1st Chapter of Destiny

796 22 1
                                    

“Uyy… Sorry na…” Malungkot kong sabi kay Cendone habang nagkaklase kami sa Biology.

“Bakit..? Tss…” He said sadly too. Naglalaro lang siya ng maliit na maze na hawak niya. Naluluha na siya kasi halatang-halata na.

“Uy! Alam mo parang mag-on na kayo! Kayo na ba??” Mahinang tanong sa’kin ng katabi ko sa upuan.

“Huh? Hindi! Magbestfriend lang kami noh…” Sagot ko sa kanya.

“Tsss. Assuuss! Parang kayo na nga eh.” My seatmate said sabay ayos sa pag-upo.

“Huyy cute na lalaki… Sorry naaa…” Mahina at medyo naiiyak kong sabi sa kanya. May kasalanan kasi ako eh…

“Okay lang…” Mahina niyang sagot. Hindi pa rin siya tumitingin sa’kin.

I pouted at humarap na ulit sa teacher namin. Naiiyak na rin ako… =( Kasi naman eh. Bakit pumasok sa utak kong gawin yun! -_-

Ay! Sorry! Nakalimutan kong magpakilala.

I’m Ryen Eve Perri Detarro. Chos! Sikat ang letrang R sa full name ko. Anyway, Ryen is pronounced as (“Rayn”) literally. Idol ng mama ko si Eba kaya EVE second name ko. I haven’t met my Adam yet. Esss! 

Yung lalaking kanina ko pa kinukulit ng SORRY ko, he is my bestfriend. Cendone Viado pangalan niya. Classmate ko siya mula pa nung Elementary hanggang ngayong second year na ako. Gwapo siya, syempre! Matangos ang ilong, Malaki at bilog ang mga mata (hindi naman parang owl). Ah basta gwapo siya! Mabait pa. Athough matagal na kaming magkaklase, ngayon lang kami naging bestfriends. Hindi ko alam kung bakit basta nangyari na lang.

Sa ngayon, magkagalit kami—nagtatampo lang pala siya sa’kin. May bestfriend din kasi akong babae, si Iasha—cute, maputi, mestiza, mabait, parang baby. Bestfriend ko rin since Elementary. Eh bestfriends din si Iasha at Cendone—mula pa nung Elementary kami… So yun, nagselos si Iasha sa’min kasi daw parang kinalimutan na siya ni Cendone mula nung naging close kami.

 

X X X X X FLASHBACK X X X X X

“Uy bestie! Anung nangyari sa’yo? Hindi madetect ng camera yang mukha mo?” Nakangiti kong tanong kay Iasha.

“Wala…” She smiled fakely at tumingin sa loob ng kabilang classroom mula sa bintana.

“Yung totoo? Anung problema??” She shook her head… “Kilala kita… Alam kong may hindi ka sinasabi sa’kin. Tell me, what is it? Baka may maitutulong ako…”

“Kasi…” Nakayuko siya habang nakahawak sa bintana. “Si Cendone kasi… Nagtatampo ako sa kanya…” Nagtatampo...?

“B-Bakit naman..?”

“Mula kasi nung naging close kayo, parang di na niya ako pinapansin… May mga ginagawa siya sa’yo na hindi niya ginagawa sa’kin. Ang unfair lang kasi eh—pareho lang naman tayong BESTFRIEND niya diba?” Malungkot niyang sagot… Alams na.

“Bestie? Gusto mo ba si Cendone?” Kinabahan ako bigla… Nasasaktan pala itong isa kong bff…

“Hindi bestie! Yun lang kasi… Bestfriends kami since Elementary kaya parang ang unfair lang talaga. Sa’yo nga nagho-holding hands siya, tapos nag-a-I love you pa. Sa’kin hanggang High Five lang. Sana wag kang ma-offend sa sinasabi ko bestie ha? Sa kanya lang naman ako naiinis eh…” Malungkot na malungkot yung mukha niya pero nakuha niya pang ngumiti bago siya pumasok sa room. Naiwan naman akong TAMEME sa kinatatayuan ko…

X X X X X Back to Present X X X X X

 

Ganun ang nangyari. Basta mula nun, parang pati ako nadamay na sa tampuhan nila. Syempre sanay akong magkasama at magkausap kami ni Iasha kaya affected rin talaga ako. PERO ulit, sanay na rin akong nasa tabi ko si Cendone at siya na lagi yung nasa tabi ko ngayon kaya medyo naguguluhan ako kung ano yung gagawin ko.

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon