Chapter 2 *Paniwalaan mo ako*

214 6 0

Chapter 2

*Paniwalaan mo ako*

Wednesday na. Maaga akong gumigising pag may pasok. Mga 5AM gising na ko para maginternet. Di ba obvious na adik ako? Haha bale mga 6AM maliligo na ko kasi yung pasok ko 7:30Am

Nagtwitter ako at ikinagulat ko ang nakita ko...

Si Kim, yung girlfriend ng bestfriend ko..

Viniew ko kasi yung twitter ni Kim, nakita ko yung mga kalandian niya. Shit, sino si Dave? At bakit babe tawagan nila? Nacurious ako at dahil mahaba pa ang oras ko. Inistalk ko si Kim at yung Dave na kalandian niya. Viniew conversation ko para makita ko yung pinaguusapan nila.

'Goodmorning Babe! :*" Mention ni Dave kay Kim. At wow ha? may kiss emoticon pa. PBB Teens lang ang peg te?

'Huy ano ka ba, Dave. Baka may makabasa nito, patay na pag nabuking tayo' Oo, tama ka. May nakabasa na nga.. AKO! Tatanga-tanga kasi, uso kaya ang DM o di kaya magchat.

'Bakit kasi di mo pa iwan yung mokong na Renz na yun? Papasayahin kita Kim dahil mahal kita. Mahal na mahal.' Aba'y tarantado pala to e

So sila nga? Sino kaya tong Dave na to? Baka taga ibang school? Kailangan to malaman ni Renz. Di ako papayag na sinasaktan lang nila ang bestfriend ko.

Nagmamadali akong pumasok para salubungin si Renz at para sabihin yung natuklasa ko. Nandito na ko ngayon sa school. Pumunta agad ako sa gym para tignan kung nandun ba si Renz pero wala siya..

Ayun! Kita ko na. Nakatalikod pa lang, alam ko na siya yun. Style pa lang ng buhok niya alam ko na. Nandun siya sa locker area, kumukuha siya ng libro..

"Choi! Choi!" Hingal kong sabi, tumakbo kasi ako e para lang maabutan ko siya.

"Oy Franz. Ang aga aga pinagpapawisan ka na agad. Ano meron?"

"Si.. Si.. Si Kim" Di ko masabi, parang napaisip agad ako.

"Oh? Ano meron kay KIm? Naaksidente? Asan siya? Baka kailangan niya tulong ko" Alalang alala siya. Kung ano alam niya lang talaga yung kalokohan ng girlfriend niya

"Timang. Hindi, OA naman neto."

"Ano nga kasi? Pabitin ka e"

"Ano kasi Renz, may nabasa ko sa twitter niya. Niloloko ka lang niya Renz, tinatimer ka lang niya. Dave yung pangalan ng lalaki niya at babe pa yung tawagan nila"

"Franz naman. Alam kong di mo kasundo si Kim pero please lang, wag mo siyang siraan sa akin. Wag mo sirain ang relasyon namin. Di ganon si Kim, di niya yun magagawa. Mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako" Galit na gallit siya sakin. Ang tanga tanga ko, bakit ko ba kasi sinabi agad? Alam ko na, ipapakita ko nalang sakanya yung convo nila ni Kim at Dave

"Maniwala ka sakin, Renz. Paniwalaan mo ko, kailanman di ako nag sinungaling sayo. Alam mo yan" Pilit kong sinasabi sakanya yung totoo. Pero binalibag nila yung pinto ng locker niya at biglang sabi...

"Tangina Franz. Gago ka ba? Di mo na ko narinig? Di niya nga magagawa sakin yun. Bakit ba ang kulit kulit mo?" Iniwan niya ko dun na nakatayo sa tapat ng locker niya. Napaluha ako sa sinabi niya. Naiyak ako dahil sa tagal na naming magbestfriend, ngayon niya lang ako namura dahil kay Kim. Totoo naman kasi yung sinasabi ko e

"Gago ka ba?"

"Gago ka ba?"

"Gago ka ba?"

"Gago ka ba?"

"Gago ka ba?"

Paulit ulit kong naririnig yun sa isip ko. Naiisip ko parin yung sinabi niya sakin. Ang sakit, Renz. The way na murahin mo ko.. MASAKIT! <//3

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!