[42]♕ Tracking Device

1.1K 28 5


Hana's POV

Ang ganda ng gising ko. Naalala ko nanaman yung kinanta ni Hanniel. Hays. Sharap sha earsh. Enebe.

Kalma heart. Kalma lang. Wohuu! Nakangiti akong bumangon sa kama. Napatingin ako sa wall clock. 6:30 pm na pala. Bakit parang ang tagal naman ni Hanniel? Nakita ko yung cellphone ni Hanniel. Bakit ba niya nakalimutan? Tatawagan ko na sana siya eh. Lumabad nalang ako sa kwarto. Ang tahimik ng paligid. Nasaan ba yung kasambahay? Hays na gugutom talaga ako. Kinapa ko yug cellphone ko. Nasa bulsa ko pala. Baka kasi nawawala dahil di ko nakita kanina. Mabuti nalang di ito naglalakad mag-isa. Palagi lang siya umaasa saakin eh. Kaya mahal ko tong cellphone ko eh. First year college pa ako nito noong ibigay ni Dad.

“Ako ba hinanap mo?”

“Ahhh O---” napatakip ako sa bibig kong makita siyang tinutukan ako ng baril. Shit. Sino ba ito? So, totoo talaga ang hinala ko na mayaman ang isang ito. Eh bakit niya ako gustong patayin?

“Natagalan ka yata sa pagtulog. Nasaan ba kasi si Hanniel? Di kasi ako makapasok sa kwarto mo.” sabi into at kasabay sa pagkasa ng kanyang baril ang pagtulo ng mga luha ko pero mas iniisip ko na kailangan makita niya akong malakas. Ano bang gagawin ko?  Parang nawalan ako ng boses upang sumigaw. At wala akong ibang naririnig kundi ang tunog na kanyang singsing habang tumatama ito sa tiles dahil tinatali niya ang mga kamay ko sa may hagdanan. Di ako nawawalan ng pag-asa na dadating si Hanniel at ililigtas ako. “Yan dito kalang. Hihintayin natin pareho si Hanniel na dumating. Kapag nainip ako 'BANG' sabog yang napakaliit mo dibdib.” sabi nito ng matapos niyang itali ng napakahigpit yung dalawa kong kamay. Kaloka 'tong girl na ito. Masyado siyang takot na matalo siya.

Walang'ya to. Ininsulto pa yung dibdib ko. Porket malaki yung sakanya. Siguro noong nagbigay si Daddy God ng dibdib nangunguna 'to at nahuhuli ako. Ganoon talaga, unahan.  Umalis ito papunta sa taas kung saan nandoon yung kwarto namin ni Hanniel. Narinig kong sumara na yung pinto.

Gumawa ako ng paraan para makuha ko yung cellphone ko na nasa bulsa sa likod. Medyo masakit sa kamay pero kere lang basta't may tumulong saakin.

Buti nalang at walang password to kung meron ay naku! Susuko nalang talaga ako sa babaeng yun na may malalaking dibdib. Buti nalang nangunguna sa contacts si Tyler dahil inilagay ko yung full name niya Alexander churva ek ek.

[Problem?]

[Pls... Save me. May nagtatangkang patayin ako. Pls help. Wala si Hanniel. Plss. Nakikiusap ako.]

[Shh. Don't cry. I'm on my way. And pls ingatan mo ang sarili mo baka mapatay ako ni Hanniel ako panaman ang tinawagan mo.]

[Thank you.]

[No worries. I'm on my way.]

Halos makahinga ako ng maluwag. Buti nalang talaga may mabubutinh kaibigan si Hanniel.

“Bravo! Bravo!” sabi nito at pamapalakpak pa habang pababa. Bawat tunog ng kanyang takong lalong nadadagdagan yung kaba ko. I tried to calm my self but I can't. Ikaw ba naman mailagay sa ganitong sitwasyon. Tinutok niya yung kanyang baril sa ulo ko naman ngayon.

“Magbibilang lang akong ng sampu. Kapag di sila dumating siguro makikita ka nalang nila na di na humihinga. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito----Good! ” sigaw nito ng biglang bumukas yung pinto at nandoon yung tatlo na kaibigan ni Hanniel. Parang we bare bears lang. Napangiti ako sa angas nila. Di talaga ako nila pinabayaan. Nakakatouch talaga ang mga ito.

“Claire Montes also known as Leila. Great! Isang babae laban sa tatlo? Support ako sayo girl!” sabi ni Dylan at umupo sa sofa habang hawak ang kanyang susi at pinapaikot ito sa kanyang daliri. Cool.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!