KIDLAT : 6

445 38 0

K : 6

---

"Trina," Mahinang tawag ni Lanie sa kaibigan nagdadalawang isip kong lalapitan ang kaibigang may alam na sa tungkol sa nangyayaring party sa labas. 'di tuminag sa kinatatayuan si Trina nanatiling nakapako ang tingin sa mga taong nasa eleganteng stage sa may 'di kalayuan.
"Trina, I'm sorry!" Aniya nito naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya 'di napigilang maglaglagan ng mga butil ng luha sa pisngi ni Trina sa nasasaksihang tagpo sa pamilyang Samonte kabilang na ang nanay niya maging ang kapatid na pangalawang beses niya pa lang nakikita.
"May alam ka ba dito?" Mahinang tanong ni Trina kay Lanie nanatiling nakatingin sa harapan patuloy sa tahimik na pag-iyak.
"Trin, I'm sorry! gusyo ko lang tulungan ka." Aniya nito nilingon siya nito hilam ng luha ang pisngi napapikit siya iniwas ang tingin sa kaibigang alam niya tinago sa kanya ang lahat.
"Sa tingin mo ba nakatulong ka? sa tingin mo ba masaya ako?" Hindi napigilan ni Trina ang sarili sa tuluyang pagbuhos ng nararamdaman niyang sakit sa mga sandaling 'yon na harap-harapan niyang makikita ang isang pamilyang hindi niya na ninais makita pa.
"Trina, gusto ko lang naman tulungan ka para sa pagpapagamot kay Johan!" Aniya ng kaibigan niya alam niya totoo ang intensiyon nito sa pag-alok sa kanya ng trabahong may kaugnayan pala sa mga taong iniiwasan niya, muling nilingon ni Trina ang stage kong saan nakayakap sa balikat ng ina si Nica katabi ang mayor na ama nito maging ang binatang lihim na nakatingin sa gawi niya.
"Lanie, tingin mo ba matatanggap ko ang pera na galing sa pamilya nila? tingin mo ba makakatulong 'yong nakikita ko silang masayang-masaya samantalang 'yong kapatid ko nandoon sa bahay nahihirapan?" Sa gitna ng hagulhol ni Trina,napakagatlabi si Lanie 'di mawari sa mukha nito ang sakit na nararamdaman nakikitang tagpo nang kaibigan mula sa pamilyang ayaw na nitong makita noon pa man.
"I'm sorry!" Tanging katagang lumabas sa bibig nito muling tinapunan ng tingin ni Trina ang pamilya Samonte nang matuon ang tingin niya sa binatang nakatingin sa kanya, umiwas siya ng tingin laglag balikat na tumalikod walang salitang iniwanan kay Lanie.

Labis na pagtataka ang nararamdaman ni Kidlat sa emosyong pinakita ng dalaga sa may 'di kalayuan maging ang pag-iyak nito na 'di niya malamang dahilan, pinasadahan niya ng tingin ang pamilya ni Nica bago muling binaling ang tingin sa dalagang may lungkot sa mga matang nakatingin sa pamilya maging ang pakikipag-usap nito sa kaibigan ay may ibang sakit na pinahihiwatig maging ang pagpunas ng dalaga sa sariling luha nito ay 'di nakalagpas sa paningin ni Kidlat.
"Why she's crying?" Puno ng pagtatakang tanong ni Kidlat sa sarili. nabaling ang tingin niya sa kamay ni Nica na nakahawak sa balikat niya patay malisyang tinanggal niya itong nakangiti sa nagtatakang mata ng dalaga.
"May tatawagan lang ako, emergency." Pilit ang mga ngiting paalam niya dito.
"Kid, magsisimula na ang party ko," Ganting bulong ni Nica sa binata maluwag ang ngiti.
"Babalik agad ako, sandali lang 'to." Patuloy niya sa pagsisinungaling nagkibit-balikat ito walang magawa sa gustong niyang mangyari pilit na tumango si Nica bilang pagsang-ayon nagmadaling bumaba ng stage si Kidlat tinumbok agad ang daang dinaanan ni Trina.

