[ 61 ] Birthday Gift

40.2K 585 65
                                    

Chapter 61: Birthday Gift

Nakaupo silang dalawa sa harap ng hapag-kainan. Magkatabi lang sila pero parehas silang tahimik at walang imik. Ni ayaw rin ni Steffi na unang magsalita dahil alam niya na kung ano ang pag-uusapan nila at sa mga oras na 'yon, wala na siyang takas at kailangan niya talaga itong harapin. Maging siya kasi ay naguguluhan sa mga nangyayari. Bakit nagkagano'n? Paano nangyari 'yon? Hindi niya rin alam ang mga sagot sa tanong na nasa isipan niya.

"Oh, bakit parang sinakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo? We're here to celebrate!"

"You know the reason why, Jico. Can you stop acting na parang wala lang sa'yo?"

"Okay, okay. Ang hot mo, chill ka lang. Kumain na muna tayo at mamaya na natin pag-usapan si ZAC."

Nilagyan siya ni Jico ng cake sa plato at tahimik silang kumain. Masarap naman ang cake kaya na-enjoy niya naman iyon. Pansamantala niya munang inalis sa isip ang tungkol kay ZAC at inisip kung gaano siya ka-blessed na for 18 years nasa mundong ito pa siya. Kahit hindi niya alam kung hanggang kailan, masaya na siya na tumagal siya ng ganoon.

Nang tumingin siya kay Jico ay napaurong siya dahil masyado itong malapit sa kanya at nakatitig pa ito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagka-ilang dito kaya naman umurong siya ng kaunti.

"Maganda ka naman pala, eh. Ngayon ko lang naappreciate," pagpuri nito sa kanya.

"Ano na naman ang trip mo? Tigilan mo nga ako. Hindi mo na 'ko kailangan bolahin. Alam ko naman na papagalitan mo rin ako mamaya."

"I'm fvckin' serious here, Steffi. You're beautiful. Hindi ko lang napansin noon dahil nasa ibang bagay ang focus ko. You don't have to believe me kung ayaw mo."

Hindi niya alam kung paano dapat mag-reak o ano ang dapat sabihin. Parang masyado ng seryoso at nakakailang na ang takbo ng usapan. Masyado ring malapit sa kanya si Jico. Inaamin nito na mas gwapo ito kapag malapitan. Nang matanaw ng mata niya ang cake, idinikit niya ang daliri niya doon at dinikitan niya ng icing ng cake sa ilong si Jico, tinawanan ito at saka tumakbo palayo dahil alam niya na babawi ito.

"Gusto mo makipaglaro sa'kin ah?!"

Pinunasan nito ang mukha at saka kumuha ng icing sa cake at hinabol si Steffi. Nahuli siya nito at nahawakan sa braso at sa isang segundo, niyakap siya nito at 'di siya makawala. Dinikitan rin siya nito ng icing sa ilong.

"That's better," nakangiting sinabi nito.

Kakawala na sana siya dito pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya. Nagtaka na lang siya dahil papalapit ang mukha nito sa mukha niya saka ito nagnakaw ng halik sa gilid ng labi niya at saka siya binitawan. Pagkatapos noon, tumayo lang siya doon. Iba ang naramdaman niya. Bumilis ang tibok ng puso niya pero iba ang pakiramdam 'pag si ZAC ang humalik sa kanya. Iba ang kurot sa puso niya kapag si ZAC ang gumagawa noon sa kanya.

"You don't feel anything?" tanong nito sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata na parang hindi ito makapaniwala.

"That's impossible," mahinang sinabi niya. Doon niya naisip na mas matindi ang nararamdaman niya para kay ZAC na hindi gaya ng inaasahan niya. Naaakit siya kay Jico sa paraan na nagaguwapuhan siya dito at hinahanggaan niya ang pagiging 'cool' nito. Maaaring sabihin na crush niya ito pero iba ang nararamdaman niya para kay ZAC at hindi siya makapaniwala na gano'n na pala. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naramdaman niya na nasaktan siya nang makita niya ang wedding invitation.

"Never mind my question. Wipe your face," sabi nito sabay abot ng tissue sa kanya na agad rin niyang ginamit para linisin ang icing ng cake sa ilong niya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon