2

30 1 0
                                    

Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko ang landlord ko. "Oh, Madeleine, ang aga mo ata ngayon?" tanong niya saken at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagpasada niya ng tingin sa aking katawan.

Alinlangan akong ngumiti sa kanya habang hinihigpitan ang hawak sa twalyang nakabalot saken. "Lunes na po kasi ngayon Mang Jeph, may pasok na ho kasi ako", sagot ko.

Sa totoo lang, hindi pa matanda si Mang Jeph. Nasa edad na trenta pa lang ata siya at hindi bagay tawaging 'Mang Jeph' dahil sa angkin niyang kakisigan. Tinawag ko lang siyang ganun dahil iyon ang tawag sa kanya ng mga nangungupahan din dito.

Sa katunayan nga ay napansin ko ang ibang kababaihan na kinikilig sa kanya at kung minsan ay nagpapa-cute pa. Ang sabi nila, minana niya lang daw ang boarding house sa kanyang mga magulang at hindi pa raw siya nagkakaasawa.

Humakbang siya palapit saken at biglang inilagay ang kanyang kamay sa aking balikat pagkatapos ay ngumiti. "Napaka sipag mo talaga, Mad. Kaya hanga ako sayo eh."

Pinigilan kong huwag mangilabot sa pagdampi ng kanyang mga kamay. Mabilis aking lumayo sa kanya at may nahagip akong pigura ng isang babae sa bandang gilid kung saan ang pinto ng banyo.

Bigla kong naalala ang kaliwang cubicle na aking pinagliguan. "Uh, Mang Jeph, sira po ata ang gripo nung kaliwang cubicle sa banyo." Pagbibigay alam ko sa kanya habang pinipigilan kong mailang sa uri ng kanyang tingin sa aking katawan.

Mukha siyang natauhan sa narinig niya mula saken at biglang nag iba ang timpla ng kanyang mukha. Pilit siyang ngumiti at nagtanong. "Wala namang sira sa mga banyo, iyon ba ang ginamit mo?"

Umiling ako at nagtaka sa kanyang kilos. Parang hindi siya mapakali at biglang nagpaalam na may aasikasuhin pa raw.

Nagkibit balikat nalang ako at tuluyan nang pumasok sa aking kwarto.

Pagkarating ko sa paaralan, agad kong hinanap ang room para sa aking unang subject sa ikalawang semester ng aking pagiging third year.

Kaka transfer ko lang noong unang semester kaya wala pa akong masyadong kakilala kung hindi ang aking mga kaklase lang, madalas ay nag iisa lang ako dahil na rin halos magkakilala na silang lahat.

Nang makita ko na ang room ko ay pumasok na ako kaagad. Napansin ko sa pinakadulo ang isang lalaking nakaupo. Namangha ako dahil ito ang unang beses na may mas maaga pang nakarating bukod sa aken. Hindi ko na lang siya pinansin, nagtuloy tuloy na ako sa aking paboritong upuan malapit sa bintana.

Nagmamasid ako sa labas ng binta at inalala ang pangyayari kanina. Siguro ay nakita din ni Mang Jeph ang pigura ng babae kanina.

Napakunot noo ako. Saan kaya siya nanggaling at hindi ko napansin na hindi pala ako nag iisa kanina. Siguro din dahil sa kanya, hindi na itinuloy ni Mang Jeph kung ano man ang pinaplano niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip.

Boarding HouseWhere stories live. Discover now