Chapter 20.2

4.4K 210 20

Chapter 20.2

Nang makapag book ng ticket si Maureen ay dali-dali na niyang inayos ang mga gamit. Naisip niyang mas mabuting sa airport na siya magpalipas ng oras kaysa naman maipit pa siya sa traffic. Eksakto namang pagsara niya ng maleta ay siya naming pagtunog ng kanyang cellphone. Napasimangot siya ng Makita niya kung sino ang tumatawag. Binalewala niya ito ngunit talagang walang tigil sa pagtunog ang cellphone kaya kahit ayaw na niyang makipag-usap dito ay napilitan siyang tanggapin ang tawag nito.


"What do you need?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya.


"Is that the proper way greeting an old friend? Tandaan mo kung hindi dahil sa akin patay na ang tatay mo."


"Grace ano pa ba ang gusto mo? Nabayaran na kita kasama na ang interest." Inis na tugon niya sa dating kaibigan.


Napahalakhak si Grace sa kabilang linya. "Maureen, hindi ang tipo ng taong basta na lang mananahimik, ang napag-usapan natin ay maghihiganti ka kay Nathaniel Sarmiento pero ano ang ginawa mo pinakasalan mo an gang walanghiyang lalaking iyun!"


"Hindi ko kaya ang pinagagawa mo. Kaibigan ko si Margarette at hindi ko siyang kayang saktan. Sana naman maintindihan mo ako, Grace." Malumanay na paliwanag niya.


"Huh! Iisa lang ang naiintindihan ko, TRAYDOR KA! At pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin. Humanda ka na dahil simula sa araw na ito ay mawawalan ka na ng asawa!"


"A-anong ibig mong sa...." Hindi pa natatapos magsalita si Maureen ng ibaba na ng kausap ang telepono. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto upang hanapin si Nathan. Nakasalubong niya ang biyenang babae sa may dulo ng hagdan.


"Anak, what's wrong? Bakit namumutla ka?" Nag-aalalang tanong ni Marian.


"I'm looking for Nathan. Nakita po ba ninyo siya?"


"Kaaalis lang niya. Tumawag ang daddy ninyo may emergency lang sa kumpanya. Nagmamadaling umalis kaya hindi na siya nakapagpaalam sa'yo pero ibinilin niya sa akin na ipapahatid kita sa driver."


Natahimik si Maureen ng marinig ang sinabi ng biyenan. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman ng mga sandaling iyun, kilala niya si Grace kaya nasisiguro niyang may binabalak na naman itong masama.


"May problema ba, hija?" Muling tanong ni Marian ng mapansin ang pananahimik ni Maureen.


Marahang napatango si Maureen. "Katatawag lang po ni Grace, may mga pagbabanta na naman po siya." Alanganin niyang sumbong sa ginang.


Napabuntong hininga si Marian. "Huwag mo ng pansinin ang baliw na babaeng iyun. Puro pagbabanta lang naman ang kaya niyang gawin. Ang mahalaga nagkakaintindihan na kayo ng anak ko di ba?"


Muling tumango si Maureen. "Susunod daw po si Nathan sa Palawan pagkatapos ng charity event."


"I'm happy to hear that. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala. Ang problemahin ninyo ngayong mag-asawa ay pagbibigay sa amin ng apo."


"Wala pa po kaming napag-usapan tungkol diyan." Nahihiyang tugon niya sa biyenan.


Natawa si Marian. "Hindi naman kasi pinag-uusapan, ginagawa iyan."


Namula ang mga pisngi ni Maureen sa narinig. Sa totoo lang hindi ganitong sitwasyon ang inaakala niyang mangyayari sa pagitan nila ni Nathan.


Samantalang si Grace matiyagang naghihintay sa departure area. Alam niyang ngayon ang punta ni Maureen sa Palawan kaya ito ang tamang pagkakataon para sa susunod niyang plano. Ngayon ay nabaling ang lahat ng galit niya kay Maureen, wala na siyang pakialam kay Nathan dahil ipinaubaya na niya ito sa pinsan. Iniimagine pa lamang niya ang magiging reaksiyon ni Maureen ay halos gusto na niyang maglulundag sa tuwa.


"Kung inaakala mong palalampasin ko ang pagtatraydor mo sa akin nagkakamali kang babae ka." Bulong ni Grace sa sarili. Handang handa na siyang makipagtuos kay Maureen.


Habang papunta ng airport si Maureen ay hindi siya mapakali. Gusto niyang tawagan ang asawa ngunit nag-aalangan siya dahil ayaw naman niyang istorbohin ito sa trabaho ngunit talagang gusto niya itong makausap. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago humingan ng malalim.


"Bahala na." Bulong niya. Nakailang ring lang sa kabilang linya ng marinig niya ang boses ni Nathan.


"Nathan, Papunta na ako sa airport. Sorry kung naistorbo kita."


"No, hindi mo ako naistorbo. I'm about to call you. Mag-iingat ka, okay? Kung wala lang emergency dito ako ang maghahatid sa'yo."


"It's okay. Pinag drive naman ako ni mang Pedring." Hindi niya alam kung paano sasabihin ang tungkol sa pagtawag ni Grace kanina.


"Bakit naman kasi ang tita mo minamadali ang pagpunta mo ng Palawan? Hindi ba siya makakapaghintay ng isang araw lang para sana magkasabay na tayo."


"She needs my help." Maikling tugon ni Maureen.


Napansin ni Nathan na parang may kakaiba kay Maureen. Hindi siya sanay na hindi ito nakikipag argument sa kanya. "May problema ba?" May pag-aalala sa tono ng boses niya.


Napakagat sa pang-ibabang labi si Maureen bago sumagot. "Tumawag si Grace kanina."


"Damn! I've told you stop your communication with that b*tch!"


"I'm sorry. Nasagot ko ang tawag niya. May mga pinaplano na naman siya." Mahahalata ang takot sa boses ni Maureen.


"I don't care about her plans. Basta tigilan mo na ang pakikipag-usap sa babaeng iyun. Gusto lang niya tayong guluhin. I promise, starting tomorrow we'll start a new life. Lahat ng mga mali itutuwid natin."


Nang wala na sa kabilang linya si Maureen ay may panlulumong nadama si Nathan. Ilang oras pa lang niyang hindi nakikita ang asawa ay namimiss na niya ito. Kaya naman ang pinaka maagang flight papuntang Palawan ang pinareserve niya para bukas. 

_______________

A.N.

Sorry ang tagal ng walang UD. Babawi ako sa inyo. Gusto ko ng tapusin ang kwento nina Nathan at Maureen para masimulan ko na yung kina Dale Gavin at Ella :D 


Happy reading!

Deal with the MillionaireWhere stories live. Discover now