Rereplyan ko na sana siya ng bigla siyang tumawag. Sinagot ko na rin dahil sa naaawa ako. Palalampasin ko pa ba to? Hot to eh, HOT! Baka magbago pa isip niya eh. Minsan lang ito. HaBa talaga ng hair ko. Sarap i-braid.

"hello." bati ko. Kunwari galit na medyo matamlay.

"Sa wakas! Sumagot ka din. Sayang effort ko kapag hindi mo ako pinansin!" daing niya. Aba siya pa ang may ganang magalit. Kapal ha.

"Ano ba kasing kailangan mo?" pakipot na tanong ko. Syempre, babae ako no! >:D

"Itatanong ko lang sana kung naranasan mo ng malindol nung nasa Japan ka pa?" HA? Ano namang klaseng tanong ito. Out of the topic. Ang weird talaga, gwapo na sana. Weird nga lang.

"OO syempre, bakit ba?"

"Ganun kasi feeling ko ngayon, kasi niyanig mo puso ko!"

ヽ(*⌒∇⌒*)ノ

d=('▽`)=b

\(*T▽T*)/

NYATERAAAAAAAA! AHAHAHAHAHA. Putragis! Kung makabanat naman ooh, bagong gising pa naman ako. Good vibes agad. (★^O^★) AKO NA TALAGA!!! Ako na talaga ang maswerte! Buti na lang pala ginawa ko yung TA ko dati, kung hindi, baka kahit isang HI o Hello hindi ko masabi sa kanya. HAHAHAHAHA :)

"Para tayong kwento ni Juan Tamad no?" sabat nanaman niya.

"bakit naman? Kasi tamad ako??!"

"Hindi. Ako si Juan Tamad, Ikaw yung Bayabas. Hinihintay ko lang na mahulog ka sa akin."

(。♥‿♥。)

ENEBE!!! Sinapian yata siya ni John Lloyd Cruz. OMG! Grabe! For the win talaga! Kinikilig ako. Mukha na akong timang dito, pa-roll roll ako dito sa kama ko, pero syempre may class ang pagroll ko. Hahahaha at higpit ng yakap ko sa unan ko. Kung alam lang niya, matagal na akong nahulog sa kanya. Wahaha!

Hindi ko na matiis. Bigla kong pinindot yung End Call...

Gusto kong magsisisigaw dito. Sa wakas, sweet na si Rain sa akin!

Ayy teka, may biglang sumagi sa isip ko. Baka may kailangan lang siya sa akin. Or baka nagsosorry lang dahil sa bangayan namin kanina. Aah basta, lumelevel up na yung love ko para sa kanya. Kung dati naimemeasure pa ng ruler, ngayon, meter stick na! :")

--

*Bonggang narrator entrance*

Upang maalis sa isip ni Peige si Rain, bumangon muna siya at sumilip sa bintana. Na-disappoint siya nung hindi niya makita ang inaabangan niya - si Raizen Laurel ang bagong kapitbahay slash bagong bestfriend niya.

Si Raizen ay taga- probinsya. Wala pa siyang masyadong kakilala rito at super mahiyain sa mga tao. Kung titignan mo siya physically, sobrang gwapo, parang lalaking lalaki, kasi pati kilos niya talagang pang-straight pero deep inside, BEKI siya, pero siyempre ako lang nakakaalam. Umamin siya sa akin. :") Ang bongga nio, ang gwapong beki.

Simula kasi nung lumipat sila jan sa kapitbahay, mga 7 months na, nakipag-friend friend ako. Kasi utos ni Lola, para daw hindi siya ma-out of place. Mahiyain daw talaga kasi si Raizen. Mahinhin na lalaki, kaya alam na. Pero gwapo siya, kung pumorma parang kasali sa Campus Heartthrobs!

Sinubukan kong tumawag sa bahay nila, pero sabi ng mommy niya, wala pa daw si Raizen. Tuwing sabado kasi ng tanghali hanggang hapon, mayroon siyang Guitar Lessons. Oo, marunong siyang maggitara, pero hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang i-level up yung skills niya. Nagpapagod teh! HAHAHAHA.

Magaling siyang maggitara at magdrums. At isa pang additional point para sa kanya, ay yung kagandahan ng boses niya.

