ⅲ.

39 6 10
                                    

"Aray naman, Samantha!" Ano ba 'yan! Kitang may iniisip ang tao tapos biglang mangbabatok. "Ano bang problema mo!"

Hinaplos ko ang likod ng ulo kong pinalo niya. Kahit kailan talaga napaka-brutal ng babaeng 'to. Nagtataka nga ako kung paano siya nagustuhan ni Charlie, e. Tsk!

"Kanina pa kita kinakausap, pero ano, tulala ka r'yan! Para tuloy akong tanga na nakikipag-usap sa hangin!"Nakahalukipkip at nakaismid na sagot niya sa akin. 

"Ano na naman bang ka-ewanang iniisip mo?"

Napabuntong-hininga ako saka tumingin sa kaniya ng seryoso.

"Iniisip ko kasi kung paano masu-solusyunan ang problema ng bansa. Alam mo 'yon? Kung paano mababawasan ang kahirapan. Kung paano mapapataas ang antas ng edukasyon. Kung paano mabibigyan ng trabaho ang mga tambay at tsismosa r'yan sa kanto. Kung paano—aray ha! Nakakadalawa ka na!" Hinagis ko sa kan'ya ang isang piraso ng french fries ko. 

Tama bang pitikin ang noo ko? 'Di na ako magtataka kung magkaroon man ako ng memory lapse dahil sa pinagga-gawa sa 'kin ng babaeng 'to.

"Retard! Kung ano-ano iniisip mo! May balak ka bang tumakbong presidente?" Pinandilatan niya ako pero inirapan ko lang siya. Si Liselle naman patawa-tawa lang habang nakatingin sa aming dalawa ni Sam.

Nasa cafeteria kami ngayon. Nakatambay. Dalawang oras ba naman ang vacant period namin dahil sa biglaang meeting ng mga instructors. Sino ang hindi mabo-bore do'n, 'di ba? Kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip ko.

"Hindi ka na nasanay d'yan kay Maine, Sam. Alam mo namang weirdo 'yan." Napatingin ako kay Liselle. May hawak na naman siyang libro. 

Sa totoo lang, naghihinala ako kung paano namin naging kaibigan 'to ni Samantha, e. Sobrang tahimik. Hindi tulad naming dalawa ni Sam na akala mo may built-in microphone sa lalamunan.

"Hindi naman ako weird. Iba lang talaga ako mag-isip. Masyado kasing malawak ang imagination ko." Kumagat ako sa kinakain kong burger.

"Ang dami mo talagang alam, Charmaigne." Inirapan ako ni Samantha bago siya tumingin sa phone niya na bigla na lang tumunog.

If I know, si Charlie 'yon kung makangiti kasi si Sam akala mo hihiwalay ang pisngi sa mukha.

Napailing na lang si Liselle saka muling ibinaling ang tingin sa binabasa niyang libro. Ganito talaga kami ni Samantha kaya sanay na sa bangayan namin si Lisanna. Minsan nga hinahayaan niya lang kaming magsabunutan, e. Weird 'di ba?

Tuloy lang ako sa pagkain, mamaya ko na ulit aasarin si Samantha. Mag-iipon muna ako ng lakas. Isang kagat na lang sana ang gagawin ko nang biglang...

"Maine..." Isang malakas na tadyak ang aking naramdaman sa kaliwang paa ko.

"Aray ha! Nakakahalata na ako sa'yo, Samantha! Malapit na kitang i-demanda ng physical assault!" Sigaw ko kay Sam. Napatingin din ako sa burger ko na nahulog. "Ang burger ko..."

Naagaw ulit namin ni Sam ang atensyon ni Liselle. Ang totoo niyan, kanina pa kami pinagtitinginan dito sa cafeteria. Sadyang makapal lang ang pagmumukha namin kaya wala kaming pakialam.

Makalipas ang ilang segundong pagtingin sa akin, nabaling din sa likuran ko ang tingin ni Liselle. At tulad ni Samantha ay nanlaki rin ang mga mata niya. Ano bang meron sa likuran ko, at gan'yan na lang sila makatingin?

"Para kayong mga tanga, ano bang problema niyo?" Nakakunot noo'ng tanong ko sa kanila pero 'di nila ako sinagot, kaya naman lumingon na ako.

May isang lalaking nakatayo sa likuran ko. Matangkad, mukha siyang bagong gising sa buhok niya, chinito pero hindi naman ganun ka-singkit ang mata niya, matangos din ang ilong, di naman siya ganun kaputi, sakto lang. Ah kaya pala natulala 'tong dalawa. Walang duda naman kasing gwapo si Kuya na nasa likod ko.

Probably LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon