Banat (Batch 19)

360 5 3

Banat # 132

August 6, 2014

Sa angkin mong kagandahan,

bagay na bagay sa aking kagwapuhan.

Mga chicks pinagkakaguluhan

Promise walang pansinan.

Ikaw yung tipong gusto kong pakasalan

sa lahat ng simbahan.

Di man ako si Superman

pero kaya kitang ipaglaban.

Kahit ano handang suungin

pati si kamatayan.

Pagmamahal ko sa'yo walang halong bolahan.

Ito'y puro at dalisay sa kalinisan

. Mahal kita kahit madalas na sinasapian.

Mapagod man pero di ka naman kayang iwan.

Banat # 133

August 20, 2014

Nagbabalik Mga banat kong malupit

Pasensiya na't medyo natahimik

Ikaw pa rin naman ang iniibig

Pagbabago ay di mapipigilan

Batid ko iyon wag kabahan

Ikaw pa rin naman ang tanging laman

Nang aking puso at isipan

Di man ako biniyayaan ng kagwapuhan

Sa kamatchohan nagkukulang

Isa lang aking maipagyayabang

Minamahal kita ng lubusan...

Banat # 134

August 20, 2014

Pagmulat ng mata Ikaw agad naaalala

Nakahiga at sa kisame nakatingala

Nangangarap na ika'y katabi sa paghiga

Napakasarap isipin

Kung sana lang puwede kang yakapin

Sana pwedeng buuin

Mundong para lang sa atin

Kung saan may tayo at ikaw ay akin

Nangangarap Nakukuntento

Basta't alam kong nandyan ka lang

Di ako iiwan

Kahit hanggang dito lang

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!