Chapter 11

6.8K 124 4
                                    

ASHLEY

Palabas na ako ng library ng may humawak sa braso ko at hinila ako. Dinala ako nito sa isang silid.

" Aray! ano ba!" hinawakan ko ang braso ko na namumula sa higpit ng hawak nito. Si Zander!

" Sino kaba talaga! Ano ang ginagawa mo sa bahay ko! Dont tell me pati lolo ko pinapatulan mo!" sigaw nito.

" Sama talaga ng utak mo!" sagot kong sigaw dito.

Hinawakan ako nito sa pisngi madiin.. nasasaktan ako.

" Wag mong ibenta dito sa loob ng bahay ko ang katawan mo!, tigas rin ng mukha mo noh! Talagang lolo ko pa ang napili mo!" nakita kong nagliliyab na ang mga mata nito sa galit. Malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha nya!

" Sabihin mo ng masma akong babae.. fine! pero ikaw na yata ang pinakamasamang apo para pagisipan mo ng hindi maganda ang lolo mo!" sigaw ko.

Lalong nagalit ito at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.

" Zander! iho!" nagulat kaming napatingin sa may pintuan. Ang lolo ni Zander. " You cant wait to announce your fiance!" nakatawa ito habang palapit sa amin.

" What!" gulat na tanong nito.

Mabilis kong hinawakan ang braso ni Zander habang pumapalag ito sa pagkakayakap ko. inipit ko ito sa braso ko.

" Lo maguusap lang kami ni Zander babalikan po namin kayo. " mabilis kong hinili sa Zander palayo. Kumindat pa ang lolo nito bago kami lumabas.

May nakita akong isang storage room dito ko ipinasok si Zander. Hinila nya ang kamay nya.

" Let me go! maniac kaba? kanina mo pa kinikiskis yang dibdib mo sa braso ko!" natawa ako may sayad talaga tong lalake nato!

" Hindi ko sadya!" sagot ko.

" Now what!anong sinasabi ng Lolo ko na fiance kita? Make sure na mapapaniwala mo ko sa sasabihin mo.. this time swear ipapakulong talaga kita!" nagpalakad lakad ito sa harapan ko.

" Give me your mobile!" inilahad ko ang kamay ko dito.

" What?? ngayon ka pa makikitawag! Baliw kaba?" sagot nito.

Kinapa ko sa bulsa nito ang cp nya.. bigla ko itong hinablot sa bulsa.Habang nagpapalag ito.

" What the hell!" iniharap ko sa mukha nito ang kuha namin sa hotel na sinave ko sa cellphone nya. binura ko na kasi ang sa akin ng makita ng lolo nya.

Nagulat ito at namutla.

" So this is a frame up! You set me up paano nangyari ito! Your a slut! i will sue you!" nagwawala na ito sa galit.

Naiyak na ako.." Hindi ko ginusto na i set up ka! Ginawa ko lang ito ng batuhin mo ako ng pera sa hotel! gusto ko lang na magsorry ka sa ginawa mo kapalit ng pagbura ko ng mga litrato na ito. Pero hanggang sa nakita ng lolo mo ito! Inisip nyang ako ang babaeng pakakasalan mo!.. Nakita ko kung gano sya kasaya ng maisip nya na ako ang babaeng iyon.. napilitan akong magpanggap. Hindi ako masamang tao!"

" Do you want me to believe you? Get out! bago pa ako tumawag ng pulis! out!" tinabig nya ako, narinig kong may lumagatok sa paa ko at tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Awang awa ako sa sarili ko.. bakit kasi pinasok ko pa ito. Kung sana hinayaan ko nalang na malungkot ang lolo nito kung tinigasan ko nalang sana ang puso ko.

Paano na ngayon.. sa tingin ko di naman talaga ako dapat pang pumunta. malalaman at malalaman din ng lolo nito ang lahat.. dahil ang tunay na fiance nito ang ipapakilala nito sa lahat. Lalo lang gugulo pag nalaman ng lolo nito na hindi ako totoong gf ni Zander baka atakihin pa ang lolo nito pag nag kataon.

Pinilit kong tumayo.. pero ansakit talaga.. nakita kong nangitim na ito naiyak na naman ako.. Mama! pag nahihirapan ako naiisip ko ang mama ko kailangan ko ng kakampi.

Sinubukan ko ulit na tumayo paikaika akong lumakad.

I SEDUCED HIM? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon