Chapter Twenty Five

Magsimula sa umpisa

Hay naku! Chloe Xavina! Malala ka na talaga!

Ipinilig niya ang ulo at saka akma nang tutungo sa hagdan para umakyat sa second floor nang bigla siyang matigilan.

There he is, standing at the end of the stairs, while staring at her. Wearing a simple shirt and jeans matching with his white sneakers. He looks so freaking hot just by wearing a simple attire. Kahit  ano naman ang isuot nito ay bagay dito. He can wear sacks and still look handsome. Lalo na kapag ngumiti ito. Tulad ngayon, nakikita niya ang unti unting pagngiti nito. Ngiti na unti unti ding nagpapabilis ng tibok ng puso ng dalaga. Napansin din niya na wala na itong cast sa braso.

He's here! Finally! God! She misses him so much!

Tila gusto niyang tumakbo payakap dito and tell him how much she misses him.

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Hindi naman siguro siya naghahallucination lang db?

Totoong nasa harapan niya si Warren.

"Sweetheart."  He mouthed the word. Pero malinaw na nabasa niya ang endearment na yon sa pagbuka ng mga labi nito.

She smiled at akma nang lalapit sa binata nang mapansin na hindi ito sa kanya nakatingin. Lagpas ang tingin nito sa kanya.

"Sweetheart!" This time, he said it loud. At nangunot ang noo niya nang mabilis siyang sulyapan nito nang banggitin nito ang salitang iyon at agad ring tumingin  sa likod niya.

Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang isang magandang babae na papalapit.

The woman was sporting a dress that emphasizes her assets.  Ang babaeng palapit ay sopistikada. Bumagay dito ang yellow na sundress na suot na nagpatingkad pa lalo sa maputing balat. The woman was walking with grace too. Para itong maitutulad sa mga babae na kakalabas lang sa isang Vogue magazine.

At walang nagawa si Chloe kung hindi ang tumitig. Tumitig, habang parang unti-unting nawawasak ang puso ng dalaga sa hindi magagandang ideya na pumapasok sa isip niya.

Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa makalapit ito kay Warren. At ang puso niya na nadurog ay muli pang dinurog ng pinong pino nang makita niya kung paano ito yumakap kay Warren na ginantihan din ng binata ng mahigpit na yakap.

"Babe! I missed you!" Malambing na wika ng babae na umabot sa pandinig ni Chloe.

Nanatili lang siyang nakatingin sa dalawa, hindi niya alam kung manhid na siya sa sakit o masokista siya para kayanin ang nangyayari sa harapan niya.

"Namiss din kita, sweetheart!" Tugon ni Warren na bahagyang napasulyap
kay Chloe.

Hindi alam ni Chloe kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. At kung ano ang dapat niyang isipin. Bakit kailangang sumulyap ito sa kanya habang sinasabi iyon? Gusto ba nitong iparating na para sa kanya ang mga katagang iyon?

Tumigil ka, Chloe! Huwag kang umasa! Masasaktan ka lang!
Gusto lang niyang makita kung nasasaktan ka! Kaya dapat poker face ka lang, wag mo ipakita na nasasaktan ka! Ikatutuwa niya yon. Sigaw ng isip niya.

He's calling her sweetheart. Biglang nagbalik ang alaala ng gabing nalasing si Warren at unti unting nagsi-sink in sa dalaga na hindi para sa kanya yung sinabi ni Warren that night. Na hindi siya ang tinawag nitong sweetheart, marahil ang babaeng kayakap nito ngayon ang tinutukoy nito at napagkamalan lang siya dahil nga lasing ito. 

Gusto nang tumulo ng luha ng dalaga dahil sa sakit na nararamdaman, para siyang sinampal ng katotohanan. Na pinapamukha sa kanya na huwag na siyang umasa. Na may iba ng pinatutungkulan ang endearment na yon. His new sweetheart.

"Oh my, kahit nagkita tayo sa Singapore, miss pa din kita, Babe! Kulang 'yong ilang araw lang na pagtour natin don, dahil sa conference."

Magkasama sila sa Singapore!
Lalong kumirot ang puso ni Chloe dahil sa narinig. May isasakit pa ba?

So business with pleasure pala ang pinunta ni Warren sa Singapore.

"Don't worry, I'll make it up to you." Masuyong tugon naman ni Warren na may kasama pang ngiti.

Relax, Chloe!  Kaya mo yan. Don't cry!  Breathe in, breathe out. Kahit gusto mo nang tumakbo at umiyak. Steady ka lang dyan. Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang sarili  mo. Okay?  Pagpapakalma ng isip niya.

"How can you make it up? Any plans?" Malambing din na sabi ng babae.

Hindi na magkayakap ang dalawa pero nanatiling magkalapit ang mga katawan ng mga ito. Ang kamay ni Warren ay nasa magkabilang beywang ng babae, habang ang kamay ng babae ay nasa balikat ni Warren.

Yung totoo? May imaginary love song ba na naririnig ang dalawa at para silang nagsasayaw ng sweet dance?

Samantalang si Chloe ay kanta para sa mga sawi ang naririnig na background music dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon, na pilit lang niyang tinatago.

"How about dinner tonight?"

"Dinner? Sounds great. Pero ako ang magdedecide kung saan, okay?"

"Sure. But first, let's go to my office." Inakbayan ni Warren yung babae saka iginiya  papuntang hagdan.

Pero bago pa sila maka-akyat ay huminto si Warren kaya napahinto din ang babae. Lumingon si Warren at humarap kay Chloe.

"Ms. Madriaga. Can you please bring some snacks to my office? Para sa bisita ko. Dalhan mo na din ako ng kape."

Bumalik lang pala ito para utusan siya. Pero yon naman ang papel niya sa buhay nito, secretary siya db? Taga gawa ng ganito, taga gawa ng ganon. Taga timpla ng kape. In short, utusan.

"Oh, is she your secretary?" The woman asked Warren.

"Yes."

"Okay, Coffee na lang din sa akin, Miss. Huwag ka nang mag-abala maghanda ng snacks, busog ako. Thank you!" Nakangiting sabi nito kay Chloe.

"O-okay." Halos ayaw lumabas ang boses ni Chloe sa pagpipigil ng emosyon.

Pagtalikod ni Warren at ng babae ay kasabay na pumatak ang luha na kanina pa pinapigilan ni Chloe na tumulo. Mabilis niyang pinahid ang mga luha bago pa may makapansin sa kanya.

Nasundan na lang ni Chloe ng tingin ang dalawa habang magkahawak ang kamay ng mga  ito na umaakyat ng hagdan patungo sa opisina ng binata.

How I wish na sana ako ang kahawak kamay mo ngayon. Na ako na lang ulit. Pero dapat pa ba akong umasa, ngayon nakikita ko na may ibang kamay ka ng hawak?  Kasalanan ko naman, dahil ako ang unang bumitaw. I deserved this pain.

****

A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked this chapter, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie, Sweeties!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!