Chapter 8 *If I was your boyfriend*

166 2 2

Chapter 8

*If I was your boyfriend*

Last week of October na. Malapit na mag halloween. Yeyyy!!! 

Tuwing November kasi may halloween party sa school. Saya no? Masaya na nakakatakot. Yung iba todo effort para gumawa ng costumes nila para ngang totoo e. Ano kaya pwedeng gawin sa halloween? Wala kong maisip -____-

"Franz! Franz!" 

"FRAAAAAAANZ!"

"Oy taragis na yan, ano ba? Bakit niyo ko sinisigawan?" Ang sakit ng tenga ko, hayup tong  mga kaklase ko

"Panong di ka namin sisigawan e, kanina ka pa namin tinatawag di ka naman namamansin. Lutang lang te?" Sagot ni Mae

"Ha? Kanina pa ba? Sorry naman. E kasi iniisip ko yung halloween party natin. Ano kayang pwede?" Excited kasi talaga ko sa halloween party. Ang saya kaya manakot >:) Bwahahaha

Biglang dumating yung adviser namin. Epal naman neto oh, naguusap e. Tsss

"Ok fourth year. Next week, we will have a halloween party like we did before. So magready na kayo, magusap usap na kayo kung ano ang plano niyo. If you want mag gawa kayo ng booth. Jail booth and what so evssss." Sabi ni Ma'am Ivy. Eto kasing adviser namin bata pa kaya mejo kavibes namin. Aheheeh 

"Ma'am, anong oras po magsstart yung party?" tanong ni Angel

"5pm-12am" sagot ni Ma'am Ivy. ABA ANG SAYA NETO!!! Wooo. Takutan all day all night \m/ 

Naguusap usap kami ngayon kung ano ang plano. Yung iba aswang, yung isa manananggal daw,  gusto pa nga nila bumili ng mga fake na putol na kamay, paa at ulo. Uso kasi dito yun e, tuwing palapit na ang halloween nagbebenta na sila ng ganun. So exciting babyyy \mm/

Bakit parang di ko pa nakikita si Renz ngayon? Di pa siya nagtetext. Di naman ganun yun e kahit bestfriend lang ako, alam ko yung bawat galaw niya, sinasabi niya sakin kung saan siya pupunta. E bakit ngayon di manlang siya nagtext para sabihin na magaabsent siya? Asar naman 

"Franz! Sabi ng principal punta ka daw corridor. May sisilipin ka daw sa baba. Tipong dudungaw ka" Kinabahan ako dun kasi yung principal namin mismo yung tumatawag sakin. Ano kaya kailangan niya?

Naglalakad na ko. Nang makarating na ko sa dulo, tumingin ako field at nakita ko yung mga classmate ko, isa isa silang tumalikod at binasa ko yung mga papel na sa likod nila. 

WILL YOU BE?? HUH? ANO DAW? BAKA NAGKAMALI LANG SILA, DI ATA AKO YUNG PINAPATAWAG. MGA BALIW -____- Patalikod na ko, pabalik na sana ko ng room ng bigla kong nakita si Renz at may hawak na

papel at nakalagay na "MY GIRLFRIEND?" WTFFFFFF 0.o Ano to? Panaginip ba to?

"Oy Choi, anong trip yan? Wala ko sa mood ah, babalik na ko dun may pinaguusapan pa kami tungkol sa party."

Tapos di siya umiimik

"Baliw ka na no? Ano nangyari sayo? Pipe ka na ba? Bat di ka magsalita? Aalis na ko ah, balik na ko sa room" Sabi ko sakanya. Sinungitan ko siya, meron kasi ako ngayon e. Asar kasi 

"Franz, bulag ka ba? Di mo ba nabasa? Gusto mo ulitin ko? FRANZ, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? Mahal na kita Franz, mahal na mahal." lumuhod siya. Sinampal ko sarili ko at di nga talaga to panaginip. 

Ang dami ng tao dito sa corridor. Nakakahiya, yung ibang year levels nandito na din pati yung ibang teacher. Tangina nakakahiya, mga chismosa. Ano isasagot ko? Eto na yun Franz e, eto na. 

"YES!" sagot ko ng pabulong

"Ano? Di ko marining. Pakilakas" Sagot ni Renz na para bang nangaasar

"Paulit ulit? Unli? OO NGA! AS IN YES." Sigaw ko sakanya at nakalimutan ko na ang dami palang tao sa corridor kaya lahat sila narinig -____- Nakakahiya pero ang saya ko. 

Lumapit si Renz sa mga teachers at students para sabihin na

"Narinig niyo yun? Sinagot na ko ni Franz. Girlfriend ko na siya. YESSSSSS" Aba, di pa nakuntento to. Talagang lumapit pa dun, di ba siya nahihiya? 

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Ibang yakap to, yung dati na pangkaibigang yakap, eto yung yakap na pang lovers. Napalingon ako sa mga tao dahil may narinig akong kanta.

*If I was your boyfriend, I'll never let you go

Keep you on my arm girl, you'd never be alone

I can be a gentleman, anything you want

If I was your boyfriend, I'd never let you go, I'd never let you go

Ang saya ng araw na to. October 26 is love <333

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!