Minsan nagtataka na rin ako, parang niloloko lang ako ng lalaking iyon. Feel ko hindi talaga siya bakla. Ni hindi nga siya interesado sa mga lalaki ee, mas interesado siya sa mga babae. Tapos kapag magkkwentuhan kami, lagi niyang tinatanong kung anong gusto ng mga babae, paano kumilos ang mga babae, mga iniisip ng babae, yung mga ganun. Yung mga common na topic kapag girls talk. Parang pinipilit niyang maging bading. Hayy ewan! Basta, beki daw siya. YUN ANG SABI NIYA. Oo na lang tayo! Hahahaha :)

o(╥﹏╥)o

Nakakabagot naman itong araw na ito. Susubukan ko na lang maglinis ng kwarto. Susubukan ko lang, may dalawang option ako. Kung gagawin ko at tatapusin ko, or ittry ko lang. HAHAHAHA. Parang gubat na kasi tong kwarto ko.>_<

After how many minutes and hours, natapos ko na! SA WAKAS. Sinapian na rin ako ng kaluluwa ng isang masipag na tao. Nakakapanibago. Burara kasi ako MINSAN. Nahanap ko na rin yung mga bagay na matagal ko ng hinahanap. Akala ko, nawala talaga. Iyon pala natakpan lang ng mga damit, nasa silong ng bed, nasa cabinet.. Sooo careless.

ヽ(;▽;)ノ

Naligo uli ako, para fresh.

Lumabas ako ng bahay para bumili ng meryenda sa store at ayun! Kauuwi lang rin ni Raizen. Bongga! Ang gwapo niya talaga. Nakasuot siya ng black VANS OFF THE WALL shirt, maong pants at naka-headphones ng beats at naka-shades. Nakasampay naman sa likuran niya ang kanyang gitara. Gwapo no? :D

(●⌒∇⌒●)

Nakatingin ba siya sa akin? Maririnig niya kaya ako kapag tinawag ko siya? Well, paano ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Tinawag ko siya, "RAI! ZEN! RAI! ZEN!"

Agad niyang hinanap kung sino iyon, at siya'y lumingon. Gotchaa! Ang gwapo lang talaga nito. Nag-play naman sa isipan ko ang isang kanta....

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,

Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako"

LOL. HAHAHA. Sayang naman, halos lahat na lang ng gwapo, nagiging kasapi ng federasyon. HUHU. Tsk tsk. Wala na talagang gwapong lalaki ngayon, lahat gustong maging maganda! Ugh.

Hindi siya nagsalita, pero ngumiti siya. Automatic na rin ako, ngumiti na rin ang sweet lips ko. SWEET LIPS. Sinenyasan niya ako upang pumunta sa loob ng bahay nila. (^3^)

Mabilis akong tumakbo, kahit wala naman dapat ikatakbo. Madalas lang kasi kung may dumaang sasakyan rito ee, kasi subdivision ito. Hindi siya high-class na subdivision, kaya pwedeng pumasok kahit ice cream vendor, fishball vendor, o kaya'y tricycle. Pagkapasok namin ng gate, sa porch lang kami nagstay. Presko kasi tsaka malamig yung hangin, eh ikaw ba naman ang palibutan ng sari-saring halaman.

"Saan ka pupunta? Wow bagong ligo si Mio, bonggabels!" sabay tawa habang inilalapag ang kanyang gitara. Sayang talaga, hindi appropriate yung physical look at galaw niya sa pag-iisip at pananalita niya. TSS!

(*≧▽≦)

Mio nga pala yung tawag niya sa akin. Short for Miyuki. Siya lang ang tumatawag ng ganyan sa akin, ayaw daw niya kasi yung pangalan kong Peige. Jejemon daw, eh hindi naman kasi jeje yun e. Kahit i-search niyo pa sa Google, marami akong kapangalan sa abroad! HAHAHA.

"Bibili sana ako sa store, kasi nagugutom ako. Wala nanamang meryendang iniwan si Lola. Lumabas kasi sila ni Christine!" Si Christine nga pala yung younger sister ko. Yung AGAW EKSENA sa Chapter 1. Nyatera! XD

"Dito ka na lang, sabay na tayo girl!" Alok niya. Syempre hindi ako tatanggi. TAKE NOTE! Its better to receive than to give no. HAHAHA.

"Teka, saan ka pala galing?" Kunwari na tanong ko, kahit alam ko naman kung saan. Para hindi naman niya mahalata na masyado akong oportunista no.

"Sa RNH, Remember, Saturday ngayon." RNH o Rhythm and Notes High, well hindi naman talaga iyon School na school, school lang iyon para sa gustong matuto, mag-aral ng mga instruments at mag-voice lessons. As the name implies, para lang ito sa mga biniyayaan sa talent ng music. At unfortunately, HINDI AKO. Ewan ko ba sa lalaking ito, bakit gusto niya pang mag-aral ng guitar, eh siksik na siksik na siya sa skills na iyan. Share din sana siya sometimes :(

Habang nasa loob siya ng bahay nila at nagprepare ng meryenda namin, nakita ko yung wallet niya na nakakalat, binuksan ko kasi pakialamera ako , at nakakapagtaka..

Wow ha! Bakit may picture ako dito?! Wala naman akong naaalala na binigyan ko siya ng picture ko?! Dali dali kong nilagay sa dating pwesto yung wallet nang naramdaman at nasense ko na papaunta na siya. Eksakto! Anjan na siya. :))

"KAIN NA TAYO!" :))

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon