CHAPTER 7
“George, let’s go!” sabi ni Angelo sabay abot sa kamay niya paglabas nila ng kotse.
Ang binata kasi ang nagprisinta para maging date niya sa kasal ni Kim. Tutal naman, wala siyang ka-date kaya pumayag na siya.
Pagpasok nila sa simbahan ay pinagtinginan sila ng mga naroroon.
She was stunning and gorgeous.
Sa suot niyang white lacey dress na off-shoulders ay agaw-pansin talaga siya.
Plus the fact na luscious curls ang ayos ng kanyang buhok.
She looks good in curls, and she love curls.
Hindi lang pala siya ang center of attention, maging ang date niyang si Angelo ay nagging man of the hour.
Sa suot nitong grey long sleeves at black pants ay mabibighani ka talaga.
Kahit siguro sako o punit-punit na damit ang suotin nito ay di mababawasan ang hotness at kagwapuhan ng binata.
Bulung-bulungan pa nga sa loob ng simbahan na bagay daw sila at napakaswerte nila kung sila ang magkakatuluyan.
Bagay nga sila, pero paano naman ang nararamdaman ni George?
Nagsimula na ang ceremony ng kasal. Sa buong oras ay walang ginawa si Ken kundi sulyapan sa malayo sina Georgina at Angelo.
Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
Para kasing tinutusok ng maraming karayom ang kanyang puso at naninikip ang dibdib niya.
Hindi niya matagalan ang tanawing nakikita niya pero dir in niya mapigilang hindi sulyapan ang kagandahan ng dalaga.
Gusto niya itong lapitan ngunit nagdadalawang-isip siya at baka mapahiya lang siya. May date ito sa kasal, he shouldn’t interfere.
Mukhang Masaya naman si George sa company ng kasama niya.
Mukha namang matino at malinis ang intension nit okay George at hindi ito mukhang gagawa ng kagaguhan at katarantaduhan.
SA RECEPTION..
“Kim, best wishes!” bati ni George.
“Thank you George, so…” nguso nito kay Angelo na nagpapahiwatig na ipakilala niya.
“Ah Kim, si Angelo. Angelo, si Kim,” pakilala niya.
“Best wishes,” bati ni Angelo sabay lahad ng kamay.
“Thank you, so kayo ba?” tanong ni Kim.
“Kim, we’re not together,” sabad ni George.
“Oh, a date perhaps!” tukso nito.
“Yes, I’m her date,” ngiting kumpirmasyon ni Angelo.
“Bagay kayo,” tukso ulit ni Kim.
“I know,” pilyong sagot ng binata.
Sa kabilang banda ay selos na selos itong si Ken.
Halatang in love ang lalaki sa ex niya.
At ganoon din naman si George dito. Bagay naman sila, a perfect couple, sa isip niya.
Oras na para sa traditional na paghahagis ng bouquet ng bride.
Ayaw man niyang makigulo at makikumpol ay din a siya naka-ayaw pa kay Kate.
Hinila siya nito sa center stage.
Hinagis na ni Kim ang bouquet at parang slow motion itong palapit kay George.
Nasapo ng kanyang ulo ang mga bulaklak at dumausdos sa kangyang mga kamay.
Naghiyawan ang mga tao, they are all cheering and beaming for her. Unexpected. Di pa rin siya makapaniwalang siya ang nakakuha sa bouquet.
Destiny? Oh my, not now.
Then it’s time para dun sa may garter for boys.
Si Angelo ang nakasalo.
Pinilit niya talagang makuha iyon dahil gusto niyang sila ng dalawa ni George ang ikakasal.
Nakipagbuno siya sa mga kalalakihang nagnanais makuha ito at ipasuot sa babaeng nakakuha ng bulaklak, na walang iba kundi ang natatanging babae sa buhay niya, si George.
“Now, a round of applause for our special couple, Georgina and Angelo,” anunsyo ni Kim.
Isinuot ni Angelo kay George ang garter.
“What a perfect combination diba? What a lovely couple they would be in the near future.. ” tukso ni Kim.
Dalawang lalaki ang naninibugho at sumasakit ang mata sa nasasaksihan nila.
Sina Ken at Kevin ay matiim na pinagmamasdan ang tawanan nina Angelo at George sa may center stage.
Pareho silang umiibig sa ating bida pero kanini nga ba ang puso ni George?
“I think she found her perfect match,” malungkot na sabi ni Kevin.
“You think so? I just hope it’s gonna last this time,” tugon ni Ken.
“Ano ba kasi ang dahilan at nagkahiwalay kayo pare? Bakit mo pa ba pinakawalan si George? Kung ako lang ang binigyan niya ng pagkakataong maging boyfriend niya, di ko siya iiwan,” sagot ni Kevin.
“Mahabang storya pare, ayoko nang pag-usapan,” buntong hininga ni Ken.
Naguilty tuloy ulit si Ken. Mukhang nadagdag na naman sa list of admirers at lovers ni pretty George! Haba ng hair n gating bida…..
END OF CHAPTER 7
Sorry talaga, super duper late update! Actually, last summer pa ko may copy nang susunod na chapters, kaso busy talaga..
Leave a comment and vote. Pag walang at least 50 votes, walang update!
BINABASA MO ANG
Just Love Me Again ~HyunZy Story
General FictionWARNING: **There are sexual scenes and explicit languages in some chapters that may not be suitable for your liking. If you happened to hate such themes on stories you read, might as well back off now for you're in the great doom of your life-- taki...
