Chapter 44

1.4K 15 0

CHAPTER 44

"Mahal ko, baka magising si Ellie, please lower your voice," saway niya sakin.

Lower your voice mo mukha mo! Nakakainis talaga!

"Ang sabi mo sakin kailangang mauna ka lang sa paghahanap sa kanya para maumpisahan ang deal dahil hindi mo makakausap ng ayos ang daddy niya dahil sa nawawala nitong anak. Paano niyo maiclo- close ang deal kung itatago mo siya?" Sabi ko sa mababang tono.
Baka nga kasi magising si Ellie, ako din naman ang mahihirapan.

"I asked her to call her dad and tell that her safe para kumalma na ito at hindi na siya hanapin. Mahal ko, maghintay lang tayo ng ilang araw at ihahatid ko na siya sa kanila." Paliwanag niya.

"You can already talk to Mr. Aguilar about the deal kasi kalmado na naman siya, alam niyang safe ang anak niya. " Sabi ko.

"Let's just wait until her daughter decided to get home before thinking about the deal. Hawak ko ang anak niya at gusto kong makasigurong maayos siyang makakauwi bago ang lahat. Mahirap na baka magloko 'tong anak niya at mapasama pa ako." Sabi niya.

Bakit ba naman kasi hindi pa sa bahay ni Mr. Aguilar inuwi kaya ngayon may isipin ka pa. Gusto kong sabihin sa kanya pero napag- desisyunan kong huwag na lang kasi sasabihin na naman niyang naawa nga siya. Hindi matatapos ang pagtatalo namin kapag ganun.

"Wait? Akala ko ba ang mga businessman, hindi naghihintay bagkus kumikilos? What if maunahan kayo ng iba sa deal na 'yan?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Ano ka ngayon?! Mabuti naisip ko 'yun kasi naiinis pa rin ako sa nabasa kong text galing sa Cassie na 'yun.

Tumawa siya ng mahina at pinisil ang ilong ko.

"Nice one Mrs. Guttierrez," sabi niya sakin while smiling. "Yeah, you're right, naisip ko 'yan kaya nga kakausapin ko na siya bukas para sabihing hindi siya puwedeng magtagal sa pagtatago sa condo," sabi niya.

"Teka bakit ba ang sungit mo? Nasabi ko na naman sayo lahat di ba?" Sabi niya nung mapansing nakasimangot pa rin ako.

Hindi lahat James! May nakakalimutan ka pa!

"Lahat? Eh hindi mo pa nga nasasagot 'yung tanong ko kanina kung bakit ngayon ka lang samantalang ang lapit lang ng condo dito?" Sabi ko sa kanya atsaka kinuha ang cellphone niya at inilapag sa tabi niya. "Ayan i- explain mo 'yang text message na 'yan! Thoughtful- thoughtful, kanina lang kayo nag- meet ganyan na kayong mag- usap?!" Sabi ko habang tinitingnan niya ang text message na sinasabi ko.

"Ah ito?" Sabi niya while smiling.

Ampotek! Nayayamot na nga ako tapos siya parang wala lang.

"Kasi naalala kong hindi pa siya kumakain eh galing pa kami ng Batangas. Wala na nga palang stock na pagkain sa unit ko kaya naisipan kong bumalik ng condo at dalhan muna siya ng pagkain. Kawawa naman basta ko na lang din isinama kanina kaya walang kadala- dalang gamit. Kaya nagtagal ako. Sorry na naman mahal ko," sabi niya habang nayakap sakin.

"Ano ba..." Kinakalas ko 'yung pagkakayakap niya.

"Huwag ka ng magalit mahal ko, wala naman akong ililihim sayo eh." Sabi niya habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko at napahiga kami sa kama. Lumayo ako sa kanya.

"Mahal ko naman, galit ka pa rin?" Sabi niya

"Sige nga, sino'ng hindi magagalit? Hindi ako naghapunan dahil hinintay kitang makauwi kasi sabi mo on the way ka na! Tapos malalaman kong binalkan mo 'yung babae na 'yun para dalhan ng pagkain at ano? Doon kayo sabay nag- dinner sa unit mo!" Sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang maiyak. Nakakasama talaga ng loob, nakakainis. Lumapit siya sa akin at pinahid ang luha ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!