First Strum

Mulai dari awal
                                        

"Kaya unti unti na rin akong nahuhulog sa iyo. Sa mga ngiti mo, sa mga porma mo. Sa bawat mabubuti mong ginagawa sa akin. You're perfect. Lahat ng ginagawa mo sa akin ay lalong nagpapahulog sa akin, yung bawat galaw mo. Kapag mag hoholding hands tayo sasabihin mo na walang malisya ito. Yung mga banat mong corny dahil galing lahat iyon sa mga kanta. Kapag malungkot ako kahit hindi ka marunong magpatawa gagawin mo ang lahat ng makakaya mo kahit magmukha kang tanga basta mapasaya mo ako."

Sa buhay ng tao ay dapat magkaroon ka ng karamay. Karamay na dadamayan ka sa bawat ngawa mo. Karamay na dadamayan ka kapag malungkot ka. Karamay na dadamayan ka kapag masaya ka. Karamay na nandiyan palagi sa tabi mo kapag mag isa ka. Karamay na tutulungan kang bumangon kapag pinagtulungan ka na ng mundo. At higit sa lahat, karamay na hinding hindi ka iiwan.

Napapunas muna ako ng luha at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Tapos isang gabi naalala ko na pumunta tayo sa park. Akala ako kung anong gagawin natin tapos umamin ka pala sa nararamdaman mo sa akin. Na mahal mo ako. Tinago mo ito ng isang taon. Sa una nagulat ako. Pero na realized ko na ang saya saya ko kasi natupad na yung pangarap ko. Natupad na yung pangarap ko na makasama ka. Kasi alam ko rin sa sarili ko na mahal na mahal kita. Ang saya saya ko dahil may makakasama na ako simula nang iwan ako ng magulang ko. Ang saya saya ko dahil may bubuo na ulit sa nawasak kong puso." Agad akong napangiti dahil sa alaalang iyon. Pero hindi pa rin nawawala yung mga luha sa mata ko.

"Pero hindi ako umamin." Nagsimula na naman akong humagulgol ng malakas. Pilit akong humugot ng lakas. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong magsalita.

"Hindi ako umaamin sa iyo kasi natatakot ako. Natatakot ako kasi baka sa simula ka lang may nararamdaman. Sa bawat bigkas mo ng matatamis na salita ay kahit gustuhin ko man sagutin iyon ay hindi ko magawa kasi natatakot ako. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari. Natatakot ako na baka biglang mawala yung nararamdaman mo sa akin. Natatakot ako na baka hindi tayo mag work out. Natakot ako. Takot na takot kasi ayoko ng mawalan ulit ng minamahal." Sana sa bawat luha na pumapatak sa mata ko, nawawala ka sa isipan ko. Pero hindi mangyayari iyon.

"Sinisisi ko yung sarili ko dahil sa hindi ko pag amin sa iyo. Kahit hindi pa ako umaamin, sinasabi mo na palagi na hindi mo ako minamadali. Sinasabi mo palagi na hayaan kitang ipakita mo sa akin kung gaano mo ako kamahal, na hinding hindi mo ako iiwan. Pero hindi pa rin ako umaamin. Kailangan ko munang makumpirma kung hanggang kailan kakayanin mo. Kung hanggang kailan mo kayang magtiis. Umabot ng tatlong taon yung panliligaw mo. Oo, dapat matagal na akong umamin. Dapat tatlong taon na tayong nagsasama, pero nilaan ko yung tatlong taon para sa sarili ko. Naging selfish ako, hindi ko inisip yung nararamdaman mo. Sorry." Agad akong napapunas ng luha.

Tinignan ko yung mga tao. Lahat sila umiiyak, sana nararamdaman ninyo yung tunay na nararamdaman ko. Kulang pa iyang mga luha na iyan para ma describe kung ano ang tunay kong nararamdaman.

"Sana hindi mo lang ako sinundo noon dahil may sakit ka. Pero nagpumilit ka na sunduin ako dahil baka may mangyari. Dapat nag stay ka na lang sa bahay niyo. Pero dahil nagpumilit ka na susunduin mo ako, naghintay ako ng ilang oras sa waiting shed. Oo ilang oras akong naghintay. At sa ilang oras na iyon na pagtambay ay naging buo ang desisyon ko na umamin na sa iyo. Na magiging masaya na tayong dalawa. Ilang oras akong naghintay sa waiting shed pero nagtataka na ako dahil 30 mins lang naman akong layo nito sa bahay niyo. Pero inisip ko na baka may surprise ka lang." Napapunas muna ako ng luha. Nasasaktan ako kapag inaalala ko yung mga ganoong pangyayari.

"Sinurprise mo ako. Sinorpresa mo ako na naaksidente ka. Ibang klase itong surpresa na ito dahil imbes na magdulot sa akin ito ng kasiyahan ay nagdulot sa akin ito ng kalungkutan. Habang nasa ambulansya tayo ay nagdadasal ako na sana mabuhay ka pa dahil aamin pa ako sa iyo. Aamin pa ako sa tunay na nararamdaman ko. Aamin pa ako kung sino yung sinisigaw ng puso ko. Ikaw iyon. Ikaw. May nakita akong isang maliit na box sa bulsa mo. Kinuha ko ito at nagulat ako sa nakita ko, isa itong singsing at kalakip nito ang papel na nagsasabi ng 'will you be my girlfriend'? Naging masaya ako dahil masasagot na kita. Magiging masaya na talaga tayo."

Yung tipong dapat magiging masaya na kayo pero pinagkait pa sa inyo.

"Pero hindi ka lumaban. Hindi ka nabuhay. Iniwan mo ako. Iniwan mo akong sugatan at luhaan. Yung dapat na sasabihin ko sa iyo ay nakalibing na sa puso ko. At nagsisisi ako dahil sana sa simula pa lang umamin na ako. Sana sa simula pa lang sinabi ko na ang nararamdaman ko. Sana ngayon, masaya na tayo. Masaya na tayong kumakanta sa bar. Masaya na sana tayo hanggang ngayon." Lalong lumakas ang iyakan namin dito. Makikita mo sa mga taong ito na mahal na mahal nila ang lalaking iyon. Masayahin siya na tao, at mapagmahal kaya siguro ako nahulog sa iyo.

Pero hindi ako nagpasalo, hinayaan ko na lang sa sarilihin ko itong sakit sa pagbagsak ko.

"Sana kahit wala ka na dito sa tabi ko. Sana tuparin mo yung kaisa isa mong pangako." Saka ako napangiti dahil sa alaalang iyon.

"One. Two. Three. Four..... Bakit wala na akong makita?" Tanong ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa isang seaside, sa may part na may mga damo, at dito ay nakahiga kami.

Gustong gusto ko pa naman ng key chain na iyon pero wala akong pera kaya nagpabili ako sa lalaking ito. Pero ang ulok ay chinallenge muna ako. Maghanap muna daw ako ng limang stars sa langit. Makulimlim pa naman. Paano lalabas ang stars? Pero gusto ko talaga ng keychain, kaya naghanap na rin ako.

"Halika na lalong lumalalim ang gabi baka lalo kang malamigan niyan" Pag aya niya sa akin na umuwi. Ayoko nga. Hindi kami uuwi hangga't hindi ako nakakakuha ng keychain.

Laking tuwa ko ng may makita akong isang star.

"Five." Pero naunahan niya ako nang nilahad niya sa akin yung keychain na gusto ko.

"Bibilhan naman kita niyan kahit hindi mo magawa iyan eh. Kasi mahal kita." Saka niya ako ginawaran ng matamis na ngiti.

Mahal din kita.

Pero hindi ko magawa.

Hindi ko masabi sa harapan mo iyan.

Tumayo na kami at nagpagpag ng aming mga pantalon. Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap niya ako sa kaniya.

"May hindi pa ako nasasabi sa iyo." Simula niya.

"Ano iyon?"

"Hindi pa ako nangangako sa iyo." Oo nga no?

"Mangako ka na." Sabi ko dahil gusto ko ng umuwi dahil nilalamig na ako.

"Isa lang itong pangako na ipapangako ko sa iyo. Kahit wala ka sa tabi palagi. Kahit wala ako sa piling mo palagi. Kahit hindi tayo nagkikita palagi. Pinapangako ko sa iyo ang kaisa isang pangako na lagi kitang iingatan sa lahat ng sandali. Dahil mahal kita."

"At iyon ay iingatan mo ako. Kahit alam kong napaka imposible iyon pero sana matupad mo iyon. Sana gabayan mo ako sa bawat sandali ng wala ka sa tabi ko. Sana naririnig mo ako ngayon. Matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ito. Pero natakot ako. Ikaw lalaki ka."

Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko muna lahat ng luha ko at saka nagsalita.

"Mahal kita."

***

Eyow peeps. Mag popost pa ako ng dalawa pang chapters. Support support lang!!!!

*toot toot*

GitaraTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang