Chapter 4 *Hey I just met you*

161 7 0

Chapter 4

*Hey I just met you*

Ang boring ng Thursday. Buti nalang Friday na bukas then weekend na. Yeyy!! \m/

Papunta ko ngayon sa admin para kumuha ng slip. Ang lutang ko ngayon, ang dami kong iniisip. Pesteng Renz yan, pasalamat siya mahal ko siya pero di porket mahal ko siya papalampasin ko na yung mga sinabi niya sakin.

*Boogsssssh*

Nalaglag yung mga folder at papers na dala dala ko.

"Aray! Ano ba? Di ka tumitingin sa daanan mo" Pagsusungit ko sa nakabangga ko habang tumutulong sakin na pulutin yung mga papers. Hinimas ko yung balikat ko, ang lakas kasi ng pagkabangga e.

"Sorry miss. Di ko sinasadya. Di ka rin kasi tumitingin sa dinadaanan mo e." Okay na sana e, humble na siya e pero yung kasunod parang WOW HA?!!  AKO PA NGAYON?

"Aba! Loko ka pala e. Ikaw kaya tong di tumiti--" Napahinto ako sa mga sinasabi ko nang makita ko siya. Ang gwapo niya, ang tangad, maputi, mabango at  macho. Kita kasi yung dibdib niya e, basta ang hot niya. Ohh shit, ang manyak ko. Ahehe -____-V

"Uhh Franzchene Ramos? Franzchene? Huy miss" Natulala talaga ko sakanya. Ang lakas ng appeal niya, mala Daniel Padilla pero joke lang

"Ha? Ano sabi mo? Sorry. Tinatawag mo ba ko?" Narinig ko pa kasi na tinatawag niya kong Franzchene e. Pero pano niya nalaman pangalan ko? Ano kaya pangalan niya?

"Wala. Ang sabi ko, ang ganda mo kaso bingi ka. Sayang! Haha joke. Tinatawag kitang Franzchene. Nabasa ko kasi sa ID mo e. By the way, I'm Francis. It's such a coincidence, are names are almost the same." Aba kinindatan niya ko. Baliw ata to e. Ang sama niya. Ang lagay ako pa ngayon ang bingi? Kasalanan ko bang mastarstruck sa kanya? Pero infairness a, mukhang nabasa niya yung nasa isip ko.

"O-okay. Nice meeting you. I need to go, bye!" Mautal utal kong sabi. Nahihiya kasi ako. PBB Teens ba? Ganyan talaga buhay 

--

Uwian na at hanggang ngayon di ko parin pinapansin si Renz. Di talaga siaya nageffort para kausapin ako. Nagpunta ko sa locker ko para magiwan ng libro nang bigla kong nakakakita ng post it notes. Binasa ko "Franz, I'm sorry. Kita tayo please? I'll wait for you. Follow the post its :) -Renz" Sinundan ko yung mga post it na nakadikit sa pader. Meron pa nga nakalagay dun na "Pagod ka na ba? Don't worry malapit na" Nakarating na ko vacant room, binuksan ko at..

Nakita ko agad si Renz. May hawak siyang illustration board na nakalagay "I'm sorry, Franz" tapos punong puno ng balloons sa bawat corner ng room. Maliit lang yung room.  Tinignan ko lang siya at halata naman sa mukha niya na sincere siya.

**

A/N: Ano na kayang mangyayari sa friendship nilang dalawa? :)

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!