Ika-33 na Kabanata

Magsimula sa umpisa

Oh no... Nauntog pa yata siya sa floor. BAD ka Jesse. 

"Hala sorry po.." Hinimas-himas ko yung ulo niya. 

Napatayo ako at iniisip kung anong gagawin.. Nurse ka Jesse! umayos ka. mag-isip ka ng gagwin mo..

Lumapit ako sa kanya at sinusubukang patayuin. Mukhang conscious pa naman siya.

"Mr. Araneta. dadalhin na kita sa loob. Pakiusap kung kaya mong tumayo, tayo na dahil aalalayan naman kita.." nagmamakaawa na ako sa kanya. Hello, kanina mo pa siya gustong buhatin e ilang beses na rin kayo natumba. 

1

2

3

Iniangat ko na ulit siya and Salamat at naki-cooperate na siya. Dali-dali ko naman siyang dinala sa kama. Buti nga at naka-abot pa kami. ayaw ko na matumba ah. ang sakit na ng balakang ko.

Kumuha na ako ng basin na may maligamgam na water at towel para mapunasan siya. inaapoy siya ng lagnat. 

weeew.. PRAMIS bang pupunasan ko siya? Nahihiya ako.. ANEBE..

STOP IT JESSE!! Isipin mo na lang na pasyete mo siya at kailangan mo na siyang gamutin..

Oo tama yun.. ganun nga. Walang malisya.

(GULP) Nanginginig ako. nakakainis naman kasi. KINAKABAHAN AKO!!! (>///<)

Kinakabahan hindi dahil sa gagawin ko kundi dahil sa ang ganda kasi ng katawan niya, baka magalusan ko... huhuh.. tsaka perstaym kong mahahaplusan ito.. OMG Jesse! wag kang mag-isip ng ganyan.. WALANG MALISYA DIBA??!!

Huminga ako ng malalim.. at pinunasan ko na siya. Ano bang ginawa nito at nagkasakit? 

(A/N: Pinuyat mo kagabi at tinandyakan mo pa... BAD ka)

Hala naman.. Pero teka, siya ba kaya ang nagalaga sa akin? Totoo ba yung sinabi niyang Wag niya akong iwan? Kaya ba kami magkatabi kagabi at halos yakapin ko na rin siya dahil alam kong takot na takot ako kagabi? 

FACE PALM!!!! Ano ka ba naman Jesse! Ang sama mo nga.. Ikaw na ginawan ng kabutihan tinandyakan mo pa.. HUHUHUH.. 

Kelangan kong makabawi at humingi ng sorry at thank you.. Nakakakonsensya......

*Krrrruuuuuuuuukkkkkk~~~~kruuuukkkk*

gutom nanaman ba ako? napahawak ako sa tiyan ko.. 

*Krrrruuuuuuuuukkkkkk~~~~kruuuukkkk*

O No.. hindi pala sa akin yun. Kay Rob.. HALA. hindi pa pala siya kumakain... yun pala ang pinunta ko kanina dito, aayaing kumain siya.

Hayy. makakuha na nga ng pagkain. Saktong sopas ang niluto ko..

***

"Mr. Araneta, kumain ka na o.. Walang lason ito PRAMIS!!" napa-swear pa ako. Ano ba naman kasi ito.. Nakatitig lang sa akin o kaya naman lilipat lang ang kanyang tingin sa sopas.

"Hoy Mr. Mark Robert Araneta!! Kumain ka na nga.. Iinomin mo pa itong gamot o." Goodness.. Ano makikipagtitigan lang ba siya? Bahala nga siya kung ayaw niyang kainin..

Naalala ko tuloy yung batang lalaki nagbigay sa akin ng guitar pick. Sopas din pala binigay ko sa kanya nung time nung bata pa ako.. 

"Hay nako. Bahala ka na nga diyan kung ayaw mong kainin yan. Sinusubuan na nga kita, ayaw mo pa.." tumayo na ako at nilapag yung bowl sa tray at aktong maglalakad na. ayaw niya e, edi wag niyang kainin.

Nakakaimbyerna lang. nakonsensya na ako kanina at pinagbigyan ko na yun. tapos ganito pa makukuha kong treatment? hay nako.

"Where are you going?" bulag ba siya?

"Lalabas po, kakainin ko na lang tong sopas, Ayaw mo diba? sayang e." sabi ko na lang. nagtitimpi lang ako..

"Sinabi ko bang ayaw ko?" loko to a. So kelangan lang siyang ayawan ng pagkain para lang kaninin niya? Hay nakow!

"E gusto mo naman pala, arte-arte mo pa.." bulong ko sa sarili ko. 

"May sinasabi ka ba?" narinig niya? OMG.

"Wala po. sabi ko ubusin mo yan dahil iinom ka pa ng gamot." iniabot ko na lang yung sopas.

Aba! ayaw pa niyang kunin? Tinititigan na lang niya ulit?

"Hoy Mister! kung gusto mong kainin wag mo na akong pahirapan, nangangawit na ako o. tsaka walang lason yan." pigilan niyo ako people! maski may sakit to baka ibuhos ko yung sopas. hindi ko pa rin kinakalimutan yung ginawa niya sa akin kanina.

"Oh. Sorry..." Kinuha niya yung bowl sa kamay ko at nagsimula na kumain. 

Ano ba kasing iniisip ng lalaking ito. Loko lang... Makalabas na nga muna.

"Dito ka lang." mahina niyang sabi.

"Ano?" binigyan ko siya ng naguguluhang tingin.

"Sabi ko dito ka lang. alaagaan mo rin ako tulad ng pag-aalaga ko sa iyo kagabi. Nagkasakit tuloy ako." ABA! ayos rin to a.

"sinabi ko bang alagaan mo ako kagabi? Bahala ka dyan. Galit pa ako sa iyo." aktong hahawakan ko na yung doorknob pero nagsalita pa siya ulit.

"I'm sorry. I know ayaw mo sa akin ngayon dahil sa ginawa ko sa iyo. Pero please samahan mo muna ako rito maski hindi mo ako kausapin. I'm so sorry." 

--------------> itutuloy

Maikling update. Pero thank you po sa nagbabasa ng story ko. Sana magustuhan niyo.. ^_^ 

Please Comment and Vote.. 

Dedicated to ate Liz @Berryblurred. Lovelove.. 

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!