Justin’s POV

“Sandali lang ha, may tatawagan lang ako sa phone” pag eexcuse ko sakanila

bigla ko kasing naisip na meron pala kaming company branch doon sa Tagaytay, kaya naman naisipan kong tawagin si papa para itanong

Ring..ring..ring…

“Hello?”

“Uhm..hello pa?..diba meron tayong branch sa tagaytay?”

“Meron?..bakit?..hoy Xavier”

“Po?”

“Bakit gusto mong malaman kung meron nga tayong branch dun?” bakas sa boses ni papa yung pang-iinis(-_-)

“Ah basta..samin na lang po yun”

“Justin Xavier?”

“opo?”

“Sabihin mo na kasi…para kay Rylie your loves yan no? Haha”

“Eh?..basta po!..mamaya na lang po tayo mag usap ah!..atsaka pala pa..nasa bahay kami nila Zoe baka malate kami umuwi”

 “Ok Ok Ok..Chill masyado kang defensive! Haha..ah ganun ba?..Osige ikamusta mo na lang ako sa tito’t tita mo ha”

“May gusto po ba yung kambal?..Itext niyo na lang po sa’kin mamaya”

“Osige..excited na nga sila eh…sa pasalubong hahaha.. o basta ingat sa pag-uwi”

“Hmmm…Osige po bye”

_end of conversation_

“Teka?..kambal?!” sigaw ni Zoe..ah! diko pa pala nasasabi na may kapatid akong kambal

“Ah-oo? Kambal?”  nag aalangan kong sagot kay Zoe

“Bakit hindi ninyo sinabe?? Hmp..tampo na kami sainyo niyan ah!” hassle.. yan na nga yung sinasabi ko eh

“Basta..makikilala niyo rin naman sila…soon” sabi naman ni JKO

“Psh..bahala nga kayo..(-3-)“

“Aish mamaya na yan pwede??..focus muna tayo kay Rylie” Hindi ko na napigilang hindi mag react haha sorry po

“OO nga, tama” sabi naman ni JKO..psh makatakas lang(-_-)

“Sabi ko nga, pasensya na...so pag uusapan muna natin kung paano kakabisaduhin yung mga pupuntahan natin sa tagaytay..teka lang kukuha lang ako ng Notebook sa loob” sabi ni Zoe atsaka na pumasok sa loob ng bahay nila

“Hindi ko alam na ganun ka-importante si Rylie” napatingin ako kay JKO dahil sa sinabi niya

May point siya..ang buong akala ko importante siya dahil importante lang siya..yun pala importante siya dahil may mga bagay pa ang kinatatakutan niya na dapat niyang harapin..na kailangan nandun kami para tulungan siya at suportahan

“Alam mo pre, Narealize ko kanina nung nakita kong naiyak si Zoe, narealize ko na kailangan tayo ni Rylie.. pati narin ni Zoe, Kailangan nating maging Knight at Shining armor nila..ano sa tingin mo?” nabilaukan si JKO sa mga sinabi ko..kumakain kasi siya ng Strawberry haha

“*cough**cough* Pare naman eh! napaka baduy mo!..pero kung tatanungin ako?..hmm willing naman ako”

“Tss..ewan ko sa'yo, pero seryoso ako, handa ako na maging Knight at shining armor ng dalawa”

Friends....forever?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!