CHAPTER 3: THE REAPER

4.4K 138 4
                                    

Author's Note

Pa suggest naman po ng names!  Full name po ng mga lalaki for the reapers!!  Hehe para naman po may choices ako..  Salamat ng marami!!

*************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*************************

Her POV

" aalis ka? " tanong ko sa kanya ng makitang nag aayos ito ng mga damit at sinisilid sa isang maleta. 

" hmm...  At sasama ka sa akin. "

Naupo ako sa tabi ng maleta saka seryoso siyang pinakatitigan. 

" hindi mo naman ako kailangang isama..  Ayokong makabigat pa sayo doon sa pupuntahan mo , sapat na sa akin ang pagtulong mo " ngumiti ako sa kanya. 

Ngunit hindi niya iyon sinuklian ng isa pang ngiti kundi simangot angkanyang ibinalik.  Nalilito ako sa kanyang reaksyon.  Para siyang isang salita sa diksyonaryo...  Mahirap ang banggitin ang bawat titik at mahirap intindihin ang kahulugan.. 

Iniurong niya ang kanyang mga gamit saka naupo sa aking tabi.  Marahan niyang hinaplos ang aking mukha na siyang nakapagbigay init rito. 

" hindi ka pabigat sakin naiintindihan mo?  Diba pinag usapan na natin to? Hindi kasi ito ang bahay ko,  bakasyunan lang.  Kailangan ko ng bumalik dahil marami akong naiwang trabaho at sasama ka sakin.  Mas ligtas ka at kampante ako kung nasa tabi kita.  "

" sige..  Pero totoo bang ayos lang na sumama ako? " pangungulit ko. 

Tumango siya saka bahagyang ngumiti.  " ok naman. Huwag ka nang mag alala tungkol sa mga bagay bagay.  Okay?  Maligo kana aalis narin tayo mamayang hapon.  "

***

Ang laki...  ! Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa isang ibon!  Hindi!  Gawa ito sa makina , ano bang tawag dito! 

" halika na.. " aya sa akin ni erik papasok sa loob nung ibong de makina. 

Mabilis akong umiling saka ipinirmi ang mga paa sa sahig. 

" may problema ba zue? "

Kinakabahan akong kumapit sa suot niyang damit. 

" natatakot ako..  Ayoko sumaka sa de makinang ibon.. " halos bulong na sabi ko. 

Narinig ko naman ang bahagya niyang pag tawa kaya napasimangot. 

" zue..  Hindi ibon yan.. Pft ang tawag diyan ay eroplano,  sasakyang panghimpapawid. Saka safe diyan wag kang mag aalala magtiwala ka lang sakin."

Tumango ako pero kinakabahan paring naglakad papasok . Mahigpit ang kapit ko kay erik ng makatapak ako sa loob ng eroplanong sinasabi niya. 

Ang ganda!! 

Innocence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon