Chapter 6 - Pagkalito

Start from the beginning
                                    

"Wala tayong base guitarist then, walang drummer at pianist. Haaays," si Lhouiggy.

"Kaya nga, alam natin 'yon eh. Pag chagaan nalang muna. This is what we have. Kailangan dalawa ang guitarist eh. Kaya di pwede ang piano muna," pag eexplain ni Amethyst.

"ok, what can I do?" sumuko na si Mitzy. Si Mitzy at Amethyst ang main vocalist, si Crysthal guitarist, si Lhouiggy ang pansamantalang drummer at si Charlemaign vocalist at bass guitarist.

"Mag organ kana," kanina pang tahimik si Charlemaign, sa wakas nagsalita narin, "ako na bahala sa guitar, kaya ko na," naka yuko sha habang nagtitipa ng gitara.

"Are you sure?" Si Lhouiggy.
Tango lang ang sinagot ng kausap kaya nagtinginan sila at nagpatuloy na sila sa pag pa practice.










💞💜💞💜💞💜💞

"Di ka pa ba nag sosorry kay Charlz?" Bungad ni Mitzy sa bestfriend habang nag aayos ng gamit. Three weeks nalang kasi at paligsahan na, 1 week stay sila doon bago ang paligsahan para makilala ang mga makaka laban nila. Kahit daw kasi grupo kayong maka sali, may score din bawat isa dahil hihiwalay ng klase depende sa talento at enchanted gift.

"What? Ako pa ba ang mag sosorry?" Nguso ni Amethyst. Di ko na nga maintindihan mga nangyayari?! Ni hindi ko alam mga powers ko! Ayoko nga nito eh! Tapos ngayon ako pa mag sosorry? Naisip nya.

"Hmmm, kinda," pag kuha nya ng libro sa isa sa mga book collections ni Amethyst, "ano kaba! Two weeks na and you haven't said a word to each other. Ni hindi kayo nag kikibuan kahit mag kasalubong. It's like none of you exists pag nag kita kayo and to think we're on the same house," as usual, reasonable naman si Mitzy.

"Oo nga tama naman ate Yze, mauna kanang makipag usap," si Crysthal naka tanaw sa bintana, sa favorite spot ni Amethyst.

"Someone's coming," si Mitzy.

"Pano mo ---"

"I don't know," sagot nya agad sa tanong ni Crysthal, " I just know," ngiti nya.

"Knock-knock," napalingon sila sa nagsalita sa may door.

"Aheeeeem," ngumiti si Mitzy, "see?" Tumayo sha mula sa pagkaka upo at sinenyasan ang kapatid, "c'mon, istorbo lang tayo dito. Aayusin daw nila ang L.Q. nila," pang aasar nya.

"MITZY!" nangingiting saway ni Amethyst na hahablutin sana ang bestfriend na mabilis na nakaiwas at nakatakbo palabas ng room na tawa ng tawa.

Naiwan ang gwapong si Charlemaign na naka ngiti at naka titig ang maamo at very expressive eyes nya sa bestfriend. Matangkad sha at maganda ang pangangatawan. Clean cut ang wavy brown hair nya na nababagay sa maputi nitong kutis. Bilugan ang mukha na may matangos na nose, makakapal na kilay at medyo kakapalan na lips.

For a time nalabanan nya ang titig ng mga mata nito. Pero nauna din nagbaba ng mata.

"Don't look at me that way. Baka matunaw ako," tensionado na si Amethyst, ramdam nya na sha ang nagkamali.

"What?" Lumapit si Charlemaign, inikot ang chair sa harapan nito at lalong nilapit ang mukha sakanya, "like this?" Pang aasar pa nya.

"Babe," pag iwas nya dito, "okay yes I know I'm wrong, I'm sorry okay?" Seryosong tumayo si Amethyst na tumanaw sa window, "alam mo naman na ---"

"Ayaw mo kaming nasasaktan I know, I'm sorry too," pag sunod niya dito, "di mo naman maalis sakin mag alala noh, what would you do if you were on my shoes?" Umupo sha sa malapad na wooden panel ng window at dumampot ng unan, "everything's going to change now you know," malalim ang iniisip nya.

"When I was just around 7 or 8 I know there's something different about me. And everyone in here. Pero shempre 'kala ko imagination, bata eh. So I thought wala lang 'yun. Now that everything's clear, ewan pero parang sumpa tingin ko dito. Hindi enchanted gift like they've all been saying," bumuntong hininga si Amethyst. Malalim.

"Heey, malalim na ata yan ah?" Sumulpot si Lhouiggy sa door, di nagtagal nakisama nadin sa kwentuhan sina Crysthal at Mitzy.

"Look, ako din naman may ganyang feeling nung bata bata pako eh. Pero diba? Lahat naman ng tao pumapalpak, lahat nagkakamali. Even your parents did nasty things naman siguro noon. I mean di lang naman ikaw ang may masamang experience sa first time mag magic diba? So ok lang 'yan," nakangiti si Charlemaign.

"Oo ang cool nga eh, andami natin nagagawa na 'di kayang gawin ng iba. I can't imagine pag na train pa tayo. Like me, di ko pa alam powers ko but I'm really excited to know," pag dampot ni Lhouiggy ng bola sabay pinasa sa naka upong si Charlemaign.

"True! Although ganun ka bigla bigla nung malaman natin, shempre may hint na tayo pero kino- conceal natin sa mga sarili natin eh, shempre bata lang tayo chaka nag susulputan na mga computers I mean, who would have thought that magic is real and ---" di natuloy si Mitzy sa pagsasalita.

"Look, you guys listen to me," mata sa mata tinignan nya isa isa ang mga kausap, "one day I learned I can do things I cannot imagine or even dream of happening. Then maya maya I switched schools from time to time dahil may nangyayari samin ni kuya Iggy na kung ano ano. Just to change the crowd ganun! Then, last thing I checked, MAGIC exists okay! I was shocked, really shocked! Kasi kung may isang bagay lang na magagawa ko? Tatanggalin Ko 'tong . . ." She was furious, para ngang nawawala sa sarili sa pananalita nya, "'tong magic thingy sa system ko," itinuro nya ang buong katawan na para bang nandidiri sa kung ano man ang nasa katawan nya, " 'coz you know what? All this magic thingy you are all so proud of? This just made my life miserable!" Padabog shang tumayo sa kinauupuan hinablot ang hand bag at lumabas ng room.

"Wait! Yze! San ka pupunta?" Pahabol nilang sinundan si Amethyst na biglang nawala sa paningin nila.

💞💜End of Chapter VI💞💜💞

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now