Chapter 4

899 49 0

Kit's POV

*

Patakbo akong lumapit sa kinauupuan ni Dom. Nakakapagod rin palang maglaro ng basketball mag-isa. Wheew, pawis na pawis na ako.

"Hoy introvert, kanina kapa tulala dyan ah." Pukaw ko sa kanya, nakatingin lang kasi sya sa malayo at parang may iniisip na malalim. Kanina pa kami nakaalis sa school pero hindi pa kami umuuwi sa mga bahay namin. Mas pinili muna naming tumambay dito sa may plaza.

"Kit may itatanong ako pero wag kang tatawa ah." Mahina at malumanay nitong wika.

"Sure. Ano yun?" Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang leeg at mukha ko. "Punasan mo nga muna ang likod ko Dom." Binigay ko sa kanya ang panyo saka tumalikod.

Naramdaman ko naman ang kamay nito sa loob ng t-shirt ko. Dahan-dahan lang ang kanyang ginagawa pero dama ko ang diin sa bawat punas nito.

"Ahmm.. Di ba nanonood ka naman ng tv?"

"Oo." Natawa ako. "Nonsense naman ng tanong mo."

"Hindi naman yan ang tanong ko." Binalik nito ang panyo kaya humarap na ako sa kanya.

"Kung ganun ano pala ang itatanong mo?"

Yumuko ito na parang nahihiya. "Uhm.. Kasi naiilang ako eh."

"Di kita magets."

"Kasi naman nakakahiya yung itatanong ko. Baka sabihin mo ignorante ako."

"Hindi ko yun sasabihin. Sige na magtanong kana." Humiga ako sa hita nito. Gusto kong mahiga muna para marelax ang katawan ko.

Ilang segundo ang nakalipas ng muli itong magsalita. "Ahmm.. Nakakita kana ba ng n-nagki-kiss sa tv?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi ang mga salitang yun.

Sa di ko malaman na dahilan bigla na lang akong napangiti sa sinabi nya.

Halatang hindi ito komportable dahil hindi makatingin sa akin.

"Oo naman nakakita na ako. Maraming beses na kaya. Bakit ikaw ba hindi pa nakakakita?"

Pinagdikit nito ang labi at saglit na tumingin sa akin. "N-nakakita na."

"Yun naman pala, bakit naisip mong sasabihan kita ng ignorante. Parehas lang naman tayong nakakita na."

"Naisip ko lang kasi. Ano kayang feeling nila? Hindi ba sila nahihiya o naiilang sa kasama nila? Hindi naman sila totoong mag-boyfriend o girlfriend di ba."

Nahihiya o naiilang? Ang totoo wala rin akong idea kasi wala pa naman akong nahahalikan.

"Gawin mo to para malaman mo." Hinalikan ko ang kamay ko ng paulit-ulit.

"Sira. Wala naman yang pakiramdam eh."

Bumangon ako at umupo ulit. "Tumingin ka nga sa akin Dom."

"Bakit?" Nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang pakiramdam?" Seryoso kong wika.

"Uhmm.. Oo pero ayoko munang mag-boyfriend. Curious lang naman ako yun lang." Ngumiti ito.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. "Alam mo Dom ako rin, curious din ako."

"K-kit anong nangyayari sayo?" Halatang natitense ito sa lapit ng mukha namin.

Ewan, hindi ko rin alam.

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Read this story for FREE!