Chapter Seven

Depuis le début
                                        

I will let him go this full moon; I hope he won’t harm a human. I’m not sure about it but I will risk my life for my brother’s situation. I will find his cure. Nakakaawa na siya. Hindi ko kayang marinig ang impit niyang palahaw na malungkot at nasasaktan. It made my heart aches.

Sinundan ako ang amoy ng aking kapatid. Nadatnan ko siya sa loob ng gubat, ginagala ang tingin na parang may hinahanap at inaamoy. Napatigil siya sa daan papunta sa bakanteng lote na dating kampo ng Wolf Army.

Nagpalit-anyo akong tao, agad kong isinuot ang damit na nakasabit sa puno, pagkatapos ay umakyat ako sa puno upang matanaw kung ano ang gagawin ng aking kapatid. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang lahat. Maliwanag ang buwan at mas lalong dumagdag ang abilidad ng isang taong lobo dahil sa sinag ng buwan.

Mahina akong umingos dahil nakita ko ang pinagkakaguluhan ng mga Rogues sa bakanteng lote. Pinag-aagawan nila ang isang tao na nanghihina. Nakita ko ang paglabas ng pangil ni Lanz, halatang nasiyahan ang kanyang mga mata habang humahakbang papalapit sa mga Rogues.

Agad namang kumaripas ng takbo ang ligaw na mga lobo nang makita ang mabangis na Alpha. Kilala na siyang mabangis sa lugar dahil halos naubos niyang paslangin ang mga palaboy na lobo walang ibang ginawa kundi mang-api sa kapwa lobong mahihina.

Lumapit si Lanz sa taong nakahandusay sa lupa. Umalulong ito nang napakalakas habang nakatingin sa buwan bago binalik ang atensyon sa taong nakahandusay sa lupa. Nag-hihingalo na ito pero alam kong may buhay pa ito.

Tao.  Alam ko kung ano ang nasa isip ni Lanz ngayon.

Napasinghap ako nang inilapit ni Lanz ang kanyang pangil sa leeg ng tao na nag-aagaw buhay.

Sh*t! Hindi ko kayang tingnan kaya umiwas ako ng tingin.

Ilang minuto na ang nakalipas, binalik ko ang tingin kay Lanz. Nakatayo na ito, nagpalinga-linga na parang may naamoy siyang mahalimuyak.

Nabaling ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng gubat. Pumikit ako at pinakinggan ang tunog ng kalikasan. Naramdaman kong may paparating, humangos at hinahabol. Bumukas ang mata ko dahil tama ang hinala ko. May paparating nga. Isang magandang babae na maalon ang buhok, nakasuot ng bestidang bulaklakin, sa palagay ko kaedad niya ang aking kapatid.

Who is this girl? Her physical feature is familiar to me. Wait! Is she the girl that I–omg! At last, we met again.

Nakita ng aking kapatid ang babaeng humahangos palapit sa kinaroroonan niya. May humahabol dito na ligaw na lobo. Nang makita ng mga ligaw na lobo ang aking kapatid ay agad namang umatras at kumaripas ng takbo ang mga ito.

Bumangga ang babae kay Lanz. Napaatras naman ang babae nang makita ang kaanyuan ng nabangga niya. Makikita ko ang takot sa kanyang mga mata na parang nakakita ng multo.

Napalunok ako dahil sa kaba. Natatakot ako sa posibleng gawin ng aking kapatid sa babae. Baka kagatin niya rin ito tulad nang ginawa niya sa taong nakahandusay sa lupa.

Nabago ang ekspresyon ng babae nang makita niya ang taong nakahandusay sa lupa. May luha ang kanyang mga mata na lumapit sa duguang tao na nasa lupa. Niyakap-yakap niya ito nang mahigpit habang umiiyak. Parang importante sa buhay ng babae ang taong nakahandusay sa lupa. Napakagat ako sa aking labi dahil tumulo rin ang luha ko sa aking nakita. I felt her pain.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant