Trey's POV

Nandito ako sa bahay ni Clair.

Oo, bahay niya. May nakalimutan kasi siya sa bahay ko na libro, naiwan nya kasi saken nung hiniram ko. Dinala lang ni Dannica sa school para mabalik ko na sakanya, tinawagan ko kasi siya kaninang umaga na hanapin kasi nakalimutan ko sa bahay kaya dinala niya.

"Trey!" sigaw ni Clair nang nasa hagdan na siya

"Clair!" asar ko sakanya

"B-bakit nandito ka?"

"Masama ba?" sabi ko sakanya

"Hindi naman. Pero bakit nga?" tanong nya parin

"Nakalimutan ko kasi ibalik sa- Bakit nandito yan?" tanong ko sakanya tapos turo dun sa transfer student sa school.

"A-ano bumisita l-lang" nauutal niyang sabi

"Ba't nauutal ka?"

"Ba't ba nandito kapa! Lapag mo na lang yung libro dyan sa table at umalis ka na, may gagawin pa kami."

Nakita ko namang nagsmirk saken yung katabi niya at umakyat na.

"Ano bang nagawa ko at pinagtatabuyan mo ako!?" ngayon ako naman ang nagtaas niyang boses

"Dun ka na lang sa Dannica mo!" nagulat ako sa sigaw niya, pero nakita kong nagulat din siya

"Malamang dun talaga ako! Dun siya nakatira sa BAHAY ko eh." at pinagdiinan ko talaga yung word na bahay. Hindi ko alam pero may part saken na yun ang gustong sabihin

"Edi dun ka! Magsama kayo!" inis na sambit niya

"Talaga! Dun talaga ako sa KAPATID ko." natigilan siya nung sinabi kong kapatid ko

"A-ano sabi mo?" tanong niya

"Narinig mo ba?" tanong ko ulit

"Oo-" pinutol ko yung sasabihin niya

"Narinig mo naman pala pero bakit pinauulit mo pa?" sabi ko sakanya

"Patapusin mo kasi muna ako! Oo narinig ko. Pero paano mo naging kapatid yung Dannica?" tanong niya saken

"Dannica Allyson Brilliantes. SIya yung batang kapatid namin ni Aubrey. Na kakausap mo naman siya diba?" tanong ko sakanya, ang alam ko kasi nakakausap siya ni Dannica

"Ba't ang tanga ko! Hindi ko naisip yun! Aist!" sabi niya sa sarili niya pero narinig ko pa rin.

"Alis na ako ah. Baka maistorbo ko pa kayo nung lalaking yun! Tss." Ewan ko kung bakit naiinis ako dun sa lalaking yun. Kanina pa yun sa school.

Clair's POV

Nakaalis na si Trey.

"We're home!" Rinig ko mula sa pintuan

"Tita Shanelle!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta sakanya

"Musta na Clair?" Maligalid na bati niya

"Okay lang po ako. Si Tito po?" Tanong ko nang mapansin kong wala si Tito

"Nandun sa labas kinukuha yung bagahe namin." Sabi niy at tinuro at paparating na Tito ko

"Mukhang ang saya nyo po ngayon ah."

"Nako! Oo naman Clair! Sinabi mo pa! Ang saya sa HongKong!" Nakangiting sabi niya

Nang malapag na ni Tito yung bagahe lumapit ako dito at tinanong kung anong kailangan niya

"Kape na lang." Sabi niya

"Manang! Kape daw po!" Sigaw ko

"Tita! May papakilala po ako sainyo." Sabi ko kay tita at umakyat ako sa kwarto ko.

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!