Chapter 5 *Da who?*

176 8 4

Chapter 5 *Da who?*

Nakwento na sakin ni Renz yung nakita niya. Naniwala na din siya sa mga pinagsasabi ko. Friday na ngayon, 10th monthsary na sana sila ngayon. Wala na sila, kahapon lang. Kaya imbes na magmukmok si Renz, dito sa bahay namin tumatambay. Close sila ng parents ko, akala nga ng parents ko kami e. Hay sana nga :<

"Franz, bakit ganon? Panget ba ko? Hindi naman diba? Nagkulang ba ko sakanya? Lahat ng gusto niya binigay ko pero bakit naghanap parin siya ng iba? Di pa ba ko sapat?" Pagddrama niya habang kumakain siya ng Nova. Hay kawawang Renz 

Si Renz kasi yung tipong seryoso sa babae. Sobrang sweet niya. Parang lahat nalang ng gusto mo sa lalaki, nasa kanya na.

"Hayaan mo na siya Choi. Malay mo di talaga siya para" Kasi bako talaga ang para sayo. Hay di ko maamin sakanya dahil baka masira ang friendship namin.

--

Nasa mall kami ngayon ni Renz. Niyaya niya kasi ako, ang boring daw kasi sa bahay namin. Naisipan ko bilhan siya ng damit or perfume kaya nagpaalam ako sakanya na hihiwalay ako sakanya sandali. Nagpunta ko sa Bench para tumingin dun nang bigla kong nakita si...

Si Francis. Nataranta agad ako nung makita ko siya, palabas na sana ko ng Bench pero may humawak sa braso ko... Si Francis 

"Hi Franzchene. Kamusta? Wala ka atang kasama. Sabayan kita, gusto mo?" Anong trip netong Francis na to?

"Ha? Ok lang ako, ika--" Napahinto ako ng bigla kong tawagin ni Renz

"Oy  Franz. San ka ba nagpupunta? Kanina pa kita hinahanap. Nagugutom na ko, tara kain na muna tayo." Nakaabay sakin si Renz nung sinabi niya sakin yun

Di ko na namalayan na nakahawak nga pala sa braso ko si Francis tapos nakaakbay sakin si Renz. Tangina haba ng hair ng lola niyo. Nyhaha

"Boyfriend mo?" Sabi ni Francis na para bang gustong gustong malaman

"Ha? Hindi ah. Bestfriend ko lang siya. Nga pala, Renz meet Francis" Pinakilala ko sila sa isa't isa pero parang ayaw ni Renz kay Francis

"Nice meeting you pare" Sabi ni Francis at nakipagkamayan pa kay Renz

"Sige Francis. Una na kami ha? Bye. Ingat" Yun nalang ang nasabi ko dahil naiilang ako sakanilang dalawa

"Sige. Ingat ka.. Ooops wait Franz. Ano number mo?" Nag grin siya. Bibigay ko ba number ko?

"092********" Umalis na agad kami ni Ranz. Di ko na pinatapos yung sinabi ni Francis

** 

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!