KIDLAT : 8

358 31 0

K : 8

---
"Ang kapal lang rin talaga ng pagmumukha mo!" Nakangiting pilit ni Trina nang makabawi sa sinabi ng binata, tumawa ito nang tumawa ng makalagpas sa kanya.
"Hey, teka lang saan mo dadalhin ang kapatid ko?" Sabay na lumingon si Kidlat at Johan nakangiting tinuro ang magarang kotse sa labas.
"'diba ate sabi mo papacheck-up ako?" Paalala ng kapatid niya tumango-tango si Trina nilapitan ito patay malisyang tinanggal ang kamay ni Kidlat na nakahawak dito.
"Magpapacheck-up ka nga pero ako ang kasama mo at hindi siya." Tukoy niya sa binatang nakatingin sa kanya muling hinawakan ang kamay ni Johan.
"I offer my car for Johan besides along the way lang rin ako sa sinabi niyang hospital." Agaw nito sa eksena muling napatiimbagang si Trina sa pagiging ala superhero nito sa kapatid niya.
"Malinis naman intensions ni kuya ate, and he promised me na hindi ka niya liligawan kaya hindi ka maiinlove sa kanya so, hindi ka po masasaktan." Napalunok ng tuyong laway si Trina sa sinabi ng kapatid niya muli niyang tinapunan ng tingin ang binatang hindi mawala ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Kong ano-ano sinasabi sa kapatid ko!"
"Totoo naman sinasabi ko sa kapatid ko, kaya h'wag kang mag-alala safe ang heart mo." Aniya nito nakangiti sa kanya hindi alam ni Trina kong bakit bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang sa puso sa sinabi nitong hindi nito balak manligaw sa kanya.
"Let's go ate, doctor Eziquil is waiting." Muling paalala ng kapatid.
"Teka who is Sebastian?"
"My doctor kuya si Kuya doc Zeke, crush ni ate." Walang prenong sagot ni Johan kay Kidlat agad itong nilapitan ni Trina tinakpan ang bibig ng madaldal niyang kapatid.
"Kaya pala ayaw mo 'ko kasama dahil magpapacute ka sa iba!" Singhal ni Kidlat.
"Mind on your own business!" Nagpatiuna si Trina inakay ang kapatid hanggang sa magandang sasakyan ng kapatid.
"Ano pa hinihintay mo? Aba, pagdrive mo na kami Zeke is waiting.." Pang-iinis ng dalaga sa nakikitang inis sa mata ng binata padabog siya nitong pinagbuksan sa harap matapos buksan si Johan sa likuran.
"Go! mamang driver sa saint Jude lang kami." Utos ni Trina sa binatang kong wala lang si Johan alam niyang pinababa na siya sa sasakyan nito.
"Kuya, ang ganda naman ng sasakyan mo."
"Mas maganda 'yong kay Zeke, Johan." Agaw ng dalaga kasabay sa muling pagyayabang sa binatang pinapatay na ng paunti-unti ni Kidat sa isip.
"Ang sabi ni Johan, sasakyan ko hindi sasakyan ng Zeke mo!" Lumabi si Trina sa binata.
"Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo na 'di hamak na mas maganda ang sasakyan ni Zeke, keysa sa sasakyan mo h'wag kang maasar!" Tiningnan siya ng masama ni Kidlat 'di nagpatalo ang dalaga sinalubong niya ito ng ngiti muling lumabi dito.
"Let's see!" Aniya nito nakaramdam ng bahagyang inis si Trina sa 'di nito pagkontra sa mga sinabi niya bahagyang katahimikan ang siyang namagitan sa  kanila bago makarating ng mabilis sa hospital ng doctor ni Johan.
"Kuya Doc Zeke," Natigilan si Trina nang makita ang kapatid patakbong lumapit sa doctor bagong baba sa lumang pick-up nito na kakaparada lang ilang metro mula sa innova ni Kidlat, naramdaman niya ang pagtabi ni Kidlat sa kanya siniko siya.
"Ang ganda pala ng sasakyan ha!" Aniya nito nakangiting nakatingin sa kanya siniko niya pabalik ang binata.
"Okey lang, pogi naman at doctor pa," Pagmamalaki ni Trina tumawa ng mahina si Kidlat pinatong ang kamay sa balikat niya.
"E, ako 'di lang pogi bukod sa engineer na mabango pa." Aniya nito siniksik ang kilikili sa mukha niyang nakaakbay sa kanya pabalya itong hinawi ni Trina.
"Antipatiko ka talaga! kadiri!" Tawa ng tawa si Kidlat sa naging reaksyon ng dalaga hindi naramdamang nasa likuran nila ang sinasabing doctor ni Johan.
"Hi, Trina! may kasama pala kayo." Untag ni Zeke ang doctor ni Johan sa puso nito matamis na ngumiti si Trina tinalikuran ang napipikong binata.
"Uhm, Zeke si Kidlat kaibigan ni Johan," Pagpapakilala ni Trina sa kasamang tinutukoy ng doctor lumipat si Kidat sa mga ito inilahad ang kamay sa binatang doktor.
"Engineer Kidlat Marundon, Doc." Kusang pagpapakilala ni Kidlat sa binata.
"Eziquel Cruz, Johan cardiologist." Tumango-tango si Kidlat sa pormal na pagpapakilala ng kaharap biglang naalala ng binata ang kuya Thunder niya ang profession nito bilang isang cardiologist sa Cebu maging sa ibang bansang pinaglingkuran nito.
"Uhm, by the way tayo na sa clinic habang wala pa gaanong pasyente." Anyaya nito sa kanilang tatlo hinawakan ni Trina si Johan, kibit-balikat na sinundan ni Kidlat ang mga ito hanggang sa clinic ng binata.
"His doing well, mabuti naman hindi na nagkakapalya gamot niya." Panimula nito hinawakan ang balikat ng dalaga para sa ilang bagay na pinaliwanag nito sa kanya, lihim na pinagmasdan ni Kidlat ang dalaga ang emosyon ng mukha nito sa pakikipag-usap sa binatang doctor na ayon kay Johan nagugustuhan ng dalaga.
Natapos ang ilang paliwanag nito sa dalag matapos magpaalam magkasunod silang lumabas sa clinic nito.
Nagtatakang pinakikiramdaman ni Trina ang walang kibong binatang nakasunod kay Johan.
"Pwedi ka ng umuwi, kaya na namin." Aniya ni Trina, hindi siya nito pinansin nanatili itong tahimik na naglalakad kasunod pa rin ng kapatid niya.
"Hoy Kidlat! ang sabi ko pwedi mo na kami iwan." Hindi nakatiis si Trina walang paalam niyang hinawakan ang pinagtatakang katahimikan ng binata.
"Don't talk to me!" Maiksing sagot nito tinanggal ang kamay niyang nakahawak dito. Mabilis na naglalakad muli siyang hinabol ni Trina hinawakan muli sa braso nito.
"Ano ba problema mo ha?" Untag ni Trina rito, nilingon siya nito.
"Kabilang na pala sa konsulta ang paghawak ng lalakeng 'yon sa balikat mo!" Aniya nito walang preno napahawak sa sariling bibig si Trina sa nakikitang galit sa mukha ng binata sa tinutukoy nitong paghawak ni Zeke sa balikat niya.
"Ano tinatawa-tawa mo? may nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" Dugtong pa nito inikot ni Trina ang paningin bago muling tumawa nang tumawa sa harap nito.
"Para kang timang akala ko ba pogi ka d'on? na maganda kotse mo d'on?" Aniya ng dalagang natatawa.
"Oo!" Maiksing sagot ni Kidlat, kunot-nuong pinagmamasdan ito.
"So! bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako nagagalit, Trina!"
"Why you acting like that?" Ani ng dalaga.
"Nagseselos ako!" Walang prenong sagot nito natigilian si Trina sa 'di inaasahang sagot ng binata.
"Bakit ka magseselos? hindi mo naman ako liligawan 'diba? unless bakla ka type mo Zeke?" Aniya ng dalaga tawang ng tawa.
"Hey, tumigil ka nga sa kakatawa mo napipikon na ako! hahalikan kita!" Singhal ni Kidlat hinawakan ang braso ng dalaga.
"Alam mo Kidlat, h'wag kang magsalita ng salitang hindi mo alam kong ano ibig sabihin!lalo na kong 'di mo kayang panindigan!" Tinapik-tapik ni Trina ang balikat nito walang paalam na nagpatiuna sa paglalakad iniwan ang binatang hindi naging lihim ang nararamdaman para kay Zeke at sa papalayong dalaga kay Trina.

---

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!