(KIDLAT)CHAPTER 2

547 32 1

K : 2

---

" Ate!" agad na napatayo si Trina nang marinig ang boses ng kapatid, sunod-sunod na napalunok ng malingunan niya ito puno ng pag-aalala ang mukha nito.
"Nakikipag-away ka na naman ate?" muli siyang napalunok hindi alam kong paano malulusutan ang tagpong nasaksihan nito naramdaman niya ang binatang tumayo sa likuran niya.
"H-hindi Johan! a-ah kasi ah!" lihim na napakamot sa batok ang dalaga napatingin sa kaibigan naghahanap ng tulong.
"Ano 'yong nakita ko ate? siguro inaaway mo siya?" tinuro nito ang nasa likuran niya singkit ang mga matang napalingon si Trina sa binatang nakatingin ng mariin sa kanya.
"Yes! tinulak niya ako." aniya nito mas lalong dumilim ang mukha ni Trina sa naging sumbong nito kay Johan.
"NO! nagkakamali ka hindi kita tinulak!" angil ng dalaga sa binatang gusto niya muling sugurin.
"Ate, 'diba nangako ka na sa'kin?" muling angil ni Johan, napabuntong-hininga si Trina nilapitan ang kapatid.
"Johan, hindi nga nakikipag-away si ate tanungin mo pa sila." tukoy ni Trina sa ilang kabaranggay nilang sabay-sabay na tumango.
"E, sino siya?bakit nasa ibabaw ka niya?" tanong nito sabay turo sa binatang naging asungot sa araw niya.
"Teka! E, sino ka nga ba naman?" muling lingon ng dalaga sa binata nang maalalang hindi nga naman niya ito kilala.
"Ako si Engineer Kidlat Marundon." Pagpapakilala ni Kidlat sa dalaga kasabay ng paglahad ng palad niya sa harap nito.
"Ang baho ng pangalan mo!" ani ni Trina natatawa nagkasyang tiningnan ang kamay ng binata.
"I'm Johan Vasquez and this is my ate Trina." ani ni Johan tinanggap ang kamay ni Kidlat sabay siko sa kapatid na patuloy na tumatawa.
"Mabuti pa ang bata alam ang formality!" angil ni Kidlat sa dalawang lihim pa ring natatawa sa pangalan nito.
"Formalin lang alam ko at kong hindi kayo aalis dito gagamitin ko 'yon sa'yo." tugon ng dalaga sa sinabi nito.
"See! Inaaway talaga ako ng ate mo." sumbong nito kay Johan, liningon ang dalagang may nandidilat na mga mata.
"Ate, your manners naman!" saway ng bata sa kapatid tumigil si Trina, hinarap ng pormal ang binatang nagpakilalang Kidlat.
"Let's go Johan! 'diba sabi ng nanay 'di tayo makikipag-usap sa mga taong 'di natin kilala!" 'ika niya muling tiningnan ng masama ang lalake.
"At nangako ka kay nanay na 'di ka na muling makikipag-away pa." suway nito napasimangot si Trina sa ginawang panenermon ng kapatid sa kaharap nila.
"Salbahe kasi siya!" 'di napigilang sagot ng dalaga.
"ATE! matanda ka na dapat hindi ka na nakikipag-away!" ani ni Johan, walang nagawa si Trina kamot-ulong tumalikod sa mga ito sa 'di magawang pagsuway sa panenermon ng kapatid. sinundan ng tingin ni Kidlat ang dalagang natalo ng kapatid sa kabila ng tapang na ipinakita nito kanina.
"Pasensiya ka na sa ate ko matigas lang ulo n'on pero mabait 'yon, manliligaw ka ba niya?" anito sa binatang biglang natawa sa tanong niya.
"Mabuti pa sundan mo na si dragona baka magliyab bahay niyo bumuga ng apoy 'yon galit e." pag-iiba ni Kidlat sa tanong ng bibong bata sa harap niya sinundan niya ng tingin ang kapatid at muling binalik sa binata.
"Sigi! baka nga magbuga ng apoy kawawa naman, ingat ka kuya." Mabait nitong sabi sabay tumalikod matapos magpaalam sa kanya, sinundan ng tingin ang magkapatid bago muling nakipag-usap sa ilang taong nand'on.

