Chapter 27

670 33 14
                                        

Baekhyun's Pov


Kanina ko pa tinatawagan si Chanyeol pero puro voice mail lang yung sumasagot. Kung kelan na kailangan na kailangan ko sya sa tabi ko wala sya. Kaya imbes na sayangin ko ung oras sa kakatawag sa taong di naman sumasagot tinawagan ko na lang yung abogado na kakilala ko. Sinabi ko yung sitwasyon ng mama ko ngayon.


Mga ilang oras ng pag drive nakarating na kami sa Batangas. At nakita ko si mama na umiiyak habang pinagmamasdan na sirain yung bahay at yung karinderya na pinundar nila papa nung nag umpisa pa lang sila bumuo ng pamilya. Kaya mahalaga ang bahay na ito sa pamilya ko. Dito ko din binuo lahat ng pangarap ko. Kaya di ko hahayaang mawala ito. Nagkalat din yung mga gamit namin sa bahay pati yung mga damit namin. Inis na inis ako sa mga nakikita ko.


"Ma... " sigaw ko at tumakbo palapit kay mama at niyakap sya ng mahigpit.


"Anak yung bahay..." Bumitaw ako sa pagkakayakap kay mama at nilapitan yung sherif na nagmamando sa pag giba ng bahay namin.



"Excuse me lang... Bakit agad agad nyo gigibain ung bahay namin? Ni isang notice wala kaming natanggap. "



"Sir sumusunod lang po kami sa utos. At saka gusto na ng may ari na kaagad na mapatayuan ng resort."


Nag init lalo yung ulo ko ng tawagin nya akong SIR.!!! Hindi ba nya nakikita na buntis ako!! Jusme!!!





"Sino yung nag utos sa inyo?!! Dapat may notice man kayo binigay bago gibain yung bahay namin!!!" May mga pinakita siyang dokumento. At isang IM JungSoo ang bagong nagmamay ari ng lupang kinatatayuan ng bahay namin. Maya maya nag ring ang cellphone ko at sinagot ito.


"Hello... " akala ko si Chanyeol yung tumawag di pala. Yung kamag anak namin na nagbenta ng lupa dun sa Im JungSoo na yun.



"Sorry Baekhyun. Di ko sinabi na peke yung titulo na binigay ko sa Papa mo. Kailangan ko lang talaga ng pera......"yung feeling na gusto mong lumusot ung kamay mo sa telepono at sabunutan yung kausap mo. Ganun ung gusto kong gawin sa mga oras na ito. Di ko na sya pinatapos sa pageexplain nya at binabaan ko sya ng telepono.



Wala na kaming nagawa kundi umiyak habang ginigiba yung bahay namin. Ang sakit sakit sa pakiramdam na mawala yung mga memories at pangarap na nabuo sa bahay na iyon. Pero sa isang iglap nawala na lang ito.
Ini ayos namin yung mga gamit at Ipapakuha ko na lang ito bukas sa truck ng kumpanya.


Isinama ko na si mama pauwing Manila, pero ni isang txt or tawag mula sa asawa ko wala akong natanggap. Mas lalo akong nalungkot dahil dun. Pagdating sa bahay wala akong nakitang Park Chanyeol.




"Manang? Umuwi na po ba si Chanyeol?" Tanung ko sa kasambahay namin.



"Naku wala pa anak. Kanina pa nga ako nag alala eh."



"Ganun po ba? Sige po salamat."




"Kumaen muna kayo ng mama mo. Ipapahanda ko na din yung guest room."





"Ok lang ako anak teka nasaan pala yung asawa mo?"




"Hindi pa po umuuwi."




"Busy siguro sa business nya. Sabihin mo mag pahinga din sya. At ikaw dapat inaalagaan mo sya duty mo yan bilang asawa nya" tumango ako bilang pagsangayon




"Sir handa na po yung dinner." sabi ng isa naming helper. Pumunta na kame sa dinning area at pinauna ko nang pakainin si mama. Samantalang nasa sala ako at hinihintay ko yung magaling kong asawa. Wala pa din syang txt or tawag.



Natapos na si mama kumaen at pinagpahinga ko na sa guest room pero wala pa din si Chanyeol. Tinatawagan ko yung cp nya pero nakapatay. Hinintay ko na lang siya sa kwarto namin.




Mag aala una na ng madaling araw ng marinig ko yung sasakyan nya sa labas. Kumukulo na ung dugo ko kanina pang hapon dahil di sya macontact kung kelan na kailangan ko sya sa tabi ko. Umupo ako sa kama at hawak hawak yung cp ko. Pumasok sya at inilagay yung bag nya sa may upuan at lumapit sa akin. Hahalikan nya sana ako pero umiwas ako.


"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko.



"Marami akong ginagawa sa opisina. Pati mga meeting marami din. " habang nagtatangal sya ng damit at pumunta sa banyo. Sinundan ko sya para iconfront.



"Gaano ka ba kabusy??? Miski yung cp mu di mo man lang isipin na silipin. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo" sinusundan ko pa rin sya para talakan. Binuksan nya yung bag nya at kinuha yung cp nya. Pinakita nya na low bat.




"Sorry low bat cp ko."




"sorry lang. Alam mo ba ung pinagdaanan ko pati ni mama?" Di ko na napigilan yung luha ko.




"Bakit anung nangyari?" Umupo sya sa kama.




"Wag na baka di naman importante para sa iyo. Mas importante pa yang trabaho mo or should i say yung kawork mate mo. Namely Nana"



"Ano??!!!" Galit yung tono ng boses nya.




"Tama naman diba mas gusto mo pang kasama yang ex mo kaysa sa akin na asawa mo!"




"Pwede ba Baekhyun tigil tigilan mo yang pagseselos mo. Marami na akong problema wag mo nang dagdagan. "



"So ako pa ang may mali??wow ah....."





"Ano ba ang gusto mo???!! "


"Ang gusto ko lang naman ay nasa tabi kita para kapitan ko sa oras ng problema... Pero wala ka. Mas inuna mo pa yang trabaho mo. Para anu makasama yung pinakamamahal mong Nana... "




"Pwede ba Baekhyun tigil tigilan mo yang pagseselos mo na wala namang papatunguhan. "





"PAano ako di magseselos kung binibigayan mo ako ng rason para magselos."



"Ikaw na ang asawa ko. Ex na sya."


"Asawa mo nga ako pero iba naman ang nasa puso mo. Magkaaminan nga tayo Chanyeol... Mahal mo pa ba si Nana????"


"Oo...."

Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon