Sehun's Pov
After namin magpunta sa chapel bumalik kami sa kwarto. Inayos muna ni Luhan yung mga gamit ni Baekhyun ng mag ring ang cellphone ko. Paglabas ng cp ko si Chanyeol hyung ang tumatawag. Tinignan ko muna si Luhan at sinenyasan na lalabas muna ako ng kwarto para sagutin to.
Pagkalabas ng kwarto agad agad ko itong sinagot.
"Hello Chanyeol hyung"
"Sehun kamusta si Baekhyun?"nag aalala sya sa tono nya.
"Ganun pa din Hyung eh mahina pa din at iyak ng iyak. Di namin mapakalma kanina kaya tinurukan sya ng pangpakalma. Eh yung burol kamusta?"
"Ok na naka set na ang lahat. Andito na yung kabaong ni mama at ng anak namin."
"Nga pala hyung pupunta dyan si Baekhyun."
"Ha???Teka mahina pa sya baka di pa nya kayanin."
"Nagpupumilit sya. Kaya wala kaming magawa ni Luhan."
"Nag aalala ako baka mapaano sya. Sunduin ko na lang kayo dyan."
"Sira ulo. Sa tingin mo sasama sayo asawa mo? Alam mo naman na sukdulan langit ang galit nya sa iyo. "
"Di ko na alam ang gagawin ko Sehun. Gustong gusto kong yakapin si Baekhyun pero di ko magawa."
"Bakit di mo subukan. Kailangan ka ni Baekhyun hyun."
"Malaki ang kasalanan ko sa kanya."
"Bakit mo ginawa sa kanya yun?? Totoo bang mahal mo pa rin si Nana??? Totoo bang niloko mo ang asawa mo????"
"Sehun.... May mga bagay na dapat isakripisyo para sa ikakabuti ng mga taong mahal mo. Dadating ang panahon na maipapaliwanag ko ang lahat ng pangyayari."
"Ganun na lang ba yun Hyung? Alam ko na mahal mo na si
Baekhyun pero mas pinili mo syang saktan. HYUNG sana dumating ung panahon na mapatawad ka nya at mag mahalan ulit kayo. " alam ko na may mas malalim na dahilan si Chanyeol hyung kung bakit nya nagawa iyon. Kilala ko si Hyung at alam ko na mahal na mahal nya si Baekhyun hyung.
"Sana nga... Sana pag dumating ang araw na yun mapatawad nya ako. "
"Sige na Hyung aayosin ko muna yung bills."
"Salamat Sehun ah."
"Wala yun hyung. Bye." Pagkatapos ko makipag usap pumasok ulit ako sa kwarto.
"Luhan.. Pumunta muna ako sa billing department ayusin ko lang yung bills ni Baekhyun hyung. Hintayin nyo na ako para sabay sabay na tayo sa burol." Tumango naman si Luhan at lumabas ako ng kwarto.
Luhan's pov
Pagkalabas ni Sehun ng kwarto nilapitan ko si Baekhyun sa may sofa at tinititigan yung ultrasound ni Byul. Awang awa ako sa kanya. Iyak lang sya ng iyak.
"Baekhyun hintayin na lang natin si Sehun na bumalik para ihatid tayo sa funeral parlor kung saan nakaburol ang mama at anak mo." Pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Nakatitig lang sya sa ultrasound. Maya maya narinig ko na ang kanyang pag hikbi.
"Tama na Baek.. Iyak ka ng iyak. Magang maga na yang mata mo."
"Bakit?? Bakit nangyayari to sa akin? Anong naging kasalanan ko para maramdaman tong sakit na to?" At dun nag break down nanaman sya. Niyakap ko sya at hinagod yung likodan nya.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