"Hindi mo ako dapat pinagsabihan sa harap ng mayabang na 'yon!" mahinang sabi ni Trina sa kapatid naka-kibit balikat.
"Mukha naman siyang mabait."
"Hindi mo siya kilala," giit ni Trina sa nakababatang kapatid.
"At hindi mo rin siya kilala ate." tinanggal nito ang nakakibit balikat niyang kamay hinarap siyang nakangiti.
"Ate, masama manghusga sa isang taong 'di natin kilala pareho."
"At masama magtiwala agad sa taong tulad ng sinabi mo na 'di natin parehong kilala." tumalikod si Trina, iniwan ang bunsong kapatid sa maliit na sala nila, naisip niya kong alam lang siguro ni Johan ang totoong pinaglalaban niya tungkol sa lupang kinatatayuan ng mga bahay nila na gustong sirain ng mga lalakeng nakaharap kanina lalo na ang engineer na 'yon na sa hinuha niya ang siyang magiging inhinyero sa ipapatayong condo.
"Ipaglalaban ko karapatan namin sa lupang 'to dito kami iniwan ni mama at papa tulad nila dito lang kami mamatay."

"Sir Kidlat, nagpatawag ng meeting si Mr. Chong Go," ani ng sekretarya ni Kidlat napabuntong-hininga siya sa salubong nito tungkol sa may-ari ng lupang pinuntahan niya kanina lang.
"Ano na naman kailangan ni Ung Goy?" Angil ni Kidlat napalingon sa paligid ang dalaga.
"Sir, baka may makarinig sa'yo." Anito natawa si Kidlat, sa takot sa na nakita sa mata ng sekretarya sa tawag niya sa chinese bussiness man ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya.
"Okey, what is all about?" Tukoy niya sa meeting na tinutukoy nito.
"Tungkol raw sa lupa niya sa Villa Ezperanza," Nagtaas ng tingin si Kidlat sa lupang tinukoy nito ang lupa kong saan nakatira ang dalagang pinakilala sa kanyang Trina nang kapatid nitong si Johan.
"Bakit daw?"
"Kong magmamatigas pa rin daw ang mga residente don mapipilitan si Mr. Chong Go na idaan sa santong paspasan ang pagpapa-alis sa kanila at walang makukuhang kahit na cinco mula sa kompanya." walang prenong balita nito sa kanya tungkol sa maitim na plano ng matandang tsinoy, nagmadaling tumayo si Kidlat may kailangan siyang balikan sa lugar kailangan niya itong kausapin sa santong dasalan kilala niya si Mr. Chong Go alam niya kong gaano ka walanghiya ang intsik na 'yon.
"Sir Kidlat, sir!" napasinghap ang dalaga sa biglang pagtalikod ng amo niyang may katigasan ang ulo pero may puso sa trabaho.

"SINO YAN!" sigaw ni Trina sa pag-aakalang si Dina na naman ang kumakatok ng malakas sa pinto nila.
"Sanda---lii, ikaw?" Nagulat ang dalaga sa napagbuksan walang iba kundi ang lalakeng kanina lang kasagutan niya sa suot nito halatang nakapag-ayos na ang binata.
"Kailangan natin mag-usap."
"Ano na naman ba kailangan mo? ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa dito sa pamamahay ko." Galit na bulyaw ni Trina sa binatang hindi niya nakuhang papasukin sa bahay nila.
"Hindi ako nandito para makipag-away sa'yo."
"E, ano ang kailangan mo? kilala ko mga mukhang 'yan mister kong nandito ka para manligaw sa'kin pagkatapos mong makuha ang pangalan ko, pwes! makakaalis ka na wala kang lugar sa puso ko!hindi ako basta-basta nagpapaligaw lalo na sa katulad mong hambog!" napakunot-nuo si Kidlat sa naging paratang ng bugwit na dalaga para sa kanya, bigla siyang natawa ng makabawi sa akusasyon nitong manliligaw siya dito.
"Okey ka lang? baka naman kailangan mo ng kape para kabahan ka! ikaw? ako? manliligaw sa'yo?" Nakaramdam ng pamumula si Trina sa naalalang sinabi niya sa binatang liligawan siya nito, pinagmasdan niya ito ng muli itong yumuko para magpantay silang dalawa napahawak siya sa dahon ng pinto para makaiwas sa mata nitong maganda ang pares aminin niya man o, hindi samahan pa ng nakakaakit nitong ngiti.
"Miss Dragona, hindi kita type!" bulong ni Kidlat sa punong teynga ng dalaga sabay pinakawalan ang pinong tawa sa harap ng mukha nito. Isang sampal ang pinakawalan ni Trina.
"Mister Antipatiko, suplado, mahangin, mayabang! hindi rin kita type!" bulyaw ng dalaga sa harap nito bago muling sinirado ng malakas ang pinto nila.

----

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!