Anim na Titik isang Salita

4.9K 45 0
                                    

Ako'y isang simpleng tao lang,
Teka mukhang mababa pa sa simple lang,
Kaya naman kahit sino walang nagkakagusto,
Si crush pa kaya na halos kilala sa buong mundo.

Ako yung taong hindi pinagpala,
Matalino? may utak naman ako,
Matangkad? mas mataas pa yata ang buhok ko,
Maganda? wala yan sa bokabolaryo ko,
Attractive? nako ang layo,
Sexy? no, kaya nagseselos ako sa coca-cola na iniinom ko,
Maputi? sa ngipin at mata lang yata meron ako,
In short ang pangit ko.

Pangit, anim na titik isang salita,
Kadalasan yun ang unang nakikita,
Sabi ng iba mas mahalaga ang magandang kalooban kesa ganda,
Lokohin niyo na ang taong bagong gising,
Huwag lang ang taong ugly duckling.

Kaya naman pag nakita si crush,
Ako ay hanggang tingin nalang,
Eh sa wala talagang magawa ang taong tulad ko,
Imposimbleng lingunin at mapansin niya ako.

Kaya't idadaan ko nalang ito sa pagsusulat,
Lahat ng emosyon at iniisip ko dito ko iuulat,
Kasi pag sinabi ko sa mga kakilala ko,
Baka pagtawanan lang nila ako.

MGA TULA PARA KAY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon