C

886 53 5

2012

Dalawang buwan na ang nakalipas nang hiwalayan ni Rhian si Glaiza. Naging kampante sya na sobrang mahal sya ni Rhian, hindi sya nakinig sa mga paalala ng mga kaibigan na baka sa pagsunod nya sa gusto ng ibang tao ay baka mawala sa kanya ang babaeng mahal nya. Pero huli na. Ilang beses nyang hinabol si Rhian, ilang beses na nagmakaawa. Hindi sya pinakinggan nito. Ang huling sinabi lang ni Rhian...

"Kung gusto mong tanggapin pa kita, kung gusto mong maniniwala pa ako sa pagmamahal mo sakin na sinasabi mo. Ayusin mo muna sarili mo, ang problema mo sa pamilya mo, pag-isipan mo kung kaya mo na ba akong ipaglaban at iharap sa mundo. Kung kaya mong magpakatotoo at ilabas ang kung ano ka. Baka pwede pa. Baka pwede pa kitang tanggapin uli. Pero kung hanggang sa pagtatago na naman ulit. Ayoko na Glai, nakakapagod. Pagod na pagod na akong intindihin ka, pagod na akong magtiis na makita kang kasama yang lalaki mo at nagsasaya kayo. Habang ako nagpapakatanga, hindi alam kung may aasahan pa ba sayo o wala na. Ilang beses na Glai, ikang beses kitang binigyan ng pagkakataon, pero walang nagbago. Nagpapadala ka parin sa dikta ng mga nasa paligid mo. Nakakapagod ang mahalin ka Glai, nakakapagod."

Yun ang mga salitang hindi maalis sa isipan nya, yung gabing umalis si Rhian at piniling bumitaw sa kanya. Nahuli sila ni Rhian isang gabi sa Siargao, kasama nya ang lalaking pinagseselosan nito at ang masaklap sa pagkakataong yun, nakita sila ni Rhian na naghahalikan sa isang bar. Kasama ang kanyang barkada. Hindi nya rin alam bakit nya nagawa yun. Bakit nya rin hinalikan balik ang lalaking yun. Kaya laking gulat nya nang makita si Rhian na nakatayo at umiiyak. Kasama si Bianca. Hahabulin nya sana si Rhian, pero hinawakan sya ng kanyang kapatid at pinigilan. Ilang araw syang hindi umuwi sa bahay na binili nilang dalawa. Nagpadaka siya sa dikta, ngayon sya ang nawalan at hindi alam ang gagawin.

"Tol?" Katok ni Alcris sa kanyang kwarto, nasa Baler silang buong pamilya.

"Pasok ako ha." Dala ang tray na may pagkain, kasunod ni Alcris si Nanay Cristy at Tatay Boy.

"Cha. Kumain ka naman.." Pag-aalo ni Tatay Boy sa anak na tulala, mugto ang mata at namamayat. Habang si Nanay binubuksan ang bintana ng kwarto nito.

"Tol, kumain ka naman. Wag kang ganyan." Tinabihan sya ni Alcris at inakbayan.

"Umuwi na si David, hinatid sya ni Ate mo. Humihingi sya ng sorry sa nangyare."

"Anak, alam namin na—"

"Na ano?" Galit na tanong nya kay Nanay.

"Cha.."

"Alam nyo na ano? Na masakit? Na ayaw nyong nakikita akong ganito? Na ayaw nyong malugmok ako sa lungkot? Na ano? Na mahal ko sya pero diko maipaglaban dahil mahal ko din kayo? Na ayokong mapahiya kayo dahil sa kung ano talaga ako? Na dahil sa pagsunod ko sa gusto nyo nawala sya sakin? Na ano? Ano pang alam nyo?!" Nagsimula na syang umiyak. Sinubukan syang hawakan ni Nanay Cristy, pero tinabig nito ang kanyang kamay.

"Mahal na mahal ko sya. Alam nyo yan! Ilang beses nya akong inintindi, binigyan ng pagkakataon. Pero binalewala ko kasi dahil sa inyo! Sinunod ko kayo kahit labag sa loob ko! Naging sunod-sunuran ako para hindi kayo mabigyan ng kahihiyan! Ngayong wala na sya masaya na ba kayo?! Napanatag na ba kayo na hindi na lalabas ang balita tungkol sa pagkatao ko?! Hanggang kailan nyo balak gawin sakin to?! Pinapatay nyo ako! Unti-unti!" At hinagis ang tray na may lamang pagkain.

"Cha..." Lalapit sana si Tatay Boy..

"Masaya ka na Tay?! Masaya ka ba ito kinalabasan ng pagiging tahimik mo? Nang hindi mo pangingialam? Akala ko ba mahal mo ako Tay? Na kaya mo akong tanggapin kung ano man ako." Buong buhay ni Glaiza, umaasa syang kakampihan sya ng kanyang Tatay, na ipaglalaban din nya ang karapatang sumaya di Glaiza. Pero naging tahimik sya. Ni hindi nya alam kung tama bang manahimik sya o may gawin sya para sa kanyang anak na ngayon ay parang patay na.

Kung Paano Sya NawalaRead this story for FREE!