Chapter 21.1

5.4K 240 38

Chapter 21.1

Natigilan si Maureen ng matanaw si Grace na papalapit sa kanya. Maluwag ang pagkakangiti nito parang walang nangyaring sagutan sa pagitan nila kanina.


"Hi! Reena, where are you going?" Patay malisyang nilapitan ni Grace si Maureen at nakipag beso-beso pa siya. Talagang inabangan niya ang pagpasok ni Maureen sa departure area.


"I'll visit my aunt in Palawan." Seryosong tugon ni Maureen. Alam niyang nakikipagplastikan lang ito sa kanya.


"Papunta naman akong Cebu, I just opened my resto bar few weeks ago. Kaya bibisitahin ko rin." Kaswal na pagkukwento ni Grace.


Napatango na lamang si Maureen bago nagpaalam. "Kailangan ko ng mag check-in." Pag-iwas niya rito.


"Maureen, sorry kanina ha. Medyo stress lang ako, may problema kasi sa resto bar ko. Ikaw tuloy ang napagbutunan ko ng galit ko. Just forget about the past. I hope we can still be friend." Inilahad niya ang kanang kamay.


Ayaw namang bastusin ito ni Maureen, dala ng kagandahang asal ay nakipagkamay siya rito. At bago sila maghiwalay muli siyang niyakap nito. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang ikinilos ni Grace.


Sinundan ng nanlilisik na mga mata ni Grace ang papalayong kaibigan. Bago sinenyasan na lumapit ang isang lalaking may dalang camera.


"Nakuhanan mo ba ang lahat?"


"Yes, maam." Sabay abot nito ng camera upang ipakita ang mga kuhang litrato.


Natuwa si Grace ng makita ang mga litrato. "Perfect! Let's go. Mag-aayos pa ako para sa charity event mamaya."


"Ma'am akala ko ba pupunta tayo ng Cebu?"


"At kalian ka pa nagkaroon ng karapatan na tanungin ako?! You're just my driver at binabayaran kita sa mga extra jobs na pinapagawa ko sa'yo!" Kung wala lang sila sa public place ay baka nasampal na niya ang tauhan.


Napakamot na lamang ng ulo ang matandang driver, bago sumunod sa amo.


Kinagabihan ay sadyang maagang dumating si Grace sa parking area kung saan gaganapin ang charity event na pinangungunahan ng pamilya ng kanyang pinsan. Ilang sandal pa ang lumipas ay parami na ng parami ang mga nagdadatingang mga imbitadong bisita ngunit hindi pa rin niya natatanaw ang sasakyan ni Nathan. Nagpalipas pa siya ng ilang minuto ng matanaw niyang pababa ng black SUV ang hinihintay. Nagmamadali niyang nilapitan ito.


"Hi, Nathan. Invited ka rin pala." Pakaswal niyang bati.



Hindi pinansin ni Nathan ang babae, malalaki ang kanyang mga hakbang upang makalayo rito. Ngunit talagang ayaw siyang tantanan nito.


"Nagkita pala kami ni Maureen kanina sa airport. Kinuha ko ang address ng tita niya sa Palawan baka one of these days dalawin ko ang kaibigan ko." Patuloy sa pagsasalita si Grace habang nakasunod kay Nathan.


Napahinto si Nathan sa paglalakad at hinarap ang babae. "Tigilan mo na ang asawa ko. At kung anuman ang pinaplano mo sa amin ay kalimutan mo na, Grace."


Napahalakhak si Grace. "Anong pinaplanong pinagsasabi mo? Hindi ako ang may plano kundi ang asawa mo. Sa totoo lang nakipagkasundo siya sa akin kanina, gusto niyang magbayad ako ng mga taong papatay sa'yo ngayong gabi. Here's the proof." Sabay abot sa mga litratong hawak.


Nanginginig sa galit si Nathan ng mahawakan ang mga litrato. Kitang-kita sa mga larawan na nagsinungaling sa kanya ang asawa.


Lihim na natuwa si Grace ng makita ang naging reaksiyon ni Nathan. "Kaya nagmamadaling pumunta ng Palawan ang asawa mo para hindi siya mapagbintangan ano man ang mangyari sa'yo mamaya."


"Kung kaibigan mo si Maureen bakit mo ngayon sinasabi sa akin ang mga plano ninyo?" Ngayon napagdugtong-dugtong ni Nathan ang ibig sabihin ng asawa kaninang kausap niya sa telepono. Sinabi nitong may pinaplano si Grace pero ang totoo ito talaga ang may planong masama sa kanya.


"Plano niya... hindi ko plano. Traydor si Maureen and she deserves it. Akala niya mapapasunod niya ako pagkatapos ng ginawa niya sa akin." Naiiling na si Grace habang nagsasalita. Kailangan niyang makumbinsi ng husto si Nathan sa mga kasinungalingan niya.


"May kinalaman ba ito sa mga kayamanan ko kaya gusto niya akong mamatay?" Parang hindi ito matanggap ni Nathan dahil ang pagkakakilala niya kay Maureen ay hindi ito materialistic na tao.


"Exactly! Think about it. Kapag namatay ka siyempre as your legal wife sa kanya lahat mapupunta ang kayamanan mo. Viola! From riches to rags to riches. Makakabalik na ulit ang buong pamilya niya sa status nila sa society."


Naikuyom ni Nathan ang mga kamao. Kung titimbangin niya ang sitwasyon ay may punto nga si Grace. Kaya bukas na bukas din may mga desisyon na siyang nabuo. Magtutuos sila ni Maureen.


"Ewan ko ba kung ano ang napakain sa'yo ng Maureen na iyun at talagang pinakasalan mo pa. Hindi lahat ng mga may maamong mukha mababait karamihan sa iyan may mga itinatago ring kasamaan. Sa'yo na ang mga pictures na yan para may souvenir ka." Tinapik pa na Grace ang kanang balikat ni Nathan bago tumalikod. Tuwang-tuwa siya dahil alam niyang nagkaroon na ng pagdududa it okay Maureen kaya hindi na mahihirapan si Farrah na maisagawa ang plano mamaya. 

___________________________

Deal with the MillionaireWhere stories live. Discover now