B

959 40 5

2019

Paris


Katatapos lang ng kasal ni Rhian. Kasama ang buong pamilya, Daddy nya at ang bagong asawa ng Daddy nya. Pamilya ng kanyang asawa. Matapos ang ilang taong puro pasakit at iyak. Nahanap nya rin ang taong nagpangiti sa kanya. Nagpasaya ulit, nabigyan sya ng dahilan para umibig ulit at maging buo ulit. Natawa nga sya kasi buong buhay nya nasa harapan lang nya ang taong natadhana para sa kanya, hindi nya lang talaga napagtanto yun hanggang sa isang gabi, umamin ito sa kanya na matagal na sya nitong mahal at pinilit nyang itago ang nararamdam. Sabi na pa nga nya "hinintay ko talaga ang pagkakataon na maging buo ka ulit bago ko sinabing mahal kita. Dahil kapag umamin ako sayo, pinangako ko na hinding hindi na talaga kita bibitawan at hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba at saktan ka ulit. Deserve mo ang sumaya. Mahal na mahal kita Rhi, sana hayaan mo na ipadama ko sayo ang mga dapat at tama na hindi pinadama sayo ng nakaraan mo. Bigyan mo ako Rhi ng pagkakataon." Napapangiti na lang sya kapag naalala nya yun, aminado si Rhian na matagal na silang magkaibigan ni Bianca, pero hindi nya talaga inaasahan na ganon pala ang nararamdaman ng kanyang kaibigan at ngayon ay legal na nyang asawa.

"Hi Mrs. King?" Pabirong turan ni Nadine kasama si Mommy Clara at ang kanilang Daddy.

"Congrats Yoyon ko." Maluha luhang yakap ni Mommy Clara sa anak na napagkaganda sa kanyang suot na wedding gown.

"Thanks Mommy. Dad..."

"Finally, I'm happy for you my Yoyon." Sabay pahid ng luha ni Daddy nya.

"Deserve mo to Sis, lahat nang 'to. Congrats! Lagi mong isipin na andito kami. Ano man ang resulta ng pinili nyo ni B, andito kami." Akbay sa kanya ni Nadine.

"Ehem!" Si Bianca kasama din parents nya.

"Ops! Sorry inagaw namin si 'Mrs. King' Congrats B!" Biro ni Nadine at niyakap ang sister-in-law.

"Salamat Nads, Tita Clawa.." Yakap nya din kay Mommy.

"Mommy. Wag na Tita."

"Sorry, Mommy Clawa.."

"Enough with Tito, Dad is better." Singit ni Daddy Gareth at niyakap si Bianca. Ganon din si Rhina sa parents ng kanyang asawa.

"Family picture!" Suggestion ni Ma'am Darlene. At tuwang tuwang sinunod naman ng pamilya Howell at King.

"Best Wishes!" At click!


Imbitado ang lahat ng kaibigan nila Rhi at Bianca. Mula sa dalawang network, napuno ng artista ang buong venue. At nakarating na din sa Pinas ang balitang kinasal na sila ni Bianca. Marami ang nagulat sa kanilang relasyon, dahil lumabas din sa balita na si Glaiza daw ay nag-out na at nasabi ng aktress na naging kasintahan nya si Rhian ng ilang taon pero patago. Sumuko daw si Rhian dahil kasalan nya rin. At lubos ang kanyang pagsisisi. Napanood yun ng buong Howell ang interview ng network kay Glaiza. Hinabol din si Rhian ng press para humingi ng komento pero tahimik sya. Ayaw na nyang dagdagan pa at respeto na din kay Bianca dahil nagsisimula na sila noon ng kanilang relasyon.

Ilang beses ding humingi ng pagkakataon si Glaiza sa kanya, pero tinalikuran nya ito. Naaalala nya ang mga masasakit na panahong halos durog na durog sya pero wala lang yun kay Glaiza, naging kampante sya na mamahalin sya ni Rhian kahit anong mangyari. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Rhian ang sakit dahil nga halos ang buong oras ni Glaiza ay sa lalaking napapabalitang kasintahan nya. Ilang beses na dineny ni Glaiza na may relasyon sila ng lalaking yun, pero isang pangyayari ang hindi inaasahan ni Rhian, nahuli nya ang dalawa sa isang bar sa Siargao na naghahalikan. Nasaktan sya at napahiya dahil alam ng mga nandoon kung ano sya ni Glaiza.

Nakadama sya ng pagod. Anim na taong pagtatago at hindi pagsuko sa kanilang relasyon, pero napuno sya. At dumating ang araw na sya ay talagang bumitaw na.



"Babe? Okay ka lang? Pagod ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" Pagpukaw ni Bianca sa diwa ni Rhian.

"Huh? Okay lang ako, sorry. May naalala lang..." Hawak nya sa kamay ng asawa.

"Naalala mo sya?" May himig na lungkot sa boses ni Bianca.

"Hindi. Hindi lang ako makapaniwala. Sa ganito. Sa kasal. Sa lahat."

"Sure ka? Alam ko na—"

"Babe, please. Alisin mo sa isip mo yan. Okay?Iyong iyo ako. At masaya ako sayo, sa pagmamahal mo at masaya akong ito na tayo. Isa na. I love you, my King." Sabay halik kay Bianca at tilian ang mga nandon.

"I love you most, Mrs. King." At hinawakan ang tyan ni Rhian, inuna nila ang procedure bago ang kasal. Yan ang plano nila noon pa. Ngayon ang hihintayin naman, ang mga nagagandahan o mga gwapong anak nila.





Morning! ☺️

Kung Paano Sya NawalaRead this story for FREE!