CHAPTER 26 √

48K 1.1K 16
                                    

HAZETH

"Ano ba! Wag mo nga hawakan kamay ko!"  

"Ehhh..sorry na kasi..promise di ko na uulitin."

"Tsk. Promise na naman. Kailan ka ba nag promise na tinupad mo?"

"So galit ka na niyan!?"  

"Oo bakit!?"

"Edi..sorry na.."

Sigawan lang ni Lyla at Charles ang naririnig ko. Andito kami sa may garden,kumakain ng lunch. At simula ng pagdating namin ay puro na lang sila sigawan.

Ayaw kasing patawarin ni Charles si Lyla dahil nakipagkita ito dun sa dating kaibigan ni Lyla na lalaki. Eh sa may pagka-possessive din tong si Charles kaya ayan.

Ako naman tong taga-awat sa kanila kapag nagkakasapakan na at halos magsuntukan na. Pero langya maya-maya maglalambingan tapos pagdaan ng 1-2 minuto sigawan na naman.

"Ewan!!" Sigaw ni Charles sabay halumbaba at iwas ng tingin kay Bessie.

"Sorry na kasi!! Uy,Charles!!" Pangungulit ni Lyla habang sinusundot ito sa tagiliran.

Tumingala na lamang ako dahil na din sa inis. Tumitig lamang ako sa makulimlim na kalangitan habang pinipilit na ipanatag ang kalooban at ilayo ang buong isipan sa kalungkutan.

"Nanalo naman sila kaya nga lang hindi ganoon kaganda ang kinalabasan." Saad ng isang tinig ng babae na padaan sa kinaroroonan namin.

"Yeah. Ang unti ng lamang nila ngayon."

"Nakakatamad ngang manood kasi wala naman si Jiruel dun.."

"Oh andiyan na sila!"

Nagtakbuhan na ang dalawang babae na sinundan ko lang ng paningin. Napunta ito di kalayuan sa bukana ng garden kung saan nakasalubong nila ang team. Nauuna ang kanilang captain at kasabay si Yvonne. Nakasunod sa kanila ang ibang member.

Pero..kahit pa may ngiti sa kanilang labi habang binabati sila ng ibang estudyante ay pansin na pansin pa rin ang tila kalungkutan sa kanilang mga mukha.

Tuluyan ng nakalagpas ang buong gropo pero di ko pa din maalis ang mata ko sa gawing iyon. Lalo na ng makita ko siya na may dala-dalang bola. Hindi siya naka uniform gaya ng team bagkus ay naka suot lamang siya ng jeans at T-shirts na tinirnuhan ng leather jacket.

Nagulat ako ng mag angat siya ng paningin at tumama ito sa gawi ko. Nagtagal ng ilang segundo iyon pero ako na mismo ang nag iwas ng paningin. Di ko kasi kayang titigan ang kanyang mga matang ubod ng lamig.

Tila tinutusok ng daang daang karayom ang puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang wala man lamang emosyon. Tila ba ako'y isa na lamang ordinary studyanye ng campus na ito.

Ni hindi man lamang siya ngumiti o kahit isang kaway man lamang. Parang di niya ako kilala sa ikinilos niya.

"Di pa din kayo nagbabati?" Pukaw bigla ni Lyla sa akin kaya napabaling ako sa kanya.

Nakahilig siya sa balikat ni Charles samantalang ang isa ay nakahalumbaba lamang at nakasimangot.

"Obviously. Ba't ka pa nagtatanong?" Sabat bigla ni Charles sa pinakaseryosong boses.

"Wag ka nga sumabat! Di ka naman kinakausap eh!" Anas ni Lyla sabay kurot sa pisngi nito.

"Tsk."

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon