KIDLAT : 4

381 37 2

K : 4
(KIDLAT)

----

Natigilan si Trina sa harap ng gusali sa opisinang binalak niyang pagtrabahuhan, ang opisinang akala niya magbibigay sa kanya ng pag-asa para sa kapatid niya.
"Ang yabang! akala niya kong sino siya, akala niya maaatim kong magtrabaho sa kanya!" Galit na bulong ni Trina para sa binatang patuloy na sinisira ang araw niya mula ng makilala niya ito.
"Hindi ako magtratrabaho sa'yo! baliw!" Muli niyang sigaw ng malakas sa hangin umaasang kahit papano mabawasan ang sama na nararamdaman niya.
"Ahhh!" Atungal ng dalawa sa sama ng loob na nararamdaman.

"Sir, anong nangyari?" Bungad na tanong ni Josie sa pilyong amo.
"Baliw 'yong pinag-apply mo." Walang gatol na tugon ng binata sa dalaga para sa dalagang kaaalis lang.
"Maayos naman si Trina, I checked her papers at may potential siya maging staff ng firm mo."
"She's not!" Aniya ni Kidlat napakibit-balikat ang dalaga sa naging tugon ng amo.
"Baka naman dumiskarte ka agad, sir." Aniya nito tiningnan ito ni Kidlat napangiwi sa sarili kasabay ng pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri nito.
"She is crazy, Josie! at alam ko sa tagal na pagtratrabaho mo sa'kin kilala mo na ang tipo ko!" Mahabang sagot ng binata sa biglang natigilang sekretarya.
"Ang akin lang naman sir, sana binigyan mo ng pagkakataon ang tao maganda naman si Trina, mukhang may ibubuga mukhang matapang nga lang." Natigilan si Kidlat sa muling pagbanggit nito sa pangalang Trina, kong saan lumiwanag sa kanya ang simpleng mukha ng dalaga, mukhang palaban at misteryosa.
"Basta ayaw ko sa kanya, Josie." Walang gatol na tugon ni Kidlat sa dalaga.
"The more you hate, the more you love sir." Tudyo nito sa binatang amo sabay pinakawalan ang makabuluhang ngiti sa isa't isa.

Nagpasyang dumaan si Trina sa harap ng munisepyo ng bayan nila bago umuwi sa maghapong pagkabigo sa paghahanap ng trabaho, 'di napigilang magbagsakan ang luha sa magkabilang pisngi sa sama ng loob para sa nawalang pag-asa para sa nakakabatang kapatid.
"Miss Trina," Lihim na nagpahid ang dalaga sa luhang kumuwala sa babaeng nalingunan niya.
"Miss Trina, ikaw nga." Muling tawag nito sa pangalan niya may takot sa mga matang napalingon sa paligid si Trina sa takot na baka makita siya ng sariling ina.
"Nasa sasakyan si madam Chandra, gusto mo ba siya makausap?" Aniya nito napakagat-labi si Trina sa narinig na sinabi ng nakilala niyang sekretarya ng nanay niya.
"Napadaan lang ako," Maiksing tugon ng dalaga akmang aalis ng narinig ang pamilyar na boses mula sa likuran niya.
"T-trina?" Anito sa kanya.
"T-trina, anak?" Napansin ng dalaga ang luhang bumalong sa mga mata nito habang papalapit ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? nasaan si Johan? kamusta ang kalagayan niya?" Sunod-sunod na tanong ng ginang sa dalaga umiwas siya ng tingin dito.
"Hindi po ako pumunta dito para dalawin kayo, napadaan lang ho ako!" Pagsisinungaling niya sa kaharap, nabaling ang tingin nito sa malaking gusali ng munisepyo may takot sa mga mata at 'di lingid sa kaalaman niya kong ano ang dahilan ng takot na nakikita niya sa mga mata nito.
"Anak, namimiss ko na kayo, kayo ng kapatid mo mabuti napadalaw ka, nakita ulit kita, anak." Muling untag nito sa kanya, tiningnan ito ni Trina, pilit na ngumiti sa harap nito.
"Tulad ho ng sinabi ko, hindi po ako nandito para sa inyo napadaan lang ako!" Taas nuong sagot ni Trina sa nanay niya, akmang lilingon ng muling nagsalita ito.
"Trina, sandali! nga pala tanggapin mo 'to." Lihim na tiningnan ni Trina ang ginang ang siyang pagkuha nito ng perang papel sa mamahaling pitaka nito, nilabas ang limang daang piso.
"Para sa'yo, para sa kapatid mo pasensiya ka na kong ito lang maibibigay ko baka kasi hanapin ng tito Tomas mo ang pera ko kaya hindi kita mabibigyan ng malaking halaga!" Nanginginig ang boses nito hindi mawala ang takot sa mga mata tumawa ng mariin si Trina, napailing sa tinuran nito sa sarili naisip na wala pa rin palang pinagbago ang nanay niya tuta pa rin pala ito ng asawa, hinawakan niya ang kamay nito muling binalik sa kamay nang ginang ang perang inaabot nito.
"H'wag na ho kayo mag-alala, kaya ko hong buhayin ang kapatid ko! hindi ko ho kailangan ang pera niyo!" Taas nuong 'ikaw niya dito matapos talikuran ang ginang nagmadaling siyang umalis sa harap nito, sa ikalawang pagkakataon sa araw na 'yon muling naglaglagan ang mga luhang kumuwala sa mga mata niya para sa sama ng loob para sa tunay na ina.

"Saan ba pumunta ang ate mo?" Tanong ni Kidlat sa nkakabatang kapatid ni Trina kaharap niya ito sa maliit na sala ng magkapatid.
"Naghahanap siya ng trabaho." Totoong sabi ng bata sa binata dahil kanina lang dumaan sa opisina niya ang dalaga para sana sa intensyong paghahanap ng trabaho.
"Sana nga po makahanap siya ng trabaho kahit malungkot mag-isa dito." 'ika ni Johan sa kaharap, pinagmasdan ni Kidlat ang bata napansin parang may kakaiba sa mga mata nito, may lungkot may kakaibang nararamdaman.
"Bakit ba kailangan maghanap ng ate mo ng trabaho?"
"Kasi kailangan niyang mag-ipon para sa pagpapagamot ko." Anito na nagpakumpirma sa hinala ng binatang may kakaibang nararamdaman nga ito.
"Your sick?" Pagbabasakali ni Kidlat na may makukuha siyang impormasyon sa bata, bigla siyang nakaramdam ng simpatya sa dalagang pinagsabihan niya ng kong ano-ano kani-kanina lang.
"I'm....ate!" Naputol ni Johan ang iba pang sasabihin ng napatingin siya sa pinto sa biglang pumasok ang ate Trina niya pilit na ngumiti pagkakita sa kapatid agad napawi ng natuon ang tingin sa binatang kaharap nito.
"Kamusta ate?" Excited na tanong ni Johan sa nakakatandang kapatid na 'di maalis-alis ang tingin sa bisitang tinanggap nito.
"Oo nga pala, ate si kuya Kidlat, He's here to visit me." Untag nito tinuro si Kidlat para sa muling pormal na pagpapakilala nanatiling nakatayo lang si Trina nakatuon ang tingin sa binatang unang sumira ng araw niya kasunod ng ina, napabuntong-hininga si Trina binaling ang tingin sa kapatid.
"Pasok ka muna sa kwarto, Johan! may sasabihin lang ako sa bisita mo." Pakiusap ni Trina.
"Okey, mamaya mo nalang ako kwentuhan ate, gusto rin muna magpahinga." Tumalima ito matapos siyang gawaran ng pinong halik sa pisngi, nang masiguradong nakasira na ang pinto sa silid nila muling binaling ang tingin sa binatang napatayo sa harap niya.
"Ano ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" May diing tanong ni Trina sa kaharap napalunok ito wala siyang nakitang emosyon sa mga mata nito 'di tulad ng madalas niyang nakikitang kalokohan sa tingin nito pag nagkakaharap sila.
"I'm here to say sorry!" Tugon ni Kidlat napalunok ng makita ang tinging pinukol sa kanya ng dalaga na kong nakakamatay lang kanina pa siya bumulagta, muli itong napabuntong hininga.
"Umalis ka na! masyado nang sira ang araw ko h'wag mo ng sirain lalo nakikiusap ako!" Mahinang pakiusap ni Trina dito tuluyang lumapit ito sa harap niya, wala sa sariling hinawakan ang kamay niya dinala sa sariling pisngi nito.
"Slap me!" 'ika ni Kidlat na mas lalong nagpasingkit sa mga mata ng dalaga binawi niya ang kamay niya dito pero nagmatigas ito pinanitiling nasa pisngi lang nito.
"Slap me, Trina! alam ko kasalanan ko, that's why you're so really upset and I'm really sorry!" Seryosong mukhang pagkakasabi nito muling tinangkang bawiin ni Trina ang kamay niya mula sa binata akmang tatalikod nang maramdaman ang pagod sa pakikipag-away o, pakikipagsagutan kahit kanino sa kabila ng araw niyang nasira isa na ang binatang nasa harap niya nagpupumilit na sampalin niya na kong ano man ang dahilan hindi niya alam, nang walang paalam siya nitong hinawakan sa beywang pilit na muling hinarap dito.
"Slap me or I will kiss you!" Malakas na pagkakasabi ni Kidlat sa harap niya natigilan si Trina, lihim na napatingin sa labi ng binata nag-aanyaya sa isang halik na binabanta nito.
"Mas pipiliin ko nalang mamatay keysa ang halikan ka, arogante!" Binalyang tinanggal ni Trina ang kamay nito sa beywang niya buong lakas na sinampal ang natulalang binata nang talikuran niya.

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!