Chapter 28: "ok ka lang?"

48 0 0
                                              

"cge na, birthday ko naman eh."

"e-eh? di ako sanay uminom?"

"sus. syempre sa umpisa hndi sanay.pag natikman mo naman ok lang eh."

"eh ayoko kasi ng lasa."

"minsan lang naman ako magbirthday.. :/"

nagma-make face na sya.

"o-osige na nga."

habang nag uusap kami ni Arnel, alam kong nakatingin sakin si Chard.

"ok lang ba?" tanong ko kay Chard.

"sige ok lang."

asus, kaya lang naman to pumayag kasi iinom din sya. anu ba naman tong barkadang to! >.<

"oh." inabutan ako ni Arnel ng kalahating baso.

"oi grabe ka naman! andami neto ah!"

"edy unti untiin mo."

ayst. unang tikim ko pa lang, gusto ko nang iluwa. pero dahil may pakisama ako, sige. pagbigyan na.

1st shot ubos.

paikot ang ginawang mga shots.

nakaka tatlong shot na ko nang mapansin kong nawawala si Kevin.

"n-nasan si Kevin?" paghahanap ko.

luminga linga sila, nawawala nga si Kevin.

"naku tumakas yun! yun pa!" sabi ni Roy.

"itext nyo nga please."

tinext ni Roy si Kevin.

isang round na naman ng shot.

nga pala, ang iniinom namin ay gran matador at emperador. argh. wag nilang sabihin na kasali akong ubusin tong mga alak na to! >.<

"ayun! sabi na eh. nasa shop. tumakas."

"hala! eh pano ko uuwi? wala akong kasama. :/"

"ako na maghahatid sayo." sabi ni Chard.

"o-ok sige."

ikot ng ikot yung baso ng alak.

hnggang sa nararamdaman kong nag iinit yung katawan ko. >.<

"hala, namumula si Ashley! lagot ka Arnel!" sigaw ni Jason.

"h-ha? ah, wala wala, ganito talaga ko pag nakakainom ng alak. >.<" pagdadahilan ko.

"sigurado ka?" tanong ni Arnel.

"o-oo naman!"

pagkasabi ko nun inabutan nya ko ng kalahating basong alak.

inom sige! inom! pagbigyan ang may birthday! letseng inuman yan, mapapapatay ko nagpauso nyan.

nakakaramdam na ko ng hilo. i admit.

"ok ka lang?" pag aalala sakin ni Chard.

"ah, o-oo, ok lang. medyo hilo. hehe"

"wag na muna natin pasahan si Kate." sabi nya kila Roy.

nakailang ikot ulit sila nang abutan na naman ako.

"oh, Empi na yan. hndi na matador yan." sabi sakin ni Arnel. sya kasi ang tanggero eh.

straight agad ang inom ko. para bang sanay na ko.

"sabi sa'yo eh, sa umpisa ka lang hndi sanay." sabi sakin ni Arnel.

"hehe. siguro nga."

lima lang kami kaya matagal bago maubos yung iniinom. kwentuhan lang sila habang ako bagsak na sa balikat ni Chard.

"last na Ashley, saming apat na lang to. paubos na eh." sabay abot ng baso.

inistraight ko na ulit.

ramdam kong mapungay ang mata ko. mainit katawan ko.

maya maya, natapos na silang uminom.

"pre una na ko, hatid ko pa to eh."

"sige, maya maya na kami, magpapatanggal ng hilo. ingat kayo."

my bestfriend/boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon