Chapter 7 *Now I know*

145 4 1

Chapter 7

*Now I know*

Mas lalo na kaming naging close ni Francis. 5 buwan na nakapalipas, wala parin girlfriend si Renz. Ayaw niya daw muna dahil mahal pa niya si Kim.

Renz's POV

Sa araw araw na magkasama kami ni Franz, parang nagiba. Tuwing magkasama kasi sila ni Francis parang may nararamdaman akong selos. Mahal ko na ata bestfriend ko. Gusto ko aminin sakanya pero parang di pa ko sigurado dahil baka naccarried away lang ako. Tsaka baka layuan niya ako <//3

Tipong gusto ko lagi siyang kasama. Magkahiwalay lang kami sandali, namimiss ko na siya agad. Wallpaper ko siya ngayon sa phone ko kaya di ko magawang ipahiram sakanya.

Ang daming tao sa corridor ngayon. Pagpasok ko ng classroom, nakabilog sila Franz. Naglalaro ata sila ng spin the bottle. Naisipan kong tumayo nalang sa pinto at panoorin sila. Ang ganda ni Franz, bakit ngayon ko lang napansin? Ang ingay nila.. Ahh kaya pala, nakaturo kasi kay Franz yung bote. Nagiisip yung mga kaibigan niya ng tanong tas biglang...

"Franz, ano ba talaga kayo ni Renz?" oo nga, ano nga ba talaga tayo? Bestfriend lang naman e diba, may hihigit pa kaya dun?

"O ano na Franz? Sagot na. O eto nalang, may feelings ka ba kay Renz?" Napaisip ako dun. May feelings nga ba siya? Asa naman akong may gusto sakin yun. Bestfriend lang ang turing niya sakin no.

"Ano ba mga bakla. Wag kayong maingay jan, o eto na.. bestfriend ko lang si Renz" Ahh puta sabi na e. Ang sakit Franz <//3

"Pero.. di porket bestfriend ko siya e, wala akong feelings sakanya. Di ko alam kung bakit ako nafall sakanya basta bigla nalang may dugdug dugdug . Pero friend, mali ba? Mali ba na mainlove ako sa bestfriend ko?" 

Shet gusto ko sumigaw, lumabas agad ako dahil baka makita nila ko. Ang saya ko, sobrang saya. Parehas lang kaming takot aminin sa isa't isa. Atleast ngayon, alam ko na. Pano ko aaminin sakanya? Pano ko magtatapat? Natotorpe ako sa bestfriend ko. Pano ako magsisimula?

-- 

Grabe ang bilis ng araw. Tuesday na naman bukas, ang saya ng araw na to. Tinutukso nila ko dahil sa inamin ko. Sabi ko wag maingay e dahil baka malaman ni Renz. 10PM na gusto ko na matulog pero di naman ako makatulog. Umilaw yung phone at pagtingin ko si Renz, nagtext.

From: RenzPanget

Hoy panget! matulog ka na. Alam ko gising ka pa, binabasa mo pa kasi to e. Hahaha jk pero srsly matulog ka na para di ka lalo pumanget. See you tomorrow. Labyu panget

Ang timang talaga neto. Mapanlait masyado, hiya naman ako sakanya. Sinabihan niya ko ng 'Labyu' sus as a friend lang yan. Asa naman ako tsaka ayoko yung ganung spelling, para sakin kasi pag ibang spelling, walang meaning. Mas masarap pakinggan o basahin kapag sinabi niyang 'I love you' pero mas masarap sa pakiramdam e yung 'Mahal kita'. Pero wala e, LABYU daw e <//3

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!