"You're worth the fight, right? Hindi mo ako sasaktan, di ba Cy? Iniwan ko na si Andy.. Sinaktan ko na siya.. Sana naman maging masaya na tayo.. Ang dami nang nasaktan eh.."

--------------------

Nof's Point of View

"Nof?"

Ugh! Kainis talaga yang Guzman na yan! Aalis na nga siya bukas tapos hindi pa niya sinasabi sa kanila. Ano ba gusto niya? Ako pa magsabi?? Ano ako? Spokesperson nya?? Kapal lang, please!

"Nof!!!"

"What?" Kainis naman 'tong si Kim, nag iisip ako tapos bigla na lang akong itutulak.

She pouted, "kasi naman, ngayon na nga lang tayo ulit magbobonding tapos spaced out ka pa. Kainis."

I rolled my eyes, "daming alam. Besides, ikaw nga jan ang busy lagi jan sa Clarence mo tapos ako pa sinisisi mo. Tss."

"Eeeh! Boyfriend ko naman kasi yun eh. Hehe," tapos kumuha na ulit siya ng black pumps, "anyways, ano ba kasi yung iniisip mo? Share naman," sabi niya habang tina try yung pumps.

Sasabihin ko ba kay Kim? Ugh! Kainis talaga! Bakit ko ba kasi pino problema yun? As if naman hindi babalik yun. Babalik daw siya di ba?? Tsaka uso pa ba ang despedida? 

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!