Chapter 29

696 31 4
                                        

Baekhyun's pov


"Time of death 4pm.....Im sorry Mrs. Park ginawa na namin yung makakaya namin na iligtas yung anak nyo kaya lang nag cardiac arrest ang pasyente. " parang may bato na dumagan sa dibdib ko ng marinig ko yung sinabi ng doktor.



"Hindi.... Hindi.... Wag nyong sabihin yan... Buhayin nyo ang anak ko... " pag mamakaawa ko sa doktor.






"Im sorry Mrs. PARK we did our best... Pero mahina ang bata at Premature sya kaya di pa fully develop ang mga organs nya."





"Hindi... Wag mong sabihin yan... Anak anak gumising ka... Si  papa to.. Wag mo akong iwan please... Gising na..."  Pero ni isang galaw wala man akong maramdaman. Bakit sabay sabay dumating yung problema sa akin?






"Baekhyun halika ka na sa labas aayusin muna nila si peanut bago ipunta sa morge.." Aya sa akin ni Luhan.
Si Kyungsoo naman nasa labas at yakap yakap sya ni JongIn







"Luhan yung anak ko... " niyakap ko palapit at mahigpit ang anak ko. Ang sakit sakit makita yung anak mo na iningatan mo sa sinapupunan mo ay mawawala na lang.







"Sorry po pero kailangan namin dalhin sa morge yung bata." Sabi ng nurse sa amin.  Iyak lang ako ng iyak habang nakikita kong isa isang tinatanggal yung mga tubo na nakakabit sa kanya. Parang sinasaksak ng paulit ulit yung puso ko sa mga nakikita ko.





Inalalayan ako ni Luhan palabas ng NICU. At paglabas ko sinalubong ako ni Kyungsoo at niyakap pero di na kinaya ng katawan ko at nahimatay ako.




Pag gising ko nasa kwarto ulit ako at may nakakabit na swero. Nasa kwarto din  si Sehun at Luhan. Pero ang mas inalala ko si mama at yung anak ko. Kaya kahet di pa kaya ng katawan ko  Pilit akong bumangon ...pero di ko kaya at bumagsak ulit ako pahiga sa kama.






"Baekhyun... !!"  Sigaw ni Sehun. Bigla naman lumapit sila sa akin.







"Baekhyun wag ka munang bumangon. Mahina pa ang' katawan mo. "






"Ayokong humiga na lang dito at walang gawin. Walang nag aasikaso sa burol ni mama at ni peanut."





"Wag kang mag alala andun si Chanyeol sya yung nag aasikaso sa burol ng nanay at anak ko." Hindi ko hahayaan lumapit sa anak ko yung lalaking yun. Sya ang dahilan kung bakit nawala ung nanay at ang anak ko.





"ANO?!!!! BAKIT?? WALA SYANG KARAPATAN.. SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY YUNG DALAWA SA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO... YUNG ANAK KO NA DI MAN LANG NATIKMAN ANG MABUHAY SA MUNDONG ITO.MARAMI AKONG PANGARAP PARA SA KANYA PERO NAWALA NA LANG YUN NG GANUN GANUN. ANG SAKIT SAKIT NG NARARAMDAMAN KO!!"  Di ko na napigilan yung pag agos ng luha ko. Naramdaman ko na lang yung pagyakap sa akin ni Luhan. Pumasok yung mga nurse at tinurukan ako ng pampatulog.




"Anak... Anak... Gising na.." Pamilyar yung boses na un ah. Minulat ko yung mata ko at bumungad sa akin yung maamong mukha ni mama. Naka ngiti ito sa akin.




"Mama... Mama...." Bumangon ako at niyakap ko ito.  At maya maya isang iyak ng bata ang narinig ko. Pag tingin ko sa likod ni mama isang crib at may batang lalaki na umiiyak.




"Anak... Little peanut..." Agad agad akong tumayo at lumapit sa crib. Isang bata ang nakahiga. Binuhat ko ito at niyakap ng mahigpit..




"Ang gwapo ng apo ko diba? " iyak lang ako ng iyak.
Tumango ako at hinalikan ang anak ko.





"Ano ang gusto mong ipangalan sa kanya?"





Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon