an angel 'yon nga lang iba ang bagsik na dala pag nagagalit na.
"Why can't it be, why can't it be the two of us, why can't be lovers." Muli siyang napangiti sa hinimig na kanta para sa dalagang alam niyang tulad ng sa kanta they can't be lovers, ni kailanman hindi magiging sila.
"Nasaan na tayo?" Naalimpungatang tanong ni Trina nang maramdamang may nakatunghay sa kanya, luminga-linga sa paligid umiwas ng tingin si Kidlat, binaling ang paningin sa harap ng manibela.
"We're here....sa puso ko." Pagbibiro ng binata.
"Ang badoy mo lang rin talaga!" Sagot ni Trina umayos ng upo inirapan ang katabi binaling ang tingin kay Johan.
"Johan, johan nandito na tayo." Gising ng dalaga sa kapatid niya gumising si Johan nakangiting tumunghay kay Kidlat.
"Salamat kuya," Aniya nito.
"Salamat sa paghatid pwedi ka ng umalis." Si Trina nagmadaling bumaba para pagbuksan ang kapatid.
"H'wag ka na bumaba kaya na namin,salamat ulit." Natigilan ang binata sa akma niyang pagbaba muli nitong sinara ang pinto sa gawi nito nakangiting kumaway sa magkapatid.
"Salamat kuya," Ganting kaway ni Johan umiwas ng tingin si Trina nang makaramdam ng lungkot sa papalayong binata, napangiti si Kidlat sa emosyong nakita sa mukha ng dalaga nang tingnan niya ito sa side mirror niya.
"See you again, Trina." Malakas na sigaw ng binata nang huminto sa may 'di kalayuan muli siyang kumaway sa dalawa bago muling pinaharurot ang sasakyan niya.
"Oy, si ate namumula." Tudyo ni Johan.
"Ikaw ha! saan mo natutunan 'yan?"
"Ate naman, action speak louder than words mas gusto mo na si kuya Kidlat keysa kay kuya Zeke, 'no?"
"Hindi! tumigil ka na nga, tara na!" Natatawang hila ng dalaga sa mapanudyong kapatid muling tiningnan ni Trina ang papalayong sasakyan ni Kidlat tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
"See you again, asungot." Piping bulong sa sarili para sa binatang nagiging knight shining armour nila ng kapatid niya.

"Mabuti dumating ka na," Salubong ng sekretarya niya pagkarating sa sariling firm.
"What the news?" Nakangiting tanong ng binata pinagmasdan ito ni Josie mukhang inspired ang amo, umupo ito sa harap ng swivel chair sinipat ang mga folders na nasa harapan nito.
"Tumawag si Mr. Chong Go." Simula ng sekretarya napataas ng tingin si Kidlat nagtatanong ang mga mata nag-aabang sa iba pang sasabihin nito.
"Kailan mo ba daw muling pupuntahan ang Villa Esperanza para sa agarang pagsusukat para sa condo na project na pinagkakatiwala niya sa'yo." Dagtang pa nito lihim na napalunok si Kidlat sa magkapatid na biglang sumagi sa isip niya ang isa sa mga pamilyang naninirahan na ayaw umalis sa villa, natuon ang pansin ng dalawa sa teleponong nasa harap ni Kidlat, may tumatawag sinagot ito ng binata.
"Gusto ko kausap Mr. Engr. Kidlat Marundon," Bungad ng nasa kabilang linya muling napataas ng tingin si Kidlat sa kaharap tinuro ang kausap.
"Hello, ikaw bakit 'di sagot sa'kin?" Aniya pa nito.
"Hello, sir! magandang umaga." Masayang bati ni Kidlat pilit na ngumiti.
"Ikaw Mr. engr. kupad kilos aking pinapagawa sa Villa," Simula nito napaismid ang binata.
"Kailan mo ba sisimulan aking condo? ikaw marami na araw nasayang, ano ba ginagawa mo? gusto mo pa ba aking project o, bigay ko iba?" Nakaramdam ng kaba ang binata sa muling sinabi nito.
"Sir, no sir! ako trabaho sa'yo, ako pangako gagawin proyekto lalong madaling panahon, ako pirma kontrata tapos na ako nangangako gagawin trabaho sa lalong madaling panahon."
"Good! ako tiwala sa'yo bata kahit ikaw bago iyong propesyon gawin mo trabaho h'wag ka puro dada, dada instik malas lugi negosyo, lugi negosyo wala kita bibigay sa'yo."
"Okey sir!" Sapilitang sagot ni Kidlat sa matandang intsik.
"Ikaw bahala aking condo ako bahala sa kita mo, pag 'di alis tao nakatira sa Villa sama ka pulis palayasin mo!" Huling bilin nito bago muling binaba ang awditibo muling nagtaas ng tingin si Kidlat kay Josie napabuntong-hininga sa naging pag-uusap nila ni Mr. Chong Go.
"What's your plan?" Tanong ng sekretarya.
"Do my job," Maiksing sagot nito muling sumariwa sa isip ang dalagang kanina lang kasama niya, pero dahil sa maitim na balak ng matandang intsik peligro itong mawawala sa kanya.
"Good Kid, nakasalalay sa mga kamay mo ang pangalan mong gustong patunayan sa pamilya mo si Mr. Chong Go ang isa sa makakatulong sa'yo para mangyari 'yon malaki ang proyektong pinagkakatiwala niya sa'yo this project will help you na makailala ka." Paalala ni Josie sa naguguluhang amo muli itong napabuntong-hininga, magalang itong nagpaalam sa kanya nabaling ang tingin ni Kidlat sa planong nasa harapan niya ang sketch ng condo na matagal niyang pinagpuyatan at pinag-aralan ng mga panahong wala pang isang Trina sa buhay niya.

