(KIDLAT) CHAPTER : 3

494 35 1

(KIDLAT) CHAPTER 3

--

Tahimik na pumasok sa sariling bahay si Kidlat, napabuntong-hininga siya dala ng katahimikan maging sa paligid na wala siyang tanging nakikita maliban sa mga plano niyang nakakalat sa sahig.
"My life is empty!" Bulong ni Kidlat sa sarili, sa isipan naalala ang kasalukuyang kaarawan ng lolo Ignacio niya sa Cebu, wala siyang balita dito maging sa mga kapatid na dumalo, pinili niyang mapag-isa sa isang sulok ng bahay niya kong saan karamay ang ilang bote ng red horse ang kanyang naging sandalan sa nararamdamang kakulangan mula sa pamilya.

"Ano plano mo?" Tanong ni Lanie kay Trina habang pinagmamasdan ang kapatid nitong si Johan, maagang nakatulog dahil sa sama ng pakiramdam.
"Hindi ko alam Lanie, isa lang alam ko kailangan niya nang gumaling, magpalakas ulit." Mahina niyang sagot sa kaibigan ko para sa lumulubhang kalagayan ni Johan dahil sa sakit nito sa puso na mula n'ong maliit pa lang siya nilalabanan niya na.
"Paano mo magagawa 'yan kong kapos ka? kong wala kang mapagkukunan ng pera para sa mga gamot niya." Umiwas ito ng tingin binaling sa larawan ng mga magulang niya sa tabi ng higaan nila ng kapatid.
"Bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho para kahit papano makatulong para sa buwanang gamutan niya, check-up." Tugon ni Trina sa kabila ng takot niyang iwan ang kapatid mag-isa sa maliit nilang bahay lalo pa't may peligrong mapapaalis sila sa lugar na 'yon oras na magmatigas ang intsik na may-ari ng lupa lalo na pag muling bumalik ang engineer na binatang nakilala nila ng kapatid ang binatang ayaw niya nang makita pa.

"Sir, magandang gabi ho." Bati ng mabait na sekretarya ni Kidlat nang sagutin niya ang panglimang tawag nito.
"Nakainom ako, Daisy!" Bungad ni Kidlat.
"Sir, hindi ho ako si Daisy nagresign na po siya nakaraang buwan pa." Inis na sagot ng dalagang kanang-kamay niya.
"Sabi ko naman sa'yo nakainom ako, Meryl." Muling subok ni Kidlat nagbabasakaling tumama ang pangalan na tinawag niya sa kausap, napabuntong-hininga ang nasa kabilang linya.
"Sir hindi ho ako si Meryl, matagal na pong umalis 'yon."
"Okey, okey! What you need Becky?" Isang subok ng binata sa katotohanang sa dami ng umalis o mas tamang sabihing pinaalis niyang sekretarya hindi niya matandaan ang pangalan ng kausap,  Napasinghap sa hangin ang dalaga sa pangatlong pagkakamali ng amo sa mga pangalang binanggit palibhasa ilang sekretarya na nito ang dumaan sa kamay matapos 'di nito tinutugon ang pag-ibig ng mga ito sa kanya pinagreresign niya ng kusa.
"I'am Josie, your two weeks secretary Mr. Marundon." Pagtatama ng dalaga.
"Ow, hi Josie! may kailangan ka baby?" Pang-uuyam ni Kidlat sa dalaga.
"I call you sir para sa update tungkol sa birthday ng lolo Igniacio, niyo sa Cebu." Tumahimik si Kidlat pagkarinig sa pangalan ni Don Ignacio.
"Oh! what's happening there?" Walang emosyong tanong ng binata biglang nagbago ang timola.
"Nag-iisang apo niya lang ang dumalo sa birthday niya."
"Si Thunder?" Aniya ni kilat 'di na pinatapos ang sekretarya.
"Walang iba," Aniya nito.
"Thankyou, alam ko naman kahit 'di mo sabihin, Thunder will always there for don Ignacio!"
"For your lolo, Sir!" Pagtatama ng kausap sa tawag niya sa sariling lolo.
"Okey lolo, masaya na?" Aniya ng binata hindi tumugon ang sekretarya sa naging tugon niya dito alam niyang kilala na siya nito lalo na ang pagiging sarcastic niyang tao pagdating sa usapin tungkol sa tunay na pamilyang tinakasan na iilan lang ang nakakaalam.


