Chapter 1 *Ano nga ba ako sakanya?*

297 6 0

Chapter 1

*Ano nga ba ako sakanya?*

 "Renz! Ano ka ba? Tigilan mo nga ako, nakikiliti ako. Renz.. Uy Renz" Sabi ko sa bestfriend ko habang kinikiliti at kinukulit ako.

"Hahaha. Ayoko nga" Sabi niya sakin na habang nageenjoy sa pangingiliti sakin

"Di na ko makahinga, Renz. Sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Tama na" pilit kong pinipigilan siya. Sobrang sakit na kasi talaga e, di ako makahinga sa kakatawa

"Wala, akala ko ba kaya mo ko? Pikon ka talaga" Sabi niya sakin nung tinigil na niya ang pagkiliti sakin

Ako nga pala si Franzchene Ramos. Franz for short. 15 years old na at graduating na. Yung kaninang kakulitan ko, bestfriend ko yun. Siya si Renz Chad Cruz. Minsan tinatawag ko siyang Choi kasi nung bata siya sobrang taba niya. Batchoi ba ahehe. Since grade 6 kami, bestfriend ko na siya. Tagal na no? Jusko kahit siguro umutot yun alam ko na kagad na siya yun. Halos bilang ko na nunal nun sa buong katawan.

*Naalala ko pa 

Nung nililigawan pa 

Lamang kita 

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong

Mga ngiti

At Ika'y sasabihan 

Bukas ng alas siyete sa dating 

Tagpuan

May tumatawag, halos mataranta na ko. Di ko makita yung phone ko. Sinundan ko yung tunog... Ayun! Nandun pala sa bulsa ng palda ko na nakalagay na sa laundry basket. 

Si Renz, tumatawag. Sinagot ko agad

"Hello Choi"

"Franz, may tatanong ako" Shet ano kaya tatanong niya? Sasabihin niya din kaya na may gusto siya sakin? Ugghh mali mali, ano ba tong pinagiisip ko? Bestfriend ka lang, Franz! BESTFRIEND!

"Sure. Ano yon?"

"Monthsary kasi namin ni Kim sa Friday. Saan kaya siya magandang dalhin? Anong magandang regalo? Dali, tulungan mo ko. Babae ka rin naman e, ano sa tingin mo ang gusto niya?" AHH Monthsary. Parang may tumusok sa dibdib ko, ang sakit. 

"Libre mo nalang ng mga isaw sa kanto" bigla kong nasabi yun na di ko sinasadya

"Ano ka ba, Franz. Isaw? Ayos ka lang?" Sinigawan niya ko. Mukhang galit siya, halata kasi sa boses niya. Seryoso kasi talaga siya kay Kim e <//3

"Sorry. Sa iba ka nalang magtanong. Sige bye!" Binaba ko na kasi di ko na kaya. Puro nalang Kim ang bukambibig niya. Ang sakin kasi pag yung mahal mo, may ibang mahal.

Ang hirap mainlove sa bestfriend mo. Di ko alam kung bakit ako nafall sakanya, siguro dahil nasanay ako na nanjan siya lagi sa tabi ko para ipagtanggol ako, para damayan ako pag mag malungkot ako.

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!