KIDLAT : 5

425 32 1

K : 5

---

"Kanina ka pa nandiyan?" Bungad ni Trina sa kaibigang si Lanie nang gumising siyang nasa tabi niya ito nakaupo.
"Halos dalawang oras na rin." Sarkastikong sagot nito umupo ang dalaga muling binaling ang tingin sa kaibigan.
"Kamusta paghahanap ng trabaho?" Napangiwi si Trina, kasunod ang muling pagsagi sa isip niya ng mga nangyari sa kanya tungkol sa nanay niya at sa lalaking nagpakilalang Kidlat sa kanilang magkapatid.
"Ayon, ligwak ganern!" She answered quickly, napabuntong-hininga ang kaharap.
"Tumayo ka d'yan, mag-ayos ka may raket tayo." Sinundan ng tingin ang matalik na kaibigan nagtatanong ang mga mata kong anong raket ang tinutukoy nito.
"Ano na naman 'yon?" May kinuha itong maliit na sobre sa bag nitong dala.
"May party sa villa mamayang gabi kailangan nila ng waiters at ikaw ang naisip ko." Aniya nito nanatiling nakatingin si Trina sa.
"Tatlong libo Trina para sa isang gabing paglilingkod sa mga panauhin." Pagpapatuloy ng dalaga, napabuntong hininga si Trina tumango tinungo ang pinto.
"Pag-iisipan ko," Maikling tugon ng dalaga sinundan siya ni Lanie hanggang sa paglabas sinilip ang munting silid ng kapatid.
"Trina, malaking bagay 'to para sa kapatid mo." Nilingon niyang muli si Lanie.
"Para saan ang party?"
"I don't have idea, sama ka nalang best." Patuloy sa pagpupumilit ni Lanie kay Trina muli siyang napabuntong hininga muling sinirado ang pinto sa silid ni Johan sunod-sunod na tumango sa kaharap.
"Balikan mo ako alas-cinco aayusin ko lang si Johan habang wala ako." Maluwag itong ngumiti niyakap siya ng mahigpit.
"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo."
"Buhay ko si Johan, gagawin ko lahat para sa kanya Lanie, siya nalang ang meron ako." Nagpatiuna ako tinungo ang kusina ng muling magsalita si Lanie ang siyang muling nagpatigil sa dalaga.
"May mga tao pang natira sa'yo Trina, nandiyan pa ang nanay mo." Natigilan si Trina muling hinarap ang kaibigan sinalubong ang tingin nito.
"Walang lugar ang pangalan niya dito sa pamamahay namin Lanie, binura ko na lahat ng ala-alang meron siya at ayaw ko na muling marinig pa!" Aniya ni Trina pagkatapos tumalikod napasinghap si Lanie sa tinuran nito kilala niya ang kaibigan kong gaano ito katigas tungkol sa tunay nilang ina ni Johan.

"Mom?" Napalingon ang ginang sa boses nang anak.
"Nica!" Umupo ito paharap sa kanya sa tabi ng susuotin ng dalaga sa darating na kaarawan kinagabihan sa malawak na Villa na pagmamay-ari ng pamilya nila.
"What you thinking mom?" Tanong nito, napangiti siya sa isiping ganap ng dalaga ang anak nila ni Tomas Samonte ang mayor ng siyudad.
"Masaya lang ako para sa'yo ganap ka ng dalaga,anak! at ngayon hindi mo mawawala sa'kin ang takot na baka isang araw mawala ka rin sa'kin, sa'min ng papa mo!" Ginagap ni Nica ang kamay nang ginang alam niya kong saan nagmumula ang takot na nararamdaman ng nanay niya.
"Hindi ko kayo iiwan ni papa ma, I'll stay with you whatever happen." Niyakap siya nito hinalikan sa nuo.
"H'wag ka sanang magaya sa mga kapatid mo na piniling lumayo sa'kin na piniling mamuhay malayo sa'tin!" Pagpapatuloy nito napakagat-labi ang dalagita sa sinabi ng nanay niya tungkol sa dalawang kapatid sa inang piniling mamuhay malayo sa nanay nila malayo sa kanya.
"Naiintindihan ko ang kapatid ko kong bakit mas pinili niya ang buhay na malayo sa'tin, ikaw na rin nagsabi na hindi sila magkakasundo ni papa patuloy lang siyang mahihirapan kong pipiliin niyang manatili dito, Ma!"
"Salamat, Nica! alam ko magiging maayos rin sa'tin ang lahat sa inyong tatlo pag pumayag na ang papa mong makilala sila!" Ngumiti si Nica walang kontra sa sinabi ng nanay niya tungkol sa dalawang kapatid sa ina na kailanman hindi niya pa nakikita dahil sa mahigpit na pinagbababawal ng papa niya pero katulad ng nanay niya umaasa rin siyang matatanggap rin ang mga ito ng tunay niyang ama.
"Ma, can I go now tatawagan ko pa si Kidlat to invite him tonight." Tukoy ng dalagita sa lalaking napakalapit sa puso niya bilang nag-iisang lalaking pinayagan ng papa niyang maging kaibigan niya.
"Good for you, hija! matagal na ring 'di dumadalaw ang binatang 'yon sa pamilya natin, invite him Nica, malamang matutuwa ang papa mo." Tumango-tango si Nica muling niyuko ang ina para kintalan ng isang mabilis na halik sa nuo.

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!