Maaga pa lang ayos na si Trina para sa paghahanda sa gagawing subok sa paghahanap ng trabaho.
"Ate, aalis ka?" Tanong ng bagong gising na si Johan, nilapitan niya ito umupo ito sumandal sa headboard ng higaan nila inayos ng dalaga ang bonet ng kapatid maging ang jacket nitong nakabalot dito.
"Maghahanap ng trabaho si ate," Maiksing tugon ng dalaga.
"Baka makikipag-away ka lang?" Tukso ng kapatid sumimangot si Trina, kiniliti ito.
"Hindi makikipag-away si ate, talagang maghahanap ako ng trabaho."
"Anong trabaho naman ate?" Kunwaring nag-isip ang dalaga.
"Manager!" Mayabang niyang sagot dito.
"Niloloko mo naman ako ate, hindi pweding manager ka agad kailangan dadaan ka muna sa mababa dahil walang manager na 'di dumaan d'on." Animo matandang tugon ng kapatid napangiti si Trina sa pagiging matured ng nakakabatang kapatid sa murang edad alam na nito ang reyalidad.
"Basta magtiwala ka magiging manager si ate," 'ika ni Trina dito buo ang loob.
"Sigi na ate, umalis ka na."
"Okey ka lang ba dito?"
"Dating gawi ate, kakain, mag-aayos, magpapahinga, kakain ulit at hihintayin ka." Masiglang sagot nito tumayo si Trina kasabay ang malalim na buntong-hininga labag man sa loob niyang iwan ang kapatid mag-isa kailangan niya, kailangan niyang makalikom ng sapat na halaga para maipagamot ito.
"Paano ba 'yan! aalis muna ako." Paalam ni Trina dito sumaludo ang kapatid sa kanya bumalik si Trina para halikan ang nuo nito.
"H'wag kang lalabas! at h'wag na h'wag kang..."
"Makikipag-usap kahit kanino," Agaw ni Johan, natawa si Trina rito muling hinalikan ang kapatid bago umalis pagkatapos ibilin lahat ng kakailanganin nitong hinanda niya na.

"Kamusta schedule ko?" Tanong ni Kidlat sa dalagang sekretarya.
"Hindi mo ba muna kakamustahin birthday ng lolo mo?" Pag-iiba nito ng usapan 'di nagtaas ng tingin si Kidlat nanatiling nakatuon ang tingin sa isang sketchpad.
"Nasabi mo na kagabi dapat mong sabihin, Josie." Ani nito pumalakpak ang dalaga.
"Mabuti naman sir tumama na ang pangalan ko." Tumatawang sagot nito gumanti ng maluwag na ngiti si Kidlat dito.
"By the way! nakapaskil na pala sa labas ang kailangan niyong staff dito sa opisina." Tumango-tango si Kidlat.
"Thanks, for doing all that, Josie." Tugon ng mabait na binata, nagpaalam ang dalaga para sa kailangan na nitong gawin.

"Wanted office staff apply inside." Napangiti si Trina sa sarili kumpyansang makakakuha ng trabaho sa araw na 'yon taas nuong pumasok siya sa gusali matapos ayusin ang sarili.
"Goodmorning," Magiliw na bati ng dalaga sa babaeng nakaupo sa isang mesa nakaharap sa laptop nito.
"Yes?" Pinasadahan s'ya ng tingin nilabas ng dalawa ang isang brown envelope 'di natanggal ang ngiti sa labi para sa kaharap.
"Aplikante po," Tugon ng dalaga sabay bigay ng documents niya dito pagkatapos suriin ang laman may tinawagan ito sa telepono.
"Sir, we have first applicant here." Aniya nitong nakangiti sa kaharap.
"Okey sir," Binaba na nito muli siyang hinarap.
"Pasok ka na raw for interview."
"Agad?" Nagtatakang tanong ni Trina kasabay ang takot na nararamdaman sa interview na sasabakan nito.
"Maswerte ka, una kang aplikanteng nag-apply dito kaya pag sinewerte ka pa baka matanggap ka." Pagpapalakas loob ng nagpapakilala sa kanyang sekretarya, muling inayos ni Trina ang sarili sa isang maliit at lumang salaming lagi niyang dala-dala matapos magpulbo at nagpahid ng lipstick tumalima siya sa tinurong opisina ng dalagang kausap.
Taas nuong pumasok si Trina, agad niyang napansin ang isang lalaking nasa harap ng water despenser tumikhim siya, kasunod ang paglingon ng binatang biglang natigil sa pag-inom pagkakita sa kanya.
"IKAW!"
"Ikaw?" Nasambit nilang sabay puno ng pagkabigla ang mga mukha.
"Anong ginagawa mo dito? sinusundan mo ba ako?" Sunod-sunod na tanong ni Trina sa lalaking kaharap sabay lapag ng envelope niya sa lamesang nasa harap.
"What are you doing here in my office?" May diing ganting tanong ni Kidlat dito, lihim na napalunok ang dalaga ang lahat ng kumpyansa sa sarili biglang naglaho sa nalamang ang lalaking kinaiinisan niya ay ang may-ari ng opisinang inakala niyang magbibigay sa kanya ng trabaho tumayo siya ng tuwid sa ikatlong pagkakataon matapang niyang hinarap niya ito.
"Hoy, mister! kong alam ko lang na opisina mo 'to hindi ako papasok dito at hinding-hindi ako mag-aapply dito dahil 'di ko maatim na makakasama ka sa apat na sulok nang opisinang 'to! I'm going to RESIGN!" Malakas na sigaw ni Trina sa kaharap tumawa ng malakas si Kidlat sa dalagang halos maputol na ang litid ng mga ugat sa galit nitong nakikita niya.
"Ms. Dragona, hindi kami naghahanap ng clown so you don't have to resign! because you are FIRED!" Ganting pang-iinis ni Kidlat sa dalagang gigil na gigil sa kanya, muli nitong kinuha ang envelope sa mesa buong lakas na sinampal sa braso ng lalaking hindi maawat sa kakatawa.
"Sira-ulo!" Angil ni Trina galit na galit bago tuluyang nagmartsang umalis malakas na sinirado ang pinto ng opisina ng binatang walang impit sa pagtawa.

---

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!