12: New Partner

318 36 13

MAY sasabihin pa sana siya pero may nakita siyang babae sa likuran ni Greco na bigla na lang yumakap sa leeg ng lalaki, sabay halik sa pisngi nito. Hindi niya lang ga'nong makita ang mukha ni ateng girl dahil nakasuot ito ng oversized sunglasses at baseball cap.

Is she The Girlfriend?

"Paisley," halatang nabigla na sabi ni Greco, saka nito hinawakan ang pisnging hinalikan ng babae. "You surprised me."

"That kiss was an apology for being late," nakangiting sabi ni 'Paisley,' saka ito umupo sa tabi ni Greco. Pagkatapos, inalis na nito ang suot na baseball cap at shades habang nakatingin pa rin sa lalaki. "Greco, I'm sorry but I have to leave in five minutes. May biglaang work kasi na dumating. Gusto ko nga sanang i-cancel na lang 'tong meeting natin pero dito rin naman ang way namin kaya dumaan na rin ako. Super nakakahiya na late na nga ako, pero heto, nag-ra-rush pa rin ako. I'm really sorry. I'll make it up to you next time."

"It's okay, Paisley," nakangiting pag-a-assure dito ng lalaki. "I don't mind if you get straight to the point. Ah, you look like you're in a rush but can I still get you anything? Para kapag aalis ka na, may drinks ka sa biyahe mo."

Halatang na-touch naman ang babae. "That's so sweet, Greco. Ako dapat ang manlibre sa'yo, eh. Next time talaga, babawi ako sa'yo." Tinaas nito ang kanang kamay. "Promise."

"No problem," sabi naman ni Greco, saka ito tumayo. "The usual?"

Tumango si Paisley. "Yes, please."

Nakangiting tumango lang si Greco, saka ito naglakad papunta sa barista.

Nakalimutan na nila ko.

Kaya humigop si Ruma ng malakas mula sa straw ng drinks niya.

Halatang nagulat si Paisley na napatingin sa kanya at mukhang nagtaka pa kung bakit nando'n siya. "Excuse me. You are...?"

"Ruma Agustin," pagpapakilala niya sa sarili niya, saka niya nilahad ang kamay niya rito. "I'm Kuya Greco's... student."

"I'm Paisley," nakangiting pagpapakilala naman ng babae at nakipag-handshake ito sa kanya. Nang bitawan nito ang kamay niya, saka ito nagsalita uli. "Ah, right. Nag-vo-volunteer nga pala si Greco sa art school ng mommy niya every weekend."

Muntik na siyang mabulunan sa drinks niya dala ng gulat. "Kuya Greco's mom owns Javier Art School?"

"Oh, you didn't know?" halatang nasorpresang tanong ng babae. "Yeah. Her mom is a famous artist. Tita Gina Javier-Fuentes is a painter and now, she's into digital art. Anyway, kung student ka ni Greco, you must also be a digital artist? 'Yon kasi ang forte niya."

"I can't call myself as an artist yet," nahihiyang pag-amin niya. "Hindi naman kasi ako magaling mag-drawing, eh. Tina-try ko lang kahit alam kong hopeless case na ko."

"Wala namang nagsisimula na super galing na agad, eh, kaya 'wag ka agad ma-dishearten," pag-comfort naman nito sa kanya sa halatang sincere na boses. "And with Greco's guidance, I'm sure you'll be fine."

Ngumiti lang siya dahil mahirap i-explain dito na hindi naman talaga si Greco ang tutor niya. "Thanks. Nakaka-amaze ang confidence at support mo kay Kuya Greco, Ate Paisley."

Paisley chuckled while gently shaking her head. "It can't be helped. Greco and I have been friends since we were in grade school. Nagkahiwalay lang kami no'ng nagkaro'n ng senior high dahil magkaiba ang strand namin. Hanggang ngayon namang college freshman na kami kasi magkaiba ang kinuha naming course. But still, we remained close through the years."

"I can see that."

Ngumiti lang ang babae at pareho na silang natahimik.

Mabuti na lang at naputol agad ang awkward silence nang bumalik na si Greco na may bitbit nang buzzer.

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!