Masiglang naglilinis si Trina ng bahay nila matapos iwan si Johan sa silid nito nakatulog dala ng pagod, pinasadahan ng tingin ng dalaga ang munting tahanan nila ang naging kanlungan niya mula ng iwan sila ni Chandra sa mama Ester niya ang nakababatang kapatid nito ang nagturing sa kanila ni Johan na parang tunay na mga anak, napakagat-labi si Trina hindi pa rin tuluyang nawawaglit ang sakit na nararamdaman para sa tunay na ina.
"Trina!" Napalingon ang dala sa kilalang-kilala niyang boses sa likuran niya ang nanay niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Bungad niya dito liningon ang silid ng kapatid.
"N-nandito ako para humingi ng tawad sa'yo sa nangyari sa birthday ni Nica nang kapatid mo." Anito umiwas ng tingin si Trina.
"Makakaalis ka na!" Naging tugon niya dito may galit sa mga mata.
"Trina, pakinggan mo muna ako."
"Ang sabi ko makakaalis ka na! kailan mo ba maiintindihan na wala kang puwang sa buhay namin ni Johan?" Singhal ng dalaga umiwas siya ng akma siya nitong hawakan.
"Inuulit ko umalis ka na at h'wag ka ng babalik pa!"
"T-trina, anak namimiss na kita si J-Johan, nandito ba siya?" Luminga-linga ito sa paligid hinahanap ng tingin ang kapatid.
"Wala kang karapatan kay Johan, itinakwil mo siya itinakwil mo na kami baka nakakalimutan mo?" Mahina pero sapat na para marinig at maunawaan nito ang galit na nararamdaman niya.
"Trina, I'm sorry! kong alam mo lang lahat anak." Aniya nito may bumalong na luha sa mga mata nito umiwas ng tingin si Trina napapikit ng lihim sa nararamdamang pinipilit niyang h'wag maramdaman para dito.
"Makakaalis ka na!"
"Trina, may bisita ka... tita?" Nagulat ang dalawa sa biglang pagdating ng nabiglang binata sa bisita ng dalaga.
"Kidlat?" Aniya ng ginang napalunok sa takot na naramdaman na baka malaman ng Nica at asawa ang tagong dalaw niya sa dalawang anak.
"Tita, what you doing here?" Magalang niyang tanong dito matapos itong halikan sa labi. Napatingin ang binata sa dalagang naghihintay ng magiging sagot ng ina sa tanong ng binata.
"Ah, uhm n-nandito ako para magbigay ng tulong sa kanila alam mo naman ang tito Tomas mo matulungin sa kapwa nalaman niya kasing may sakit ang kapatid ni Trina." Pagsisinungaling nitong hindi makatingin ng direkta sa panganay niyang harap-harapan niyang 'di maamin ang totoong sadya niya dito.
"H'wag na kayo mag-abala pa madam Chandra! kaya ko ang kapatid ko ngayon kong wala na kayong kailangan pa umalis na kayo!" Pilit na mga ngiting sinalubong niya sa nakikiusap nitong tingin.
"Trina!" Angil ni Kidlat, tiningnan ito ng masama ni Trina tumalikod ang ginang matapos magpaalam sa binatang kilala nito ang kinatatakutang asawa.
"Trina, gusto lang tumulong ni tita! pati ba naman siya pakikitaan mo ng ugali mo?" Bulyaw ng binata ng makaalis si Chandra, napahinto si Trina sa mga sinabi nito.
"Wala kang alam kaya h'wag kang makikialam! umalis ka na rin!"
"Trina, look wala siyang intensyong masama kilala ko si tita kong gaano siya kabait na tao." Patuloy sa pagtatanggol ni Kidlat sa nanay nilang hanggang sa mga sandaling 'yon patuloy silang tinatakwil ni Johan na 'di sila kayang aminin sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon.
"Hindi pagkat mabuti ang pinapakita sa'yo ng tao sa harap mo gan'on na siya kabuti simula't sapol na hindi mo pa siya nakikilala! uulitin ko Kidlat wala kang alam kaya h'wag mo akong papakialaman! makakaalis ka na!" Aniya ni Trina sa mga mata nito makikita mo ang galit at sama ng loob sa harap ng binatang naguguluhan para sa dalaga at sa nanay ni Nica sa tita Chandra niya.

----
A/N : Hi guys, nagising lang ako kaya nahabol ko 'to anyways highways okey na me! Hihihihi.
Dating gawi comment 'yon lang ang ligaya ko 😁
GOODMORNING and GOODNIGHT mua 😘

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!