Chapter 6 *I smell something fishy*

149 6 5

Chapter 6

*I smell something fishy*

Pagod na ko. Kakauwi lang namin ni Renz, hinatid niya ko. Grabe nagenjoy ako :) Sarap sa pakiramdam na meron kang bestfriend na lalaki parang di mo na kailangan ng boyfriend dahil nanjan naman ang bestfriend mo. Dati nga e, napagkamalan na magboyfriend-girlfriend  kami dahil daig pa daw namin magsyota kung umasta. 

Nakaligo na ko't lahat, nakahiga na ko. Matutulog na sana ko pero may tumatawag..

Unknown Number

+6392********

'"Yoboseyo? (Korean of hello when you'll answer a phone call)"

"Hello? Hello. Is this Franz?" Sagot nung lalaki. Di ko siya mabosesan  

"Neh (Korean of yes)" Sagot ko. Nagkokorean kasi ako kapag unknown number yung tumatawag. Malay mo sindikato pala to

"Yah chingu! Annyeonghaseyo, Franz" Aba, marunong pala to magkorean. Ano na sasabihin ko? Tagalugin ko kaya? Malay mo di siya marunong magtagalog

"Sino to? Ano kailangan mo?" Ayan tinagalog ko na. Tignan ko lang kung maiintindihan mo pa. Bwahaha >:)

"Bilis mo naman makalimot, Franz. Magkasama lang tayo kanina sa mall e. Duuh! it's me, Francis" Ay oo nga pala, binigay ko nga pala sakanya yung number ko. Boploks lang -___-"

"Uhh yea, right. I'm sorry. Bakit ka napatawag?" Mejo mahina yung boses ko kasi inaantok na ko

"Wala lang. Chinecheck ko lang kung gising ka pa" Napapapikit na ko. Inaantok na talaga ko, napagod kasi ako e

"Hello Franz? You still awake? Franz! Aw baka tulog ka na. Sige goodnight" Narinig ko pa yung sinabi niya pero di ako makapagsalita. Bagsak na kasi talaga ako e 

--

 Late na ko nagising. Mga 12PM, kapag wala kasing pasok late talaga ko gumigising. Sarap matulog e. Pag gumigising ako, cellphone agad ang hinahanap ko. Hawak ko na siya at may nagtext..

From: Francis

Hi Franz! Goodmorning. Sama mo, tinulugan mo ko kagabi pero okay lang, alam ko naman na pagod ka na e. Pwede ka ba ngayon? Tutal saturday naman 

Oo nga pala. Tinulugan ko siya kagabi. Magrereply nalang ako pero ano sasabihin ko?

To: Francis

Sorry Francis a? Napagod lang ako tsaka inaantok na kasi ako nun e. Ahehe sorry :) Wala kong gagawin ngayon, bakit?

*MessageSent

Wala pang 3 minutes, nagreply na agad siya. Bilis ah 

From: Francis

Yayayain sana kita. Kita tayo mamaya sa park, malapit sa school kung okay lang sayo :)

Agad agad? Pero sige tutal nabobored ako dito sa bahay. Wala kasi akong magawa, si Renz naman nagsabi sakin kagabi na may pupuntahan siya ngayon.

To: Francis

Sige. See you

--

Nandito na ko sa park. Wala pa si Francis, nagtext siya sakin kanina. Sabi niya papunta na daw niya pero hanggang ngayon wala parin. Baka naman pinagtitripan niya ko? Ahh gago siya pag ako pinagtripan niya. Baka ngayon pa lang, kailangan na niya humiram ng mukha sa aso. Nauuhaw na ko, ang tagal tagal nung Francis na yon. Buti may tindahan dito sa tapat kaya bumili ako ng softdrinks pabalik na ako ng park nang masulyapan ko si Francis. Shet ang pogi talaga, baby face. Omggg ang cute niya. Ang ganda ng porma niya ngayon. Nakakaturn on :">

**

A/N: Miss niyo na si Renz? Di ko siya pinasok ngayon para mabigyan ko naman ng halaga si Francis. Sino mas gusto niyo? Si Renz or Francis? 

Comment. Vote. Fan

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!