Kanina pa nakaupo si Trina sa gilid ng kalsada malayo sa Villa, 'di magawang pigilan ang luhang patuloy na kumukuwala sa mga mata niya dahil sa sakit na nararamdaman sa tagpong nasaksihan sa sayang nakita sa pamilyang pinangako sa sariling kailanman ayaw niya ng makita pa.
Muli niyang naalala si Johan kong gaano ito katatag sa paglaban sa sakit nito sa puso habang ang nanay nila masayang tinatamasa ang marangyang buhay sa tabi ng piniling pamilya keysa sa kanila ni Johan, napayakap sa sariling tuhod ang dalaga tuluyang napahagulhol sa nararamdamang kahungkagan mula sa pagmamahal at pag-aaruga ng sariling ina mula ng siya'y iwanan maging nang isilang si Johan.
"Get this," Napataas ng tingin si Trina sa panyong inaalok sa kanya tuluyan siyang nagtaas ng tingin sa may-ari ng panyo walang iba kundi ang binatang kanina lang kasama ni Nica.
"Sigi na! h'wag ka na mahiya malinis 'to singahan mo kong gusto mo." Aniya pa nito umiwas ng tingin si Trina pagkatapos hinawi ang kamay nitong may hawak na panyo.
"Hey!" Untag ni Kidlat sa dalaga muling tinaas ni Trina ang nanlilisik na tingin walang pinagbago pag nagkakaharap sila.
"Sorry!" Anito ng masalubong ang tingin ng dalagang alam niya magiging giyera na naman ang kalalabasan, humigit ng hininga si Kidlat nang umupo patabi sa dalaga.
"I will not ask you why are you crying but please tumahan ka na! ang tanda mo na para magkita ang sipon at luha mo." Anito alam niyang nang-iinis.
"Tumayo ka d'yan at umalis ka hindi ko kailangan opinyon mo!" Aniya ni Trina mahina pero sapat na para marinig at maintindihan ng katabi ang nais niyang mangyari.
"Trina, I'm not here para makipag-away, makipagbangayan sa'yo! I'm here as a friend, so please! kahit sandali lang mag-usap naman tayo ng maayos." Padabog na tumayo si Trina gan'on din ito akmang aalis ng pigilan siya sa balikat ni Kidlat.
"Trina, please!" Pagpipigil nito sa kanya hindi lumingon si Trina nanatiling nasa Villa ang mga tingin muling naisip ang engrandeng debut ng nakakabatang kapatid muli niyang naalala ang tagpong nakita kanina sa dalawa sa binatang kasama niya at kay Nica.
"Bumalik ka na sa loob hinahanap ka na ni Nica! iwan mo na ako." Wala sa sariling tugon ni Trina sa binata na labis nitong pinagtataka.
"Nagsisilos ka ba?" Napalingon si Trina sa tanong ni Kidlat 'di napigilang tumawa sa harap nito sa tanong na rumehistro sa utak niyang nagsisilos siya.
"Nababaliw ka na!" Pilit siyang kumuwala sa pagkakahawak nito sa balikat niya ng bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na paputok kasunod ang nagliwanag na kalangitan sa isang napakagandang guhit pusong fireworks sa harap ng Villa, para sa patuloy na pasabog sa birthday ni Nica muling bumalong ang luha sa mga mata ni Trina mula sa mga nakita niyang tanawin sa loob hanggang sa patuloy na liwanag sa kalangitan pinaalala sa kanya kong gaano kalayo ang nakagisnang buhay niya sa kapatid, sa kapatid na ayaw na ayaw niya na sanang makilala pa sila ni Johan, akma sanang tuluyang tatalikod si Trina nang pihitin siya ni Kidlat paharap dito walang paalam siyang dinala sa dibdib nito niyakap ng mahigpit.
"I'm here! ilabas mo lang, umiyak ka lang Trina." Bulong ng binatang 'di nakawala sa pandinig ni Trina muli siyang napahagulhol sa dibdib nito sa 'di inaasahang taong masasandalan niya sa sandaling akala niya pinagkaisahan siya ng lahat na pinagkaitan siya ng pagmamahal.
"Andito lang ako Trina!" Muling bulong nito sunod-sunod na tumango si Trina hinayaan ang sarili sa bisig ng lalaking tinuring niyang mortal na kaaway.

---

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!