CHAPTER 36: ACE

45K 2.2K 1K
                                    

Chapter 36: Ace

A/N: Belated happy birthday @danashiii ❤

~VICTORIA~

Tiniyak kong tahimik ang bawat hakbang ko papasok sa unit na iyon. Mas maingat ako dahil alam kong kahit papaano ay mapagmatyag ang taong sadya ko ngayon. Halos igapang ko na ang sarili ko upang matiyak na walang kahit anong ingay na malikha ang mga paa ko. Nakapatay ang mga ilaw sa lugar na iyon kaya mas mahirap ang paggalaw ngunit para sa gaya kong magnanakaw, mas sanay akong gumalaw sa dilim.

Tinanggal ko ang mga lock na nasa bintana at tahimik na pumasok. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at nang matiyak na walang tao ay naghanap ako ng maaring magamit. Kinapa ko ang ilalim ng mesa at gaya ng inaasahan ko ay may malamig na bagay akong nakapa roon. Baril. Hinigit ko iyon at inilagay sa holster na nasa binti ko. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw.

Gusto kong mamangha sa lugar na iyon. Maari iyong pumasa bilang mini-museum dahil sa mga bagay na naroon. Exquisite tapestries, precious stones, lumang mga estatwa at iba pang mga mamahaling bagay. Nakakalungkot isipin na mas nasilaw siya sa mga bagay na katulad nito.

Hahakbang pa sana ako ngunit isang kasa ng baril ang narinig ko at kasunod niyon ay ang paglapat ng matigas at delikadong bagay sa sintido ko.

“Itaas mo ang mga kamay mo.”

Nagpakawala ako ng hingang malalim at sinunod ang sinabi ng taong iyon. Hinablot niya ang hawak kong baril at maging ang baril na kinuha ko mula sa ilalim ng mesa niya na nakasukbit sa binti ko. Mayamaya ay bumaha ang liwanag sa loob ng unit at tila mas lalo akong namangha dahil sa hitsura ng unit na iyon.

Nang makuha niya ang mga baril mula sa akin ay ibinaba na rin niya ang itinutok sa akin at malungkot ang mukhang tiningnan ako. “Why are you here V?” inilapag niya sa gilid niya ang dalawang baril na mula sa akin. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang baril at naupo sa isang magarang upuan at nagde-kwatro.

“Gusto ko lamang ng mga kasagutan Mimo,” sagot ko sa kanya. “Hindi ka ba natatakot?”

“Natatakot saan?” tanong niya.

“Ibinaba mo ang iyong baril. Kahit walang natirang armas sa akin, tiyak kong kaya kong agawin sa’yo ang baril na hawak mo at itutok iyon sa’yo.”

“I know,” sagot niya. “But I know you well enough V. You came here for answers right? I know your ways as a thief. I mean our ways but only you strictly follows it. Take what you planned to take, that’s the rule. I know you only planned to take answers now, hindi buhay ko.”

Huminga ako nang malalim at hindi inialis ang tingin sa kanya. “Bakit Mimo?”

“Dahil gusto ko,” sagot niya. “Hindi ako hipokrito Victoria, aaminin kong pera at yaman ang tanging nagpapasaya sa katulad ko.”

Pinigilan ko ang sariling magpahayag ng mga masasakit na salita. Nakuha ko ang punto ni Mimo. Una pa lamang ay hindi na niya ikinailang may mga pansariling kagustuhan siya. Kapag may proyekto kami, hindi niya maiwasang kumuha ng bagay na hindi kasali sa iniutos ng Nakatataas sa amin.

“Maliban diyan?” tanong ko. Kahit papaano ay sensible na tao rin naman si Mimo.

Mapait na ngumiti siya. “Malaki ang utang na loob ko kay Homer kaya hindi ako pwedeng tumanggi.”

Mahinang tumango ako sa sagot niya. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit madalas hinahamak ang lahat ng kung sino man para lamang mabayaran ang utang na loob. Bakit kahit mali ay ginagawa pa rin ng iba para sa utang na loob?

“Nakuha ko ang punto mo Mimo pero maliban sa mga kasagutan ay nandito ako para balaan ka. Kung dumating man ang araw na magiging balakkid ka sa mga gagawin ko, kalilimutan ko ang pinagsamahan natin bilang bahagi ng Lupin.”

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon