sya^si Dabe-sama! Isa pa sa mga old PB readers! ehe. thanks porr being a loud one.. ;)) 

- - - - 

x41: Father Material (part3~) 




[ADRIAN's PoV] 


Kakatok ba ko o hindi? 


Kakatok ba ko o hindi? 


ARGH! Di ko na alam kung ilang beses ko na yan tinanong sa sarili ko at kung gaano na ba ko katagal na nakatayo dito sa tapat ng kwarto ng anak ko. 


Balita ko sa nurse na umasikaso sakin kanina, naisalin na raw sa pasyente yung nakuha nilang dugo sakin. 


Ibig sabihin lang nun, tinanggap ni Chelle ang tulong na binigay ko. 


Pero ako.. matatanggap pa kaya nya? 


"I will." rinig ko ang boses ni Chelle mula sa loob ng kwarto. 


Potek. Lalabas yata sya! 


At nagbukas nga 'tong pinto. 


Si Chelle ang una kong nakita. Tulad kanina, nagulat din sya nang makita nya ko. 


Nasa tabi rin pala nya si CJ at.. nakayakap sya sa braso nito. 


Tsk. Ka-ilang. 


Gusto ko sanang maglakad paalis kasi baka magalit lang ulit si Chelle sakin. Pero para namang naka-glue na tong mga paa ko sa sahig! Amp. 


"Uh--"/"Ad--" nagkasabay pa kami ni Chelle sa pagsasalita. Tapos natahimik kami. 


"Uhh ano.." ANO NGA BANG SASABIHIN KO? 


Kasi naman.. Nahihiya ako kay Chelle.. Yung mga sinabi nya sakin kanina, masyadong tumagos sa buto ko. 


"Adrian.." mahinang tawag ni Chelle. "Si..Si Andy.. Kung gusto mo sya makita, pwede ka pumasok sa loob.." 


Ramdam kong nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya. 


"T-TALAGA? PWEDE NA?" tanong ko. 


Tumango sya at bumitaw kay CJ. "Hmm.. Sige CJ.. Inga--" 


"Bakit di na lang kaya sya ang pagbantayin mo kay Andy?" bigla at seryosong suggestion ni CJ. 


Napatingin sakin si Chelle. Para syang nag-iisip? 


"Rachel, buong araw mo nang binabantayan at inaalagaan ang anak nyo. Kailangan mo rin namang magpahinga. And don't you think it's time for Adrian to do MORE of his part as your baby's father?" 


HINGA NG MALALIM, ADRIAN.. Huuu.. 


Alam ko ang gusto ipahiwatig ni CJ. Alam kong pasimple nyang pinamumukha sakin ang pagkukulang ko bilang tatay ng anak namin ni Chelle. 


Nakakainis pero..di dapat ako mainis.. Totoo yun eh.. 


"Pero CJ..kailangan ding magpahinga ni Adrian.. Kinuhanan sya ng dugo kaya di sya dapat mapagod.." - Chelle 


"OKAY LANG CHELLE." pagsingit ko sa usapan nila. Binigyan ko sila ng medyo pilit na ngiti. "Nakapagpahinga na ko kanina matapos akong kuhanan ng dugo. Mahigit isang oras din akong nakatulog nun ah kaya okay lang na bantayan ko ang anak natin ngayon. Tsaka di naman gaano nakakapagod ang magbantay eh. Lalo na't gabi na." 


Nagpout sakin si Chelle. 


"Sige na Chelle.." pagpipilit ko sakanya. "Magpahinga ka na sa inyo.. Ako na munang bahala kay Andy.." 


"Mhie." hinawakan ni CJ ang kamay nya. Tss. "Wag ka na tumanggi. You need a rest." 


Nagisip pa muna ng ilang saglit si Chelle bago sya pumayag. Tapos pumasok na kaming lahat sa kwarto. 


Agad akong dumiretso ng upo sa tabi ng anak ko na napakahimbing ng tulog. 


Mas okay na sya tignan ngayon. Di na kasi sya nakaswero pero halatang nanghihina pa rin sya. 


Habang nag-aayos naman ng ilang gamit si Chelle, pina-alalahan nya ko tungkol sa kasalukuyang lagay ng anak namin. Tawagan ko na lang din daw sya kung sakaling may kailangan ako at kung may mangyari na kung ano kay Andy na sana eh wala naman.. 


Tapos umalis na sila ni CJ. Holding hands pa nga sila eh.. 


Haay.. 


Twing nakikita ko silang ganun, di ko talaga maiwasang..magselos? Mainggit? Manghinayang? 


Tsk. 


Babalewalain ko na nga lang ang mga pakiramdam na yun. Kahit ngayon lang. Kahit ba nasasaktan talaga ko sa loob-loob ko kasi parang lahat na lang ng nangyayari sa paligid ko, kontra sakin. 


=___= 


HA-HA. Nakakatawa. Nagdadrama na ko dito. Tss.. 


Hinawakan ko na lang ang maliit na kamay ng anak ko at hinalikan yun. 


Di ako relihiyosong tao. Di ako pala-dasal pero ito ako ngayon, nagdadasal. 


Pinagdarasal ko na sana malagpasan ng anak ko ang sakit na toh. 


Pangako, natuto na ko sa pagkakamali ko kanina kaya sana mabigyan pa ko ng chance ng Diyos para maalagaan sya nang doble. Ah, hindi, triple. 


Please, sana gumaling na sya.. Sana bumalik na sya sa dati.. Sana bumalik na yung lakas nya, yung kakulitan nya, yung ingay.. 


At sana, maging maayos na rin ang relasyon namin ng mommy nya.. Kahit di na bumalik ang relasyon namin sa level na gusto ko talaga mangyari basta ba, magkasundo na kami ulit.. Pipilitin kong makuntento kaya sana..sana magka-ayos na kami para sa anak namin.. Sana.. Sana.. 


* * * 

* * 

* * * 


"Mister? Uhm, Mr. Guillermo? Gising na--" 


"HINDI AKO NATUTULOG!" sigaw ko. 


Huh? Ba't ba ko sumigaw? =___= 


"Pfft.. Hahaha." rinig kong may tumawang babae sa likuran ko. 


Lumingon ako roon. Nurse pala toh. 


Ahh teka. Sya rin yung nurse na umasikaso sakin kahapon. 


"Pasensya na po Mr. Guillermo.." pinipigilan nya na tumawa. "Kayo kasi..di raw natutulog pero..pfft..todo hilik kayo nung dumating ako.." 


Tss. Napakamot ako ng ulo. Oo na, nakatulog nga ko. Eh sa inantok ako habang nagbabantay eh. 


Buti na lang, walang nangyari na kung ano sa anak ko buong magdamag habang tulog ako.. 


Tumayo na ko mula sa pwesto ko at hinayaan yung nurse na gawin ang trabaho nya na icheckup si Andy. 


Chineck nya ang katawan nito, pati na rin yung temperature, heartrate at pulserate. 


Pero nung sa pulserate na, biglang nagising si Andy. Una, naalimpungatan pa sya pero nang makita nya ko.. 


"P-PAPAA!!" hala. Pinilit nyang bumangon habang pinupulsuhan sya! "PUNTA NA TAYONG BIG HOUSE PO?!" *O* 


"Ah anak, di pa." tumabi ako sakanya at pinaayos sya ng higa. "Behave ka muna, chineckup ka pa ni Miss nurse oh." 


Sumunod si Andy. Nagbehave sya habang yung nurse, natatawang tinapos ang trabaho nya. 


"Okay.. Yung heartrate and pulserate, both normal. Yung temperature, a little above normal. Pwede pa yun tumaas at bumaba anytime but don't worry much. It's part of the recovery process. Also, his rashes and bruises are still present pero nabawasan na ang mga yun compared sa kahapon." sabi ni nurse habang may sinusulat. Tapos nginitian nya ko. "Hmm.. I can say na medyo mabilis ang paggaling ng anak nyo, Mr. Guillermo." ^___^ 


Napasigh ako. IN RELIEF. 


"Buti naman.." ginulo ko ang buhok ni Andy. 


"EDI PAPA NGAYON PUPUNTA NA TAYONG BIGHOUSE PO?!" ^o^ - Andy 


"Haha, di pa noh!" nawala ang ngiti ni Andy. Nagpout sya, ala-Chelle. "Syempre, dapat gumaling ka muna ng tuluyan, anak. Pag sinabi na nito ni Miss nurse at ng doctor mo na pwede ka nang lumabas dito sa ospital, tsaka lang kita dadalhin dun." 


Tumingin si Andy kay Nurse nang nakapout pa rin. 


"Totoo yun baby. So be a good boy first para gumaling ka na at makalabas ka na dito." kinurot ni nurse ang pisngi ni Andy tapos tumingin sya sakin. "Hmm, sige, alis na po ko." ^___^ 


"Sige. Salamat." 


Pagkaalis ng nurse, sabay kaming naghilamos ni Andy sa CR nitong kwarto nya. 


"PAPA!! SI MOMMY PO??" tanong ni Andy pagkabalik nya ng higa sa kama. 


"Umuwi eh. Pero pabalik na yun dito." sagot ko kahit di ako sigurado kung pabalik na nga ba si Chelle. 


"PAPA! PAPA!" grabe. Di pa sya tuluyang gumagaling eh ang hyper na nya. Paano pa kaya pa magaling na talaga sya? 


Bigla na lang ako napangiti. Narealize ko kasi na sinagot ng Diyos ang dasal ko kagabi.. Salamat naman.. 


"PA-PAAA!" tinuro nya ko. 


"Bakit 'nak?" umupo na ko sa tabi nya. 


Mula sakin, may tinuro naman sya sa braso nya. "BAKIT PO PAREHAS TAYONG MAY SUGAT DITO PO?!" 


Ay. Oo nga noh? Parehas kaming may sugat na naka-plaster sa braso. Yun yung parte kung saan ako kinuhanan ng dugo habang yung kanya, yung part na sinalinan. 


"Parehas tayong may ganito kasi..uhm..kasi mag-ama raw tayo. At parehas daw tayo gwapo. Hehe." 


"Ooh.." namangha naman daw ang inosente kong anak. "Hihi.." ^3^ 


Tinignan ko ang oras sa relo ko. Passed 7AM na. Ano kayang oras babalik si Chelle? Wala kasi syang nasabi kagabi. Basta babalik daw sya dito nang maaga ngayon. 


"PAPA! NAGUGUTOM NA KO PO!" ^o^ 


Patay.. Anong ipapakain kong almusal sakanya eh wala namang pagkain dito? 


Napakamot ulit ako ng ulo. Di ko alam ang gagawin ko. 


Gusto ko sana sya bilhan ng makakain kaso di ko naman sya pwedeng iwan nang mag-isa dito. 


"PAPA! GUSTO KO NG APPLE PO!" may tinuro ulit sya sa may maliit na mesa sa tabi ng sofa. 


ANG GALING! MAY FRUIT BASKET PALA DUN! 


Kumuha ako ng dalawang red apple dun. Hinugasan ko sila bago balatan. 


"NO PAPA! WAG MO ITANGGAL YUNG BALAT PO!" >O< 


"Eh? Hehe.. Okay.." sinunod ko sya. "Ah, 'nak, gusto mo ba gumawa ko ng bunny apples?" 


"BUNNY APPLES??" O___o 


"Oo. Bunny apples. Rabbit na apple." 


"WAAAA RABBITS?! NA APPLE PO?!" *o* 


Natawa ko. Di nya pala alam yun? 


"Ahuh, anak. Rabbits na apple. Ipapakita ko sayo ah, teka..." 




[RACHELLYN's PoV] 


5AM pa lang, bumangon na ko. 


Paputul-putol naman kasi yung tulog ko. Di ko pa rin maiwasang mag-alala sa baby ko eh.. 


Nagluto na lang ako pagkagising ko. Nagluto ako ng chicken sopas! 


Marami na ang niluto ko para sa baby ko at kay Adrian. AH! S-Syempre, pati na rin para sakin.. >///< 


8AM pa pala ko susunduin ni CJ. Pero dahil di na ko makapaghintay, nagpunta na ko ng hospital ng mga pa-7AM. Tinext ko na lang sya na mauuna na ko doon. 


Sa hospital, bumili muna ko ng gamot ni Andy na pinrescribe ng doctor nya bago ko dumiretso sa kwarto nya. 


Eh.. Medyo naka-open yung pinto.. O___o 


Nakarinig ako ng tawanan mula sa loob. 


Sumilip lang muna ko sa maliit na uwang ng pinto at..kita ko yung mag-ama. Nagtatawanan sa kama. Tinatawan nila yung..yung walong hiwa ng apple sa may plato? Ang adik naman nila! 


Pero..yung baby ko..tumatawa na sya.. Unti-unti na syang bumabalik sa dati.. Ang saya lang.. :') 


"WAAA ALAM KO NA PO!" isa-isang tinuro ni Andy yung bawat hiwa ng apple. "ITO SI PAPA-RABBIT APPLE! SI ANDY-RABBIT APPLE! SI MOMMY-RABBIT APPLE! SI DADDY-RABBIT APPLE! SI TITA HAZEL-RABBIT APPLE! SI LOLA-RABBIT APPLE! SI GRANMOM-RABBIT APPLE! AT SI GRANDAD-RABBIT APPLE! WEEEE~" ^O^ 


O___O 


RABBIT APPLE? 


ANO YUN?! 


Pumasok na ko ng kwarto at nilapitan silang mag-ama. 


"OH CHELLE?" - Adrian 


"MOMMYYY!" ^o^ - Andy 


Di ko sila pinansin. 


Tinitigan ko nang malapitan yung mga hiwa ng mga apple na nasa lap ni Andy. 


Hmm.. AH! KAYA PALA RABBIT APPLE! 


Malamang, parang rabbit yung apple. Pero ang galing! Kasi yung balat yung naging rabbit ears! *o* 

( A/N: example ng bunny/rabbit apples duuun sa gilid~ X3 ====>> ) 


"Uhm Chelle.. Baba muna ko ah?" napatingin na ko kay Adrian. "B-Bibili lang ako ng..almusal ni Andy.." 


"A-Ah, oo, almusal.. Sige.. Ay, hindi! M-Meron pala kong dala!" ANO BA TOH! NAUUTAL NA NGA KO, MALI-MALI PA! >3< 


Psh.. Hindi naman na nagpumilit na bumaba si Adrian. Kaya hinanda ko na yung dala kong pagkain at kumain kaming tatlo. 


Ang awkward nga lang ng paligid namin habang kumakain.. Ramdam ko yung..yung coldness sa pagitan namin ni Adrian.. 


Haay.. 


Nagkaganito kami ngayon dahil sa ginawa't pinagsasabi ko sakanya kagabi.. Masyadong nakakasakit yung mga binitiwan kong salita.. 


Ayt.. Malamang lang na masama ang loob sakin ni Adrian ngayon.. Gusto ko tuloy mag-sorry.. ;( 


Kaya after namin kumain.. 


"A-Adrian.." tawag ko sakanya. 


"Hm?" 


"Ano.. S.." 


*budum*budum*budum* 


Naman eh.. >///< 


Di ko sya matitigan nang matagal sa mga mata nya kaya inalis ko ang tingin ko mula roon pababa.. 


..pababa sa suot nyang damit. 


Oo nga pala, medyo marumi ang damit na suot ni Adrian. May unting mga spot yun ng pintura yata? Kagabi ko pa yun napansin eh kaya ngayon, nagdala ko ng damit pamalit nya. 


"Chelle?" - Adrian 


"Ah, Adrian! S-Suotin mo tong damit! Nagdala ko pamalit mo.." kinuha ko yung damit mula sa bag ko. "Uhh damit toh ni ano eh..ni CJ. Pero malinis toh! Tsaka magkasize naman kayo kaya--" 


"Di na Chelle.. Thank you na lang.." 


=/ 


"Okay.." binalik ko na lang yung damit sa bag ko. "K-Kung..Kung gusto mo, pwede ka na umuwi.. Ikaw naman ang magpahinga sa inyo.." 


"Sige.." nilapitan nya si Andy at pinat sya sa ulo. "Anak, alis na ko. Sumunod ka kay--" 


"EHH?! PAPA! WAG KANG UMALIS PO!" niyakap ni Andy ang kamay ng papa nya. "PAPA.." ToT 


"Baby? Wag pasaway.. Buong gabi ka binantayan ng papa mo kaya ngayon kailangan na nya umuwi.." paliwanag ko kay Andy. 


"PERO PO GUSTO KO DITO LANG SI PAPA PO.." >3< 


"Baby ko.. K--" 


"Chelle, yaan mo na.. Dito muna ko hanggang sa makatulog sya.." - Adrian 


Ang lamig lang ng boses nya.. 


At di ko yun gusto.. =/ 


"Okay, b-bahala ka.." umupo na lang ako sa sofa. 


Habang sila, kwentuhan lang nang kwentuhan sa may kama hanggang sa makatulog na si Andy. 


Ang bilis. Epekto siguro yun ng gamot na pinainom ko sakanya tapos sinabayan pa ng kamot ni Adrian. 


"Bye, anak.. Babalik ako mamaya.." hinalikan ni Adrian ang noo ng tulog na naming anak. 


Nagbabye na sya. Aalis na sya. 


"Chelle, sabi pala ng nurse kanina, pwede pang tumaas at bumaba ang lagnat ni Andy.." sabi nya. "Pero wag daw tayo masyadong mag-alala..pagaling na sya." 


"Ah.." tumango ako sakanya. Di pa rin talaga ko makatingin sa mga mata nya. "Okay.." 


"Geh.. Alis na ko.." naglakad na sya. 


Ayan.. Aalis na talaga sya.. Pero ganito pa rin kami.. Galit pa rin sya sakin.. 


Ayoko ng ganito kami. Di ko alam. Parang..nalulungkot ako? Nasasaktan? Ah basta, ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko. 


"ADRIAN, SORRY!" sigaw ko bago nya mabuksan ang pinto. 


Nilingunan nya ko. Halatang nagulat sya sa sinabi ko. 


"A-Adrian.. S-Sorry.. Sa mga sinabi ko sayo kagabi.." :( 


"Ahh.. O-Okay lang.." napangiti sya. Ngiti na malungkot. "Dapat lang naman na makatanggap ako ng mga ganung salita mula sayo.. Totoo naman kasi eh.. Wala akong kwentang tatay.." 


"H-Hindi Adrian.. H-Hindi yun totoo.." 


Nagcrack na ang boses ko. Ang sakit na nga rin sa lalamunan eh. Tapos sumabay pa 'tong mga namumuong luha sa mga mata ko. 


"Adrian.. N-Nasabi ko lang naman yun k-kasi galit ako kagabi.. Kasi maghapon kitang hinanap p-pero di kita mahanap.. Kasi tinatawag ka ni Andy pero wala ka.. Yun lang yun eh.. Pero Adrian, di totoong wala kang kwentang tatay.. Hindi.." 


Para kong tanga na punas nang punas sa mga mata ko. Tch. Ayaw kasi tumigil sa paglabas ng luha! >___< 


Pero bahala na.. Mas gusto kong magexplain kay Adrian. 


"A-Alam ko, Adrian..na mahal na mahal mo ang anak natin..nakikita ko na ginagawa mo ang lahat ng kaya mo para sakanya.. Alam ko..di mo sinasadya yung nangyari kahapon..na di mo rin toh ginusto kaya--" 


Natigilan ako nang bigla na lang akong niyakap ni Adrian. 


Medyo nakakagaan ng loob ang pagyakap nyang toh sakin.. Medyo lang kasi di pa rin sya nagsasalita eh.. 


"Adrian.. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kagabi.. S-Sorry na talaga.." ;( 


"Pfft.." A-ABA?! N-NATATAWA SYA?! 


"A-ADRIAN?!" humiwalay ako sakanya pero di nya ko pinakawalan. "N-NAKAKAINIS KA! SERYOSO AKONG NAGSOSORRY T-TAPOS TATAWANAN MO LANG AKO?!" XC 


"Di kita tinatawanan.. Masaya lang ako ngayon.." 


"G-GANUN? MASAYA KANG MAKITA NA UMIIYAK AKO?" ;( 


Halos matawa na naman sya. Hinigpitan nya pa ang yakap nya sakin pero nagpumiglas ako. 


"N-NAKAKAINIS KA ADRIAN! PAKAWALAN MO NGA KO!" 


"Ayoko.. Dyan ka muna.. Kahit saglit lang.." 


*budum*budum*budum*budum*budum* 


Bakit parang may something sa sinabi nya na nagpatigil sa mga kamay ko na magpumiglas sa yakap nya.. 


Then slowly.. I found myself hugging him back. 


"Thank you Chelle.." bulong nya sakin. "Thank you sa pag-aalaga sa anak natin.. Thank you sa..sa pag-intindi mo sakin.." 


Nakangiti syang humiwalay sakin tapos pinunasan ang mga luha ko. 


"Ang swerte ko.. Kaya masaya ako eh.. Masaya ako at ikaw ang naging nanay ng anak ko.." 


O///O 


*budum*budum*budum*budum*budum* 


"Uhh.. A.. Ak.." WAAAA.. DI AKO MAKAPAGSALITA NANG MAAYOS! 


Paano ba naman kasi..hawak nya ang magkabilang pisngi ko at nakangiti pa sya! >///< 


"Papa.." 


Uh-oh. Napabitaw sakin si Adrian sa pagtawag na yun ng anak namin. 


Parehas kaming napatingin sakanya. 


WEW. Tulog pa rin pala sya.. 


Nagkatinginan kami ulit ni Adrian. Kaso bumalik na yung awkward na feeling. >///< 


"S-Sige na Adrian.. Uwi ka na.. B-Baka magising bigla si Andy at pag makita ka nya, di ka na nya papauwiin.." 


"O-Oo nga.. Sige.." napakamot sa batok si Adrian. 


Sinabayan ko syang maglakad papuntang pintuan. 


"Ah, Chelle.." huminto sya bigla sa paglabas at hinarap ako. "Ano.. Kung.. Kung hinahanap na ko ni Andy.. Kung kailangan nya ko.. O kung may kailangan kayo.. Ahh basta, tawagan o itext mo lang ako ah? Promise, sasagot ako agad.." 


Nginitian ko sya. "PROMISE??" 


"O-OO! PROMISE!" tinaas nya pa ang kaliwang kamay nya. "Natuto na ko sa mga nangyari kahapon kaya..asahan mo..pag kailangan nyo ko ni Andy, pupuntahan ko kayo agad.." 


"Okay.. Aasahan ko yan, Adrian.." :)) 


He smiled back at me. "Geh.. Balik na lang ako mamaya.. Bye.." 


"Bye.. Ingat ka.." 


Tumango sya tsaka naglakad na paalis. Pinanood ko sya hanggang sa makasakay sya ng elevator dun sa dulo. At bago pa magsara yung elevator, nginitian nya ko ulit at nagwave. I did the same to him. 


Pagbalik ko naman sa loob ng kwarto ni Andy, napasandal ako sa pintuan. 


Tch. Nangangalay na mga pisngi ko. Ayaw ba naman kasing mawala ng ngiti ko! Psh.. 


'Ang swerte ko.. Kaya masaya ako eh.. Masaya ako at ikaw ang naging nanay ng anak ko..' 


At lalo pa kong napangiti nang maalala ko ang sinabing yan ni Adrian. 


Ako rin eh.. Masaya. 


Masaya ko't gumagaling na ang anak namin. Masaya ko't nagkaayos kami. At.. 


Masaya rin ako kasi..sya ang naging tatay ng anak ko.. :')) 




xxxxxx TBC~ 

hahahehehihihohohuuu~ last part na itetch ng father material eklavu! at at at~ kmusta nman po ang ud na pinagpuyatan ko kaninang madaling araw? ;O 

gara eh. Lam nyo ung feeling na very know mo na ung daan papunta sa patutunguhan mo pero naliligaw ka pa rin?? Ganyan ako sa pb.. lul 

anyway, VOTE & COMMENT? GO-MAH-WO. v^^